“Classmate ko. Bakit?”
One shot.Welcome to another cliche story! Edited Version
© Redsecrets | All rights reserved 2014.
March 13, 2014
April 20, 2016 — edited.---------------------------------------------------
Marahas kong sinara ang locker ko, kaya nama’y narinig ko ang echo nito sa buong pasilyo. Nakakainis naman! Sa lahat ng estudyanteng pwedeng umupo dun sa bleachers, ako pa talaga ‘tong nadikitan ng bubblegum sa skirt! Nandun lang naman ako para panuorin si Max! Tapos, eto? eto ‘yung kapalit?!
“Galit ka?”
May iba pa palang tao dito pero hindi ko naisipang lumingon kung sino siya. Naiinis talaga ako! Wala akong pake kung sino man siya!
“Pake mo.”
Narinig kong suminghal ito ng tahimik, at umiling-iling. Medyo pamilyar siya.
“Look, all I wanna do is to help you. Pero kung magtataray ka lang, I think you don’t need any help from me.” napagpasyahan ‘kong tumingin sa kaniya, Ang pula nitong buhok na basang basa ng pawis. Ang Jersey nito na kala mo’y nilabhan sa Pawis, na nakadikit sa balat nito. Nakakadistract man ang six-pack abs nito, pilit ko paring tingnan ang mga mata niyang hindi ko maintindihan at ang noo nitong nakakunot. Hleft me jawdropped. Shit, si Max pala.
Napagpasyahan kong pumunta sa cafeteria pagkatapos ‘kong magpalit ng PE Uniform. Buti nalang talaga may extra PE Uniform ako sa locker.
Hinayaan kong ibinagsak ang sarili ko sa upuan ng cafeteria sa harap ng dalawa kong kaibigang sina Savannah at Rianne.
“Oh? anyare sayo Girl?” tanong ni Savannah na kasalukuyang kumakain ng bagong bukas ng sandwich.
“kasi naman eh!” inagaw ko na lamang ang sandwich nito sa kaniya. Pipigilan na niya ako dapat, kaso pinigilan ko siyang magsalita at agad na umalis. Nginuya-nguya ko na lamang ang sandwich na hindi ko naman alam kung ano ang lasa. Maalat-alat na matamis-tamis.
Tutal, uwian na naman. Oo, gawi na naming pumunta sa cafeteria bago umuwi. Halos kaming tatlo lamang ang pumupunta dito tuwing uwian.
Habang naglalakad ako, biglang nangangati ‘yung braso ko. Naisip kong baka nakagat ako ng insekto sa Damuhan kanina. Kanina kasi, tumago ako sa damuhan nang makita kong umiinom si Max sa Water Fountain. Bahagyang nakatingala ang ulo nito, He opened his mouth, displaying his set of white clean teeth. Ang ilong niya, matangos. Ang mga pilikmata niya, mahaba.
Kumindat si Max kanina sa gawi ko, kaso ang daming tumili na babae kanina. So, baka hindi ako yun. Naga-assume ka na naman, Jima.
Habang papalayo ako sa cafeteria, Pinitas ko ang isang bulaklak mula sa isang damuhang may sign na
“No Picking of Flowers”
Nah, sometimes I prefer to break those rules. Rules suck and It keeps on holding our neck.
He loves me, He loves me not.
Paulit-ulit kong sambit habang pinipitas ko ang mga petals nito. Shit! HE LOVES ME NOT!
Itinapon ko ang stem ng bulaklak sa gilid. Ugh! Patuloy parin ang pangangati ng leeg ko, na hanggang ngayo’y pati sa mga kamay at binti ko na. Ano ba ‘to?! Agad kong tinawagan si Savannah para papuntahin siya kung nasaan ako.