______________________________
It's my first time writing one-shot , so I hope you like it !
-MissAithneL/______________________________
Her radiant smiles , her kindness , her love , and even the things that she is capable of doing. I remember every detail about her. And it will remain forever , in my heart.
This is the day. Ito ang kanyang 4th anniversary. What I mean is , 4th Death Anniversary.
Siya si Christhine. Ang pinakamamahal ko. Nakakalungkot mang isipin ngunit apat na taon na pala. Apat na taon simula ng araw na iyon. Pinatay siya gamit ang mga paborito niyang sandata. Nawalan siya ng buhay sa mismong harapan ko dahil sa aking pinsan. Isa siyang gangster kaya siya pinatay. Iyon ang totoo.
Bakit nangyari ang lahat ng iyon?
Dahil sa isang sikreto. Dahil sa sikreto ng aming mga pamilya.
I am Dhialle , A pure Vampire. Nasa harap ako ngayon ng kanyang puntod na nilinisan ko kanina. Dala-dala ko ang kanyang paboritong bulaklak. Hindi ko na mapigilang mapaiyak.
"I am s-sorry . Christhine , sorry dahil inilihim ko sayo. Sorry dahil wala akong nagawa . S-Sorry." sabi ko sa harap ng puntod niya.
Malinaw pa sa akin ang lahat ng nangyari kahit pa kay tagal na nito.
Flashback~~~
Papalapit na siya sa akin bitbit ang kanyang matatamis na ngiti sa kanyang labi. Salamat naman. Nagustuhan niya ang sorpresa ko.
Narito kami sa isang private island para sa aming Anniversary. 3 years to be exact. Dito ko na rin siya aalukin magpakasal.
Nag-dinner kami rito at nag-usap. Nagpalitan ng matatamis na salita. Dahan-dahan naman akong lumuhod na parang isang knight sa kanyang harapan. Sumilay naman sa kanyang mukha ang bahagyang pagkagulat. Napalitan naman agad ito ng isang ngiti. Kakaibang ngiti. Ngayon ko lamang ito nakita sa kanya dahil lagi siyang seryoso.
" Christhine , my only love... be with me forever .. Will you mar------"
'Walang kasalang magaganap!!' pinutol ng isang pamilyar na boses ang aking mga sinasabi. Kasabay ng kanyang pagsasalita ay ang pagtama ng isang fukiya kay Christhine at ang agad na paghawak sa akin ng dalawang lalaki. Nagpumiglas ako ngunit hindi ko kayang makawala sa mga lalaking ito.
Dugo. Yan ang bumubuhay sa mga reflexes ko. Nakakita na naman ako ng dugo. Sa mismong pisngi pa ni Christhine . Ng taong mahal ko.
'Dhialle , kaya mo ba talagang pakasalan ang babaeng sumira sa pamilya mo , 'ha? O mas masahol pa sa gagawin ko ang dapat mong kilos? ' sa pagsabi niya noon ay lumabas na mula sa kadiliman ang aking pinsan . Si Charlotte.
Mabilis ang naging pangyayari. Namalayan ko na lang ang sarili kong nakaluhod , umiiyak. Nasaksak si Christhine gamit ang sarili niyang dagger. Sinaksak siya ng aking pinsan , sa mismong harap ko.
Nalaman ko na rin ang lahat . Ang dahilan.
A decade ago , nangyari ang isang madugong labanan. Magkalaban ang mga Vampire at Gangsters. Dati pa silang may hidwaan. To make it short , nanalo ang mga Bampira. Ngunit namatay ang kanilang pinuno. Ang aking lolo. Sa sobrang galit ng aking ina ay inubos nila ang lahi ng mga gangster. Isa lang ang natira. Si Christhine. Hindi ko alam ang pangyayaring iyon.
Isang taon ang lumipas. Si Christhine daw ay nagbalik upang maghiganti. Isang digmaan na naman ang nangyari. Napuno nang galit ang kanyang kalooban. Namatay naman ang aking magulang dahil kay Christhine.
~~~~~~~~~
Maraming taon ang lumipas. Kami naman ni Christhine ang nagkakita. Without knowing na may nakaraan ang aming mga angkan. Nagmahalan kami. Pagkatapos ng dalawang taon ay aayain ko siyang magpakasal , ngunit namatay siya at nalaman ko ang katotohanan.
Hanggang ngayon ay humihingi pa rin ako ng tawad sa kanya dahil wala akong nagawa. Siguro nga , minahal ko siya ng labis . Kase , sa kabila ng lahat ng nangyari .....
Hindi pa rin magbabago ang aking pagmamahal sa kanya.
~end~
YOU ARE READING
Tarnished by their Past
RandomChristhine and Dhialle. ---------------------------------------- credits to the owner of pictures used in the cover.