Chapter 27

127 7 12
                                    

King

Paglabas ko sa kwarto ni Aya nakahinga na ko ng maluwag. Masyadong awkward sa loob dahil sa nangyari kanina.

Nawalan lang naman ako ng kontrol sa sarili ko eh.... Di ko naman sinasadya.

Pumasok na ko sa kwarto ko at nahiga.

Nagiisip ako ng kung ano anong bagay hanggang sa tinawag na ko ng maid.

Bumaba na ko at nakita ko na nandon na si Skie.

Psst! tawag ko sa kanya.

Bakit Kuya? tanong nya.

Sundan mo ko sa garden may kailangan tayong pag-usapan. dire-diretso kong sagot sa kanya.

Nagtataka ang mukha nya pero sumunod naman sya.

*****

Skie

Sa tingin ko wala na kaming magagawa pa.

Hahayaan ko na lang. Mawawala din yun. At kung hindi man? Hahayaan ko na lang rin. Mas gugulo kung makikisawsaw pa kami...

Ano kayang pwedeng gawin?

May naisip na ko!

Dali dali akong bumaba mula sa kwarto ko diretso sa garahe. Sumakay ako sa kotse ko at nag-drive papunta sa sementeryo.

Pumasok ako sa private part ng sementeryo at dumiretso sa dalawang puntod na magkatabi na may gintong lapida.

Mom, Dad, ano po bang dapat naming gawin? Hindi naman po pwede yun di'ba? Kayo po ba papayag po ba kayo kapag ganun yung nangyari? pagkausap ko sa dalawang lapida sa harap ko. Mukha man akong baliw, wala akong pake. Kailangan naming magkakapatid ng magulang ngayon....

Ano bang problema? Baka makatulong ako... sabi ng isang lalaki mula sa likod ko.

Sino ka? Anong kailangan mo? tanong ko sa kanya.

Hindi mo dapat sinosolo ang problema mo. May kapatid ka naman siguro di'ba? Bakit hindi mo sabihin sa kanila ang problema at baka makatulong sila? sagot nya.

Hindi ko alam kung sino ka at kung anong kailangan mo. Magpakilala ka muna. sagot ko.

Okay, if that's what you want. I'm Zacharias Archer Davis. sagot nito sa akin at nagkibit balikat.

Kilala mo si Aya? tanong ko na may halong pagkagulat.

Sya ang leader ng gang namin. Bakit ko sya hindi makikilala? balik na tanong nya.

Bakit mo sinasabi yan sa'kin? Paano kung isa pala ako sa mga gang na kalaban nyo? pananakot ko sa kanya.

Kapatid ka ni Aya, bakit ako matatakot? balik nyang tanong.

Paanong alam nya?

Hayyss.... nakalimutan ko. Ka-gang ni Aya ang isang to. Syempre sinabi nya sa mga ka-gang nya ang tungkol sa mga kapatid nya...

My Brother is the Gangster KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon