Chapter 1

7 0 0
                                    

"Ate Naya! Ate Naya! Bilisan mo lumabas ka dito hinahanap na tayo ni tandang julio!" Narinig kong sigaw ng kaibigan kong si Riya. Kinuha ko ang punit punit kong jacket at pisinuot.

"Eto na saglit lang!" Nagmamadali akong nilock ang kwarto ko at lumabas, nadatnan kong nag aayos ng buhok si riya. "Riya bakit naman ang aga tayong hanapin ni tandang julio?"

"Kasi maaga din daw siyang aalis! Kaya ibig sabihin ay pagkaalis niya ay malaya tayo maghapon!" Ngiting ngiti na sagot niya sakin. Napangiti ako habang tinitignan si Riya, mas bata siya sakin ng isang taon kaya kababatang kapatid ang tingin at turing ko sakanya. "Halika na at pumunta na tayo kay tandang julio."

Una akong lumabas ng bahay, dalawa nalang kami ni arya. Namatay ang magulang ko noong nagkagulo sa utopia, ganun rin ang nangyari sa magulang ni arya. Utopia ang tawag sa lugar namin. Dito naninirahan ang mga may kakaibang abilidad.

Lahat ng tao dito ay may imperium. Yun ang tawag sa aming kakayahan. Majika ang isa pang tawag dito. Mahirap lang kami ni riya at sa pang publikong paaralan lamang kami napasok. Namamasukan kaming taga ayos sa panaderya ni tandang julio upang may pang kain kami sa araw araw.

"Tandang julio!" Tawag ni riya sakanya nang makita namin siya na nagbubuhat ng sako.
"Riya iha, nandito na pala kayo" nakangiti niyang sambit samin habang nilalapag ang sako na kanyang bitbit.

"Aalis daw po kayo? Saan po ang tungo niyo?" Tanong ko habang nagaayos ng mga sako na nilalabas ni tandang julio.
"Ah oo, pupunta ako sa hominum dahil may binigay na gawain sakin ang princeps" hominum? Yun ang tawag namin sa mundo ng tao o mortal. Princeps naman ang tawag sa nakakataas.

"Talaga po? Hindi po ba delikado ang pag punta duon?" Tanong ni arya. "Nako, bihasa na ako sa paglabas at pasok sa hominum. Sa tanda kong ito ay wala iyong kahirap hirap"
Tatango tango nalang kami ni riya.

Saamin ni riya ako talaga ang tahimik at hindi ganoong kagaling makisama, pero pag dating kay arya lahat gagawin ko para sakanya. Kapatid ang tingin ko kay riya, siya nalang ang meron ako at hindi ko kakayanin kung pati siya ang mawawala din sakin.

"Mga bata maari na kayong umuwi at magpahinga. Aalis na ko at walang kasiguraduhan kung kailan ang aking paguwi kung kaya't pwedeng kayo muna ang mamahala sa aking panaderya, pinagkakatiwalaan ko naman kayo"

"Nako wala pong problema tandang julio! Maasahin niyo po kami ni ate naya!" Nginitian ko nalang din si mang julio at kumaway sakanya. Nang tuluyan ng mawala si mang julio sa aming paningin ay naglinis muna kami sa panaderya bago namin ito sinara.

"Ate punta muna tayo sa silva! Maaraw pa naman" Ang silva ay mapunong lugar. (Latin word for forest po ang silva readers!)

"Pero riya, alam mo naman na maraming pwedeng mangyari sa silva. Mapanganib ang lugar na yon."

"Ate sa bukana lang naman ng silva. Hindi na tayo papaloob pa. Alam mo naman na gustong gusto ko lang makita ang magagandang puno at halaman doon." Sa ngiting ngiti ni arya alam kong matatalo lang ako, kaya hinawakan ko ang kamay niya at simula ng maglakad.

Ito ang pangatlo naming punta sa silva. Pagbibigyan ko si riya ngayon sapagkat bukas ay kaarawan niya. "Riya" tawag ko sakanya. Lumingon naman siya sakin habang nakangiti padin. "Bakit ate?"

"Anong gusto mong regalo?" Nakangiti kong sambit sakanya. "Alam mo ate, wala akong gustong regalo. Basta magkasama tayo ay masaya na ako." Hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko at nangunang maglakad.

Ng makarating kami sa bukana ng silva ay huminto kami sa isang malaking puno na pinapaligiran ng magagandang halaman. Humiga si riya sa damo at tumingin sa langit samantalang ako ay naupo lamang habang dinaramdam ang katahimikan sa lugar na ito.

Dalawang na kaming nandito nakaidlip si riya ako naman ang nakaupo lamang at binabantayan siya. Alas kwatro na at maya maya lang ay magdidilim na. Tumayo na ako para gisingin si riya ng bigla akong nakaramdam ng kakaiba.

Tumingin tingin ako sa paligid. Pakiramdam ko ay meron ding nagmamasid sakin. Gumawa ako ng seal na poprotekta  kay riya na tulog, mamaya ko siya gigisingin ayoko siyang matakot at magalala.

Naglakad lakad ako at sa hindi kalayuan ay may nakita akong nakatalikod na babae na nakatayo sa isang napakalaking puno na ginagapangan ng sobrang ganda mga bulaklak. Isa itong diwata ng kagubatan, ang tulad nila ay hindi mapanakit pero hindi rin dapat iniistorbo. Tumalikod na ako at akmang aalis ngunit nakakaisang hakbang pa lamang ako ay nagsalita siya. "Naya..."

Napatinging ako sakanya at nakatingin na din siya sakin. Ang ganda niya sobrang puti ng kanyang balat, ang puti at mahaba niya buhok na may mga piraso ng bulaklak.
"Bakit mo ako kilala? Anong kailangan mo?"

"Naya, hindi ito ang una nating pagkikita"

"Pwes ngayon lang kita nakota diwata."

"Hindi mo lang ako maalala sapagkat bata ka pa noong panahon na yun Naya. Matagal na kitang binabantayan simula ng araw na makilala kita"

"Bakit mo naman gagawin yun? wala kang mapapala sakin" ngumiti siya at inangat ang kanyang kamay.  Iniisip ko pa kung anong ginagawa niya hanggang sa naramdaman kong may nagapang sa paanan ko.

"Ano to?!" Nagsisimula ng mabuo ang takot sa aking dibdib. "Huminahon ka Naya hindi kita sasaktan" onti onti akong lumulubog hanggang sa tuluyan akong lumubog sa lupa at sa ilalim noon ay tubig. Nasa tubig kami at hindi ko alam pero nakakahinga ako.

"hodie enim donum deam vobis potestatem."
Napalingong ako sa paligid at hinahanap kung nasaan yung diwata na malamang ay may kung anong sinasabi.

"oportet, quod Tuum est officium ad plenissimam." Patuloy parin yung naririnig kong nagsasalita. Anong sinasabi niya?

"Nil convertere tu electi
Non dabit tibi potestatem dedi tibi." Hanggang sa pagtapos ng kanyang pagsasalita ay sumakit ang dibdib ko at palapulsuhan.

"Ahhhh!!" Sigaw ko dahil sa sakit na aking nadarama. "Ahhh!! Itigil mo! Itigil mo!!"
Lalongg sumasakit hanggang sa buong katawan ko na, hanggang sa may liwanag na nagmumula sa dibdib ko hanggang sa magdilim ang paningin ko.

Alium AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon