Chapter 5 - Playmates

44 7 6
                                    

There's something about childhood friends that you just can't replace.
Lisa Whelchel

Ellie's POV

Tuwing linggo pagkatapos naming mag-simba ay naka-ugalian na naming maglaro. Ako, si Katie, si Rea kasama namin sila Mike, Kristoff, at Andrew. Minsan piko o kaya naman patintero. O kaya naman ay taguan doon sa isang bakanteng bahay malapit sa simbahan.

"Nga pala Mike, bakit wala si Andrew at Kristoff ngayon?" tanong ni Katie.

"Nakita ko si Andrew kasama yung daddy nya. Maaga pa silang umalis kanina. Si Kristoff ang alam ko umuwi ng Olongapo" ang kwento ni Mike.

Isang lote lang ang pagitan ng mga bahay nila Mike, Andrew, at Kristoff kaya palagi sila ang magkakasama. Nakatira sila sa isang subdivision na malapit sa amin. Kami naman ay umuupa lang sa isang apartment na malapit sa bahay nila Katie. Nasa loob ng subdivision ang simbahan kaya tuwing linggo ay nagpupunta kami doon para mag simba.

"Ang boring naman. Siguro mag laro na lang tayo para masaya" ang yaya ni Mike.

"E ano namang laro? Kulang tayo ngayon" tanong ni Rea.

"Alam ko na! Takutan!" ang suggestion ni Mike.

"Takutan? Ayoko nun. Iba na lang" ang sagot ko kay Mike.

Sa totoo lang ayoko nung takutan dahil malakas ang imagination ko. Baka hindi pa ako makatulog mamaya dahil sa takot.

"Mukha naman masaya yon Ellie. Pumayag ka na" pangungumbinsi ni Rea sa akin.

Palibhasa e may crush siya kay Mike kaya okay lang sa kanya kahit anong sabihin nito. Sabagay sinong hindi magka-crush sa kanya e kamukha nya si Ian Veneracion.

Crush ko rin si Mike pero ayoko lang yung nahahalata niya na may crush ako sa kanya. Nahihiya kasi ako. Baka pagtawanan pa ako nun kung malaman niyang crush ko siya.

"Sige na Ellie pumayag ka na. Mukhang masaya naman yan e. Tsaka para maiba naman yung laro natin" pangungumbinsi ni Katie.

"Okay, sige na nga" ang sagot ko na lang.

"Alright! Ako si Count Dracula " sabi ni Mike.

"Hmmm...mukhang may binabalak na naman si Mike na kalokohan" ang sabi ko sa isip ko.

Pumuwesto ako sa likuran ni Katie at Rea. Maya-maya lumalapit na si Mike na akala mo ay isa talagang dracula. Naglagay pa siya ng pangil na laruan na nabibili sa labas ng paaralan namin. Medyo madilim sa loob ng bahay kaya mas mukha talagang nakakatakot.

Eto at gumagana na naman ang imagination ko. Parang ang tingin ko na kay Mike ay isang bampira. Namumula ang kanyang mata, mahaba ang kanyang kuko, at ang tatalas ng kanyang mga pangil.

"Waaaaaaaaahhhhhhhhhh!" bigla akong napasigaw at nagsigawan na rin si Rea at Katie

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Waaaaaaaaahhhhhhhhhh!" bigla akong napasigaw at nagsigawan na rin si Rea at Katie.

Papalapit na nang papalapit sa amin ang bampira este si Mike pala. Habang kami naman ay paatras na nang paatras. Hanggang nakarating kami sa isang sulok na magkakasama pa ring tatlo. Nag-titilian na kaming tatlo at bigla akong na out of balance at napahawak ako sa dalawa kaya napaupo kaming tatlo. Nasa likod pa rin ako nung dalawa. Maya-maya'y hinila ni Mike ang paa ni Rea. Mas lalo akong natakot.

They Called It Puppy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon