Chapter 1

15 0 0
                                    

***ONE***

“Good Evening Ladies and Gentleman and aspiring men and women! My name is Leah Mae, representing the College of Education.

Ako'y naniniwala sa kasabihang,

KUNG KAYA NG IBA...

...IPAGAWA MO SA KANILA. THANK YOU!”

**crowd cheering

“BULWAGAN! BULWAGAN! BULWAGAN!”

“Mga siraulo kayo! Hinding-hindi ko gagawin yan!”

“Teeeeeeeh! Ang KJ mo naman eh!”

“Leche! Teka nga, ano ba yan! Bakit may video!!!”

“Ay teeeeeeh! Wag mong sirain yan! Documentary to ng first ever contest mo!”

NYEMAS. Ano ba tong ginagawa sakin ng mga kaibigan ko. -_____-”

“WAHAHAHAHA! Lei! Lei! Benta mukha mo diyan oh!” Bam

“Oo nga Lei! Tae hindi ko alam to ah. Kailan nangyari to? HAHAHAHA!” Kai

“Ewan ko sa inyo! Patayin niyo na nga yan! Napipikon na ako!”

Tamang powertrip to ah. Naranasan niyo na bang sabay-sabay panuorin ng mga kaibigan mo ang isa sa mga kahindik-hindik at kahiya-hiyang kasaysayan ng buhay mo? Na akala mo isa teleserye lang na masarap samahan ng kutkutin ang drama niyo?! Eto yoooooooooon. FUUUUUUUUUUU. T_____T

“Tama naaaaa! Teka nga Bella Matthew bakit meron ka pa ba niyan?! Pinadelete ko na yan ah!”

“Tantanan mo ako sa kaka-Bella Matthew mo diyan ah. Di mo ako madadaan diyan, hindi ikaw ang nanay ko.” Bam

“AY! WAHAHAHAHA! Ano ito teeeeeeh?! Nanalo si Lei?! WAHAHAHA” Kai

“Ay teh, yan na yung mismong contest! Panalo si Leah Mae diyan eh.” Bam

“BAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAM!!!”

“Ay P@#$%^ &*A” Bam

“SH*********T!!!” Kai

“ANONG ISINISIGAW MO DIYAN?!” Bam & Kai

“Papatayin niyo yan o kayo ang papatayin ko. *death glare*”

“To naman, di na mabiro, eto na nga eh.” Kai

YAN. Buti naman. Leche. Papatayin din pala, inantay pang mamilog ang mala-tarsier kong mata eh.

Nga pala, ako si Leah Mae P. Bulwagan. 17 years old, first year college. Ang mga yan naman ay ang mga kaibigan ko na sina Bam at Kai. Triplets na kami kung ituring kasi matagal na kaming magkakasama, since gradeschool palang. Sanggang-dikit kami niyan! Magaganda pa yan, ako lang yata hindi eh T______T

Si Bella Matthew A. Villegas, in short Bam, ang famous Chinita namin. Maganda, Maputi, a very talented singer and theatrical actress and ofcourse singkit!

Si Kiara Rae V. Aquino naman, Kai for short, ang beauty queen sa amin. Maganda ulit, Maputi ulit, a very talented dancer and a class genius and certified beauty queen dahil siya ang aming University Muse. BONGGA!

Ako?

Wag niyo ng alamin basta tamang maganda at pangit. Hating-hati. So in short, my face and features ay certified pang commoner. Yung tipong hindi magugustuhan ng kahit sino sa unang tingin.

“Teka mga bakla, anong oras na?” Kai

“Oras na para bumili ng relo Kakai” Bam

“Tigil-tigilan mo ang philosophical skills mo Bam ah! Baka di kita matantsa ipatapon kita sa bunganga ng bulkan.” Kai (“-__-)

“3:30 daming sinabi neto.” Bam

“3:30!!!” Ako & Kai

“ARAY! Pangalawa na yan ah! Eardrums ko, fragile yon!” Bam

Ay potek. LATE na ako!!! Nakakalito ba? Nandito kasi kami sa dorm namin. Certified batugan kami kaya di samin pwede ang malayo sa university kung hindi consistent late din kami.

“Late na ako! Ikaw kasi Bam eh! HUHUHUHU!” Kai

“Wag ka ng dumrama diyan babae. Tara na!”

“Aray! Pag nahugot braso ko, ikaw magbabayad sa pampakabit diyan!” Kai

***

“Good Afternoon class. Sorry for this but I won't be able to discuss with you today because I have a meeting with the faculty so you may now leave.”

BOOM.

ARAY.

Yung tipong nakipagmarathon ako para makahabol sa Biology class na to, my mega last class for the day tapos biglang pagdating ko...

“O Lei. Ayos ah, san tayo galing? Mukha kang hinabol ng itak diyan ah.” Classmate 1

“Girl, bakit pumasok ka pa, kanina pa inannounce nung lunch ang departmental meeting na to ah sadyang nagpa-antay lang yang si Sir. Pa-vip naman yan, as always.” Classmate 2

Wag ng kumontra, hindi ko talaga knowables ang pangalan ng mga kaklase ko kasi Ireg ako. Wala akong bagsak FYI! Sadyang kumukuha lang ng extra units para madaling matapos.

“MALAS!!”

*booooooooooooggssh*

“Ay anak ng tipaklong!” Ako

Bwiset. Nagkape ako kaninang umaga. Makalaglag puso naman kasi ang eksena ni Kuya.

“Hala ka, sino ba yon?” Classmate 2

“Ah, si Harry yon. Ireg, bagsak kasi yan sa Biology atsaka sa iba pang Science units niya.” Classmate 1

“Classma---, este uh, teh, sino nga ulit yon?”

“Nako Lei, Charry te. Charry ang pangalan ko. Ah si Harry yon”

“Basta pogi alam ah! YIE!” Classmate 2

“Cha, ano ngang pangalan niya.” *turo kay classmate 2*

“Lei, kung bubulong ka nalang din, yung hindi ko rinig ha? Therese nga pala.”

Nakakahiya naman. Amfufu. Makapag-memo plus gold mamaya. Teka, Harry? Harry ang pangalan niya?

“O tulala ka na naman. Nakarinig ka lang ng may “--arry” diyan eh.” Kai

“Ay bonsai! Ano ba Kai!”

“Teh, ang sagwa ng pagkakasabi mo.” Charry

“Ha? Bakit? Teka, ano bang sinabi ko?” Kai

“HAHAHAHA! Wag na.” Charry & Therese

“Okaaaaaaay?” Kai ( ~___~)

Makapagbigay malisya tong si Kai. Hindi na ako affected dun no! Si Larry? Bakit ko pag-aaksayahan ng impulse ng nerve cells ko sa pag-iisip diyan sa Larry na yan. Siya na ata ang pinaka-malanding lalaking nakilala ko. Bukod pa don, mabaho pa niyan! May athlete's foot yan! Malakas magpasabog yan, may kili-kili powers yan eh. At bilang panghuli, banlag yan, akala mo ikaw kausap yun pala yung katabi mo! HUH!

“Hindi raw affected, pero kung masiraan sa readers. INAM.” Kai

“HA?! Wala akong sinasabi diyan no!”

“Minsan kasi bantayan ang bibig, akala mo di mo nasasabi, yun pala halos i-broadcast mo na sa sambayanan..” Kai

“WEH?! Hala sorry. Nasabi ko ba talaga?”

“Actually hindi. HAHAHAHA! Hinulaan ko lang, malay ko bang tatama.” Kai

Ay amp*ta. Naisahan ata ako dun ah. (__ __)

Dirty Little Secret (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon