"Pssst wag kang maingay please?" Sabi ko kay Mika.
"Pero paano? Sayang naman ang popogi niyo pa naman." Alangan na tanong ni Mika sa amin ni Caleb.
"Promise me na wala kang pagsasabihan kahit sino, lalo na sa school." Paninigurado ko kay Mika.
"Ok, hindi ko ipagkakalat kung ano mang meron sa inyong dalawa. Pero kailangan mong ikwento sa akin kung paano naging kayo."
"Ganito kasi yan, first day non diba. Habang nagpapakilala ako sa harap ay napadako yung mga mata ko dito. " sabay turo kay Caleb.
"Tapos?"
"Ayun na pogian ako sa kanya, kaya siya yung naging crush ko agad sa section natin." Kwento ko kay Mika.
Pagtingin ko naman kay Caleb, nabakas ko sa mukha niya yung ngiting tagumpay.
Ito na nga ba yung sinasabi ko, kaya ayokong pinupuri siya sa harap ng ibang tao.
"So nang dahil lang sa isang sulyap eh naging kayo?"
"Hindi dahil don, kundi dahil sa dating app." Biglang singit naman ni Caleb.
Kinuwento namin ni Caleb kay Mika yung extra-ordinary naming pagtatagpo.
"Wow grabe naman, baka destined talaga kayo para sa isa't isa. Akalain mo yun, sa dinami rami ng users na pwede mong makachat eh yung crush mo pa, na classmate mo rin. Hahaha" sabi sa akin ni Mika.
"Crush din naman ako nitong si Caleb ah, diba Caleb?" Tanong ko sa kanya.
"Ha? Ewan ko sayo, crush ba kita? Sa pagkakaalam ko eh ikaw tong unang naattract sa akin." Painosente niyang sagot.
Tinitigan ko siya ng masama, pucha parang ang lumalabas eh ako lang tong nagkakagusto sa kanya. If I know halos maubos siya nung ginawa namin yung ano. Hahahha.
"Oh bakit parang nakangiti ka jan." Nagtatakang sabi sa akin ni Mika.
"Ah wala, so tara na tapos na yung movie."
Napagdesisyunan na naming umuwi, para makapagpahinga pa. Mga 5pm din yata ng makarating ako sa dorm.
Nauna niyang hinatid sa sakayan si Mika. As usual hinatid niya rin ako sa dorm ko.
At dahil maaga pa para matulog ay nag open muna ako ng facebook. Naisip kong iadd si Mika sa fb.
After kong magsend ng friend request ay agad naman tong inacept ni Mika.
Mika: Hey thanks pala sa gala natin kanina ha.
Alex: Wala yon ano ka ba. Tsaka ikaw na princess namin sa grupo hehehe.
Mika: Ha? Hindi ba tayong tatlo yung princesses sa grupo? Hahaha peace lang.
Alex: Ang bad mo pala Mika, akala ko pa naman angel ka, may demon palang nagtatago sa likod ng di makabasag pinggan mong anyo. :(
Mika: Hahaha iyakin.
Alex: Makulit ka pala talaga no?
Mika: Actually makulit talaga ako, kaso nga lang dahil hindi ko type yung mga classmates natin eh nahimik na lang ako sa gilid. Iwas na lang sa mga drama queen nating classmates.
Alex: Remind ko lang sayo, yung secret natin ah.
Mika: Oo nga, paulit ulit ka Alex. By the way kailan natin sisimulan sagutin yung questions?
Alex: Siguro this weekend? Free ka ba?
Mika: Oo free naman ako. Eh sila Caleb at Jake kelan daw?

BINABASA MO ANG
The Hopeless Romantic Idiot
Fiksi UmumLove, Drama, Bully, Secrets, Sex..... I'm Alex Monterozo, your typical guy, ahmm to be more specific, gay guy. Naghahanap ng love sa mundong punong puno ng kasinungalingan at pagpapanggap. Dapat ko bang hanapin ang love or hintayin na lang? Wha...