Hindi ako makatulog ng maayos. Minsan natatagpuan ko na lang ang sarili ko na nangingiti kahit na wala namang kangiti-ngiti o kausap. Gusto kong batukan ang sarili ko sa nangyayari. Like shit, what's happening to me?!
"Bakit ka nakangiti?"
Lumingon ako kay Lindon, agad akong napailing dahil para na naman akong loka-loka na nangingiti sa sarili, "Wala, may naalala lang," dahilan ko.
"Sa tingin ko may gusto sa 'yo si Grey."
Natigil ako at nanlaki ang mga mata. That was really out of nowhere to say.
"Palagi siyang nasa shop, palagi kang dinadalaw. Siguro kaya ka rin niya pinapalayo sa 'kin kasi nagseselos siya," dagdag nito. Kumurap ako ng tatlong beses bago natawa sa sinabi niya.
"Ano bang sinasabi mo? Dapat nga papatayin niya ako 'di ba? That's impossible," natatawa kong sabi. Inabutan naman niya 'ko ng pagkain.
"Kung hindi mo maisip pwede mo siyang tanungin," anito.
Umiling ako at hinimay ang nakahaing bistek sa harap ko na niluto mismo ni Lindon, "And why would I? He's a jerk."
"Mabait si sir grey, Queenie."
Hindi makapaniwalang tinignan ko ito. After what Grey did to him he still praises him? This Lindon is very kind. Hindi ako nagkamali.
Ngumiti ako sa kan'ya, kagaya ng dati, blangko lang ang ekspresyon nito.
"Paano mo nasabi? E, 'di ba muntik na 'kong patayin ng isang iyon?" tanong ko.
"Nagawa niya lang 'yun dahil sa galit, pero hindi siya kriminal. Ako ang kriminal."
Nagbaba ako ng tingin at napabuntong hininga, "Don't you ever say that again, okay?"
Hindi siya sumagot at tipid lang na ngumiti, napangiti na rin ako saka namin ipinagpatuloy ang pagkain. Lindon's like a brother to me now, kapag nalaman 'to nila mommy, I'm sure magagalit sila lalo na si Daddy. Naniniwala akong kaya magbago ni Lindon. I'm very sure of that, and I will prove them.
-_-_-_-
Nagising ako sa isang malakas na kalabog, napabalikwas pa ako ng bangon dahil parang may bumagsak. Tinignan ko ang cellphone ko, It's 12:30am. Kaya naman Kahit inaantok pa ay tumayo ako at naglakad palabas ng kwarto.
Madilim pa rin sa labas, walang tao at tahimik. Imposibleng imahinasyon ko lang ang narinig kaya naman akmang kakatukin ko na ang pinto ni Lindon nang may marinig ako mula sa loob.
"Anong ginagawa mo rito, ha?! Sabihin mo, kagaya ka rin ba ng traydor na si Grey?!" sigaw ng isang lalaki.
Kinabahan ako. May kasama si Lindon sa loob.
"Hindi ka sasagot?"
Biglang may narinig ako na malakas na putok ng baril kaya agad akong napatakip sa dalawa kong tenga. Namumuo na rin ang mga luha sa mata ko. What the hell is happening here? Hindi ko alam kung anong aksyon ang gagawin, gusto kong tumakbo ngunit si Lindon, I can't leave without him!
"Wala tayong mapapala diyan, Sai. Tara, kunin na natin yung babae."
"Mabuti pa nga."
Agad akong napaatras at tahimik na tumakbo sa aking kwarto. Ni-lock ko ang pinto at umupo sa dulo ng silid habang takip-tapik ang bibig. Anong nangyayari? Paano nila nalaman ang condo ko at paano sila nakapasok dito?
Damn it.
Napapikit ako ng mariin nang may marinig akong kumakalabog sa pinto ko. Para nitong Sinisira ang pinto at gigil na makapasok. Paulit-ulit akong napapamura sa isip. Tulo lang ng tulo ang luha ko. Nanginginig ako, hindi ko alam kung sisigaw ba 'ko o tatakbo o ano.
YOU ARE READING
CRIMINAL [Under Major Editing]
Mystery / ThrillerA legendary heartless devil who will appear in Queenie's hapless life. A love that can give him supcremacy and domination... but there's one way to gain this strength...