Kasey's POV
Nagising ako dahil pakiramdam ko may nakatitig sa akin.
Pagmulat ko ay nakita kong nakatitig sa akin si ken pero agad din syang nag iwas.
Umupo ako ng maayos at pinagmasdan ang paligid. Huh!? Bakit nandito ako!? Ang alam ko nasa sofa ako kanina at dun nakatulog.
Tinignan ko si ken na nakatingin sa bintana, still di parin tumitingin sakin. Nakakunot na ako habang nakatingin sakanya.
"Nakita kitang natutulog dito sa kwarto ko. Bubuhatin sana kita para ipunta sa sofa dahil ayaw na ayaw kong may humihiga ng kung sino sino dyan sa kama ko."sabi ni ken na nakapag palito sa akin.
Sa pagkaka alam ko sa sofa talaga ako nakatulog e. Nakakunot pa rin ang noo ko habang inaalala ang pagtulog ko.
'Di ako pwedeng magkamali e' sabi ko sa aking utak habang umi iling iling na mukhang ewan.
"Ano? Dika pa ba aalis!?" sabi nya sa akin na mahahalata mo ang iritasyon sa mukha at sa tono ng pananalita.
"Aah......aalis na, hehehe sorry ha? Di ko kasi namalayan na dito pala ako nakatulog kala ko kasi sa sofa ako nakatulog e." awkward na sabi ko at di nakatakas sa aking magagandang mata ang pag iwas nya ng tingin.
O-kay?
Tumayo na agad ako at inayos ang kama nyang nagusot ng kunti.
"Aahm ken alis na ako tapos naman na ako maglinis e." sabi ko.
"Dito kana kumain. Magluto ka, kompleto nang pagkain sa ref." sabi naman nito still avoiding my gaze.
"Aahm ken? Di kasi ako marunong mag luto e." paumanhin ko.
Tinignan naman nya ako ng masama, kaya napa atras ako.
"Hehehe sabi ko nga magluluto na."napipilitan kong sabi.
Huhuhu paano ba'to? Di talaga ako marunong magluto. Kumain lang ang alam ko ╮(╯_╰)╭
Pinili kong lutuin ang favorite kong adobo. Nakikita ko kasi sa mga maid namin kung paano sila mag luto e. Subukan ko nalang. Hahaha exciting! \(^o^)/
*^*^*^*^*^*
"F*ck!?" biglang sigaw ni ken pagkakita sa adobong niluto ko.Napayuko at napa atras naman ako. Dinig na dinig kasi ang sigaw nya sa buong dining area e.
"S-sabi ko naman k-kasi sayo e" may halong pag sisisi kong sambit sakanya. Paano naman kasi!? Nasunog lang naman ang adobo ko. Huhuhu diko naman kasi alam mag luto e :'(
"Such a stupid!" biglang nag init ang ulo ko sa narinig kong lumabas sa bunganga nya.
"Anong stupid ang pinag sasasabi mo ha!? Diba nga pinag luto mo ko!? O ayan na o! Luto na. Ano pa bang gusto mo!? Sinabi ko naman na hindi ako marunong mag luto diba!?"medyo naiiyak ko nang sabi. "S-sinabi ko n-naman e. Kaya wag mo kong ma stupid stupid d-dyan!" umiiyak ko na ngayong sabi.
Nakatingin lang sya sakin, kita ko sa mukha nya kanina ang gulat dahil sa biglang pag taas ko ng boses sakanya.
Anong magagawa ko? Ang sakit e! Araw araw nalang nya akong sinasabihan ng 'stupid' kapag pumapalpak.
Iyak parin ako ng iyak habang naka yuko na ngayon.
"Kung ayaw mo nang luto ko, magpadeliver ka na lang" walang ganang sabi ko at tumalikod na habang naka yuko parin.
Hahawakan ko na sana yung door knob pero biglang may humawak sa braso ko upang di matuloy ang pag bubukas ko ng pinto.
"Aaahm......." medyo nag aalinlangan ang boses nito kaya naman napalingon ako sa kanya.
Paglingon ko nakita ko nanaman ang mga mata nyang bigla biglang nagigibg soft ang pagtingin sa akin.
"Huh?" tanong ko habang nakakunot parin.
"S-s-sorry" sabi nya na nauutal pa. Kinilig naman daw si eko. Naintindihan ko actually pero gusto ko lang syang lokohin.
"Huh!? Ano!?" tanong ko na nakakunot parin.
Hahaha tignan lang natin. Bigla syang nag iwas ng tingin at sinabing.........
"I don't want to repeat what I've said earlier" sabi nito habang nakatingin sa malayo.
"Okay" sabi ko naman at nag kunwaring aalis na.
"H-hey!?" tawag nya sakin kaya naman napalingon ako.
"Sorry" sabi nya kaya naman napangiti ako ng sobra. Sasabihin din naman pala e. Papatagalin pa.
Lumingon naman ako sakanya ng may nakapaskil sa mukha kong malaking ngiti.
Bigla nanaman syang nag iwas ng tingin. Mukhang hobby nya yata ang pag iwas ng tingin a. →_→
"Apology accepted" naka ngiti kong sambit sakanya kaya naman bigla syang napatingin sakin.
Namagitan ang katahimikan sa aming paligid ngunit nakatitig lang sya sakin na tila ba kinakabisado ang bawat sulok ng mukha ko. Kaya naman napaiwas ako ng tingin dahil diko kinaya ang pagtititigan namin. Whoooo!!
"Sige na uuwi na ako. Dun nalang ako sa bahay mag la-lunch, magpa deliver ka na lang." sabi ko nalang dito.
Tumango baman sya kaya lumabas nako.
Isasarado ko palang yung pintuan ng condo nya ay bigla itong nag salita na nagpabilis nanaman ng tibok ng puso ko.
"Take care kasey." sabi nya.
Pero bago pa ako maka lingon dito ay bigla naman nyang sinara ang pintuan.
Bwisit to! Mag te-thank you palang sana ako e. T-tsaka? Ngayon nya lang binanggit ang pangalan ko? Diba!? Diba!? Ngayon nya lang binanggit!?
Omoooooo!? *^O^*
Parang napakagandang musika ang narinig kong lumabas sa kanyang bunganga nang banggitin nya ang pangalan ko. Shooooocks!!?? (≧3≦)
******************
Hope you like it readers❤👽Vote and comment is highly appreciated :* Follow me if you want❤👽Vote●Comment
YOU ARE READING
My Slave is my Fiancée?!
Teen FictionPaano pag nalaman mong ang slave mo ay iyong fiancée?! At ito pa, nagpanggap kayong mag girlfriend, boyfriend para lang makatakas dyan sa 'kalokohan' (which is sabi ni kenshin) ng mga magulang nyo! Ano naman kaya ang magiging reaksyon ng mga magulan...