Beauty and The Pig (C-9)

37.6K 177 5
                                    

Chapter Nine

Matagal din silang hindi nagkita ni Pola. Mamaya naman ay New Year’s Eve na, at sana makasama nya si Pola, dahil may kasabihan na kung sino ang kasama mo ng eksaktong alas dose ng bagaong taon, yoon ang palagi mong makakasama sa buong taon. Handa na rin sya para ibigay kay Pola ang singsing nito. Wala pa mang alas sais ng gabi ay nagtext si Pola, hindi raw ito makakapunta,  “Sayang talaga.” Wala naman syang nagawa kundi ang maghanap na lang ng ibang kasama, tinawagan nya si Ralph at tinanong kung may gagawin ba ito, wala naman daw itong gagawin at tinanong din nito kung pwede ba itong magpunta sa kanila mamaya, pumayag naman sya.

“Kailan balik natin sa school, pare?” tanong nito, “Sa  three daw eh,” sagot nya. Nasa labas sila ng bahay ng may nagpukol sakanila ng paputok, buti na lang at hindi ito tumama sakanila. “Sino kaya yoon?” tanong nya, “Wait pare, nakita ko kung saan nagtago eh,” sabi ni Ralph, kaya naman kumuha ito ng five-star at hinagis sa isang eskinita. “Ouch!” sigaw ng kung sino man, pamilyar ang boses nito, hindi nya lang maalala kung sino, “Dre, may sugat ka sa pisngi,” sabi pa ng isang boses, ng lumapit sila sa madilim na eskinita at kumaripas na ng takbo ang dalawa kaya naman hindi na nila ito nakita. “Pare, bakit daw hindi makakapunta si Pola?” tanong ni Ralph, “Nandoon daw kasi ang mga magulang nya, kaya yun.” “Ikaw? Bakit di mo kasama si Darlyn?” tanong nya naman, “Bumalik na kanina,” malungkot na sagot nito, “Okay lang yan pare, pareho lang tayo. Tara na sa loob, kain na lang tayo.” Pagdating naman sa loob, malungkot din ang Ate nya dahil wala din ang boyfriend nito. “Ate Shaniya, wag ka na malungkot dyan, bagong taon po oh!” sita ni Ralph dito, natawa naman agad ito, “Oo na, ikaw din ha, wala din si Girlfriend,” sagot nito.

Mahirap talaga pag hindi mo kasama ang magulang mo, o kahit isa lang sa kanila. Hindi ganun kasaya lalo na kapag may mahahalagang okasyon tulad ng Pasko at Bagong Taon. Habang kumakain sila, “Ralph, balita ko ikaw daw magtuturo ng sayaw sa mga lalaki para sa foundation day?” tanong nga Ate nya, tumango naman si Ralph, “Wow! Aabangan ko yan ha,” dagdag pa ng Ate nya. “Five, Four, Three, Two, One! Happy New Year!” sabay sabay nila sabi, natawa sya ng makitang tumalon ang Ate nya, “Wala ka ng pag asa!” sabi nya sabay tawa. Kahit papano’y naging masaya naman silang tatlo. Nagtext sya kay Pola, “Happy New Year, eich-yu-en-way! Sana kahit hindi tayo magkasama ngayon, palagi pa rin tayong magkasama sa buong taon. I love you.” Nagreply naman ito, “Hi, bi-ey-bi-way. Happy New Year! I love you more, opo palagi tayong magsasama sa buong taon.”

Sakanila natulog si Ralph, masaya sya na kahit na  iniwan na sila ni Cael, mas pinili ni Ralph na sakanya sumama, at least alam nya kung sino talaga ang tunay nyang kabigan. Bestfriend nya ito simula pa noong grade one sila, kaya naman parang kapatid na rin ang turing nila dito ng Ate  Shaniya nya, ganun din naman ang turing nito sakanila. Kahit gaano pa ito kapasaway, mabait naman ito, at alam nito ang mga limitasyon lalo na pagdating sa ibang tao.

Kinabukasan, umuwi na din si Ralph pagtapos magtanghalian. Hapon na ng may nagdoorbell, pagbukas nya ng pinto bumungad sakanya si Pola, “Hello,” bati nito. Pinapasok nya ito sa loob at pinakain ng meryenda. “Kumusta naman ang New Year?” tanong nito, “Ayun, magkakasama kaming tatlo nina Ralph, at Ate Shaniya, mga walang kasama eh. Ikaw kumusta naman?” tanong nya din dito. “Okay naman, masaya,” sagot  nito sakanya. “Wait lang, Pola, may kukunin lang ako,” sabi nya dito. Pumunta sya sa kwarto nya at kinuha ang singsing nila. Pagbaba nya sa sala, “Pola, pikit ka muna,”, “Bakit?” tanong nito, “Basta.” Kinuha nya ang kamay nito at isinuot ang singsing, “Dilat ka na,” sabi niya dito. “Wow! Ang ganda naman Lindon,” sabi nito sakanya. Isang  simpleng singsing lang ang binili nya, ayaw nya ng maraming design, mas gusto nya kasi yung pormal tingnan. Niyakap sya nito, “I love you, Lindon.”

Maghapon lang silang nagmovie marathon ni Pola, masaya na ito na ganoon sila. Kumakain sila ng nachos at may kasama pang orange juice, masaya na sya ng ganoon, simula ngayon hindi na nila kailangan pa na magpunta sa mall, sa bahay lang, okay na. “Sino daw magtuturo ng sayaw nyo para sa foundation day?” tanong nya dito habang nakatingin ito sa tv. “Sino pa ba? Si Brittany lang naman lagi nagtuturo,” sagot nito. “Oo nga eh, nakakasawa, pwede namang ikaw di ba?” pabiro nyang sabi dito. “Ew! Pakantahin mo na ko, wag mo lang ako pagsayawin,” nakasimangot nitong sagot sakanya, “Sample nga ng isang sayaw para malaman natin kung marunong nga,”  biro nya dito, “Hindi ka titigil?”, “Hindi bakit?” sagot nya dito, nagulat sya ng pukulin sya nito ng unan, “Ah ganon?” at pinukol nya din ito.

“Anong ulam mo mamaya?” tanong nito, “Ewan ko lang kay ate,”, “Tayo na lang magluto.” Nagpunta sila sa palengke para mamili ng sahog ng sinigang, pagdating sa bahay ay naghiwa hiwa muna sila ng gulay at nagpakulo ng tubig at baboy para lumambot din ito agad. “Ilalagay ko na ba yung gulay?” tanong nya dito, “Ang kulit mo, pang limang tanong mo na yan, mamaya na pagmalambot na yung baboy,” sagot ulit nito sa panglimang beses. Sa wakas, dumating din ang oras para ilagay nya na ang gulay, first time nya lang magluto nang hindi basta prito lang, at ginawa nya pa ito kasama si Pola. “Kainan na!” sabi nya, “Ate mo?” tanong nito, “Mamaya pa yun dadating, buti na lang at nagpunta ka, may ulam ako!” masaya nyang sagot dito. Matapos kumain ng hapunan ay oras na para umuwi ito, “Mag sidecar ka na lang,”  sabi nya dito. “Sige,” may kakilala naman syang sidecar boy na kaibigan ng daddy nya, kaya dito nya pinasakay si Pola, para siguradong safe itong makakauwi sa bahay.

“Lindon, anong inulam mo?” tanong ng Ate nya, “Sinigang, Ate” sagot nya, “Saan ka bumili?”, “Niluto namin ni Pola,” sagot nya. “Buti naman, matikman nga,” pagsabi ay kumain na din ito. “Hmmm, aba masarap ha, baka si Pola lang talaga nagluto nito nanggulo ka lang?” tanong nito sakanya. “Hindi ha.”

Masaya sya ulit dahil magkasama sila ni Pola, at nagluto pa silang dalawa. Kaya naman agad syang nakatulog pagkahiga nya sa kama. Isang araw na lang at may pasok na ulit sila, kailangan nya na munang magpahinga.

Beauty and The Pig (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon