Trisha's PoV
Bukas na nga ang Kaarawan ni Alejandra at Kailangan na naming maghanda.
May Yapak ng Kabayo
Nakita namin ni Charles sa malayo yung kabayo at may nakasakay dito.
Pumunta ang kabayo sa aming kaharian at nakita ko ang isang prinsipe
Kahawig siya ni charles at mas matangkad pa ito kay charles...
"Kuya? Anong Ginagawa mo rito?!" Pagtatakang sabi ni charles.
"Sinusundo na kita!Napakulit mo talagang Bata ka!" Mukhang Alalang alala na ang kuya niya.
"Paumanhin prinsesa kung naging Makulit man ang aking kapatid dito sa inyong kaharian!" At hinalikan niya ang aking kanang kamay pero hindi man tulad ng isang prinsipe ang paghalik niya medyo parang babae ang kilos niya....
"Tss.... Kuya Mali ang Paghalik mo sa Kamay ng isang prinsesa Ganito Dapat!"
Ginawa ni Charles kung paano ang paghalik ng isang prinsipe sa isang prinsesa.
"Ayos lang charles ang importante may paggalang ang nakakatanda mong kapatid!" At ngumiti ako sakanya
"Prinsipe ano ang iyong pangalan?" Tanong ko.
"Ako si Endynmion, Ang Nakakatandang Kapatid ni Charles ang Susunod na Magiging hari ng Grimhilde sa pranses" at nag vow siya.
"Tsss.... Sana ako nalang yung Panganay!" Pabulong na sabi ni charles pero narinig ko iyon.
"Charles huwag kang ganyan sa kuya mo!" Pananaway ko.
"Para kasing babae yan si kuya medyo mahina!" Pang mamaliit niya sa kanyang kuya.
"Kahit na ganito ang kilos ko pusong lalaki ako!" Galit na galit na sabi ni endynmion "Hindi mo ba alam na may iniibig akong isang prinsesa at makikita natin siya bukas?" Huh sino naman ang prinsesa na iyon?dibale makikilala namin siya bukas.
"Ate Trisha!Sino yang kinakausap mo?" Pasigaw na tanong ni Alejandra.
"Alejandra Jehna!Tara dito may ipapakilala kami sainyo."
Lumapit naman silang dalawa habang nagpapagpag sila ng putik sa kamay hahaha!Yung mukha ni gusgus pinaglaruan nila!puro putik ang mukha ni gusgus
"Ah....Hehe? Mabuting Maghugas muna kayo ng inyong mga kamay Jehna....Alejandra" at naghugas din naman sila nang makita ni charles ang mukha ni gusgus na puno ng putik sobra ang halakhak niya hindi niya mapigilan at napasandal pa siya sa Kabayo ng kuya niya.
"Mukhang tsokolate si gusgus ngayon ah!" At humalakhak sya ng humalakhak.
"Trisha tapos na kaming maghugas ng mga kamay!" Pasigaw na sabi ni jehna.
Nakita ko naman si dina at tina na mukhang masaya.
"Tina....Dina.... mukhang masaya kayo ngayon ah?" Magandang pagbati ko sa magkapatid.
"Wala lang po si Jack at Jill kasi binigyan kami ng mga bulaklak Ayyyyyyyyyyyyyyyy!!!!!!" Sumigaw silang dalawa na halos mabinge ang tenga ko.
"Ah Hehe.... Magandang balita"
"Tara Hihi...."
At umalis ang magkapatid na masaya.
"Siya si Prinsipe Endynmion ang kapatid ni Charles"
"Nako.... Medyo magkahawig nga kayo ah pero mas Pikit si Kuya charles hahaha!" Pang aasar ni Alejandra.
"Weh! Ikaw nga pandak eh!Pandak Pandak!" Patuloy na pang aasar niya pero hindi na naaasar si Alejandra
"Masaya akong nakilala ka!Prinsipe Endynmion ako si jehna ang prinsesa ng crystal sa ingglatera" pagbati ni jehna.
"Prinsesa ka?Bakit nakapang Alipin ang kasuotan mo?" Tanong na gulat ni endynmion
"Mahabang Kwento Endynmion kay trisha mo nalang tanungin" at tiningnan niya ako at kumaway naman ako
"Ako rin po!Ako po si Alejandra!Punta po kayo sa aking kaarawan bukas!"
"Ang cute mo namang bata!" Pagbati ni endynmion
"Ayan nanaman siya Nagiging babae nanaman" Pang mamaliit ni charles
Yumuko nalang si Endynmion at nahiya.
"Ahh...Tara sa Aking silid?" At pumunta kaming lima sa aking silid.
Habang naglalakad....
"Endynmion Bakit Ngayon lang kita nakilala?si charles lang ang nakilala ko noong bata pa kami eh ikaw?Bakit hindi man lang kita nakita nung bata ka?"
"Nasa ibang Bansa kami noon trisha at si ina at charles lang ang naiwan sa Pranses noon tapos noong nagkaroon ng digmaan namatay ang aming ina kaya pumunta si charles sa amin ikaw pala yung kinukwento nya sa akin na...."
"EHEM!KUYA!ANO BA ANG DALDAL MO!" -,-
"Ahh Hehe Trisha wala pala Pasensya na kapatid" pabulong na sabi na pasensya....
"Tadaaaa! Eto ang aking silid endyn..." hindi ko naituloy ang pagsaalita ko dahil biglang sumugod sa higaan ko si charles at tumalon.
"Ahhh Pasensya na talaga makulit talaga yan si charles eh!" Pag papasensya ni Endynmion at napakamot nalang ng kanyang ulo.
"Mukhang may bago kayong kakilalang prinsipe ah?Kamusta munting prinsipe!" Pagabti ni kuya dennis kasama si kuya vincent.
"Ako si endynmion prinsipe ng Grimhilde sa pranses" at nag vow.
"Kapatid ka ni charles?!" Tanong ni kuya vincent.
"Opo!"
"Magkahawig kasi kayo!hahaha!" Tawa ni kuya vincent.
"Ahh....Dibale Magkita kita nalang ulit tayo sa Kaarawan ni Alejandra Kailangan na naming bumalik ni charles sa kaharian dahil baka nagaalala na sa amin si Nay toddette hanggang sa muling pagkikita!Charles!Tara na!"
"Kuya Ayoko pa!"
"Bilisan mo na!"
"Ayoko!"
"Ayaw mo ha!"
Hinatak niya si charles papunta sa kanyang kabayo habang kumakawala ito pero nalula si charles sa taas ng kabayo ni endynmion kaya hindi na ito nakababa sumama ang loob niya dahil hindi nasunod ang gusto niya hahaha!
"Sige na charles sumama ka nalang sa kuya mo!" Ang sabi ko.
"Bahala na!"
At kumaripas ng takbo ang kabayo.
"Ah...Trisha Magpapahinga na ako ah?" Paalam ni jehna
"Ako rin po ate trisha!Paalam hanggang sa muli kita kita nalang sa Aking kaarawan"
