Chapter 51: Does Love Conquers All?
Heaven Akira's POV
"Binibigyan lang kita ng dalawang minuto para magpaliwanag. Tell me everything in just two minutes." Seryoso kong sabi kay Cole.
Nandito kami sa garden ng bahay nya, bigla bigla nalang nyako pinasakay sa kotse nya at pumunta kami dito.
Hindi porket bumaba ako ng bus ay okay na kami. Aba ilang beses din nya akong sinaktan. Hindi nyako makukuha agad agad ng ganun ganun lang.
"Hindi ko alam kung paano o kelan nagsimula.. Narealize ko nalang na mahal kita." Panimula nya.
Leche kakasabi ko palang na hindi nyako makukuha agad agad e parang bibigay nako kakasimula palang nya.
Pero syempre hindi rin.
"Paano? I mean, diba si ate yung gusto mo? Kaya ka nga nagpatulong sakin manligaw diba?" Tanong ko.
"Akala ko rin. Kaso nung naging kami na, hinahanap hanap kita. Ayokong aminin sa sarili ko na gusto na kita kasi hindi ko rin matanggap. Iniwasan kita para yung atensyon ko nakay Aiko, pero hindi ko kaya. Lalo na nung dumating si Jake, tangina kinakain ako ng selos ko. Pero naisip ko na wala naman akong karapatan at may girlfriend nako. Naiinis ako sa sarili ko kasi, huli na nung narealize ko. Hindi ko alam na yung pagiging close natin, yung pagtulong mo sakin manligaw, aabot sa point na magugustuhan kita. Kada nandyan ka masaya ako, kada ngumingiti ka bumibilis yung tibok ng puso ko. Naiinis ako kapag may lumalapit, tumitingin, o kumakausap na lalaki sayo, kaya pinagpalit kita ng damit nung nasa resort tayo. Yung hiniling ko nung nasa roof top tayo? Sana hindi nako maging duwag sa nararamdaman ko. Hindi ko nga alam kung minahal ko ba talaga si Aiko o yun lang ang pinaniwalaan ko kasi sya yung babaeng nakasayaw ko na nakamaskara nun."
"Ako yun." Mabilis kong sagot na ikinagulat nya.
"W-what?"
"Ako yun Cole. Dati ko pa alam na ako yun, pero hindi ko lang sinabi sayo. That night, hindi naman umattend si ate non. Nung dinescribe mo, alam ko na sa sarili ko na ako pero hinayaan ko nalang. Kasi akala ko mahal mo talaga si ate." Sabi ko habang nakayuko.
Dinukot ko yung bracelet sa bulsa ko at pinakita sakanya.
"I-its you.." Bulong nya. Ito yung bracelet na binigay sakin nung kasayaw ko nun.
"Bilisan mo na. Patapos na two minutes mo. Kapag di mo ko nakumbinsi, aalis nako."
Pero di naman talaga ako nagbibilang ng time. Inaasar ko lang sya. Hindi parin kasi ako makapaniwala.
Agad naman syang nagtuloy sa sinasabi nya. "So yun nga, baka nga yun lang ang pinaniwalaan ko kasi akala ko sya yung babae nun."
"Bakit naman sorry ang sinabi mo nung umamin akong ano..." Tatanong ko paba?
"Ano?" Nakangising tanong nya. Arrgh!
"Wag na nga!" Inis akong tumayo at akmang aalis nako pero hinawakan nya ang kamay ko.
"Wag ka ng mahiya. Dito ka nga!" Pinaupo nya ko ulit sa tabi nya. "Ano ulit yung tanong mo kanina?" He grinned.
"Leche ka. So bakit ka nagsorry nun nung ano.. Nung umamin akong.. Kainis.. Nung ano.. Nung umamin akong m-mahal kita." Tanong ko at nag-iwas ng tingin.
Feeling ko ako ang kawawa dito sa pag-uusap namin. Kainis.
"Ulitin mo nga." Ngiting ngiti nyang sabi kaya piningot ko yung tenga. "A-aray!"
"Abuso ka! Wag kang tatawa tawa dyan, akala mo okay na tayo? Akala mo mahal pa kita? Naawa lang ako sayo kaya ako bumaba kanina!" Sigaw ko sakanya habang sya hawak parin yung tenga nya na namula dahil sa pingot ko.
BINABASA MO ANG
She's The Man Hater Since Then
Teen FictionHIGHEST RANK REACHED: #41 in TEEN FICTION Broken by ONE, now hates EVERYONE. One thing about me? I. HATE. BOYS No Boys No Problems Maybe other thinks, they can't live without boys. But me? I can't live when there are boys. Maybe Gays. But not...