I'm sorry Riley pero hindi tayo pareho ng nararamdaman.
Natulala ako sa sinabi nya at sandaling natulala sa kanyang harap bago ako makapag salita.
Ano?
Parang hindi lang ako makapaniwala sa mga sinabi nya.
Napaka hirap sa akin ang umamin tapos ang matatanggap ko ay "sorry"?A-anong...
Hindi ko na natuloy ang gusto kong sabihin dahil tumingin sya ng diretso sa akin.
Meron akong pangako na kaylangan kong tuparin. Sa'yo.
Nag salubong na ang kilay ko sa mga sinabi nya at sandali akong napanganga dahil doon.
ano bang sinasabi mong pangako? Mag kakilala ba tayo noon?
Tanong ko sa kanya na napapikit nalang at napayuko sa manibela ng kotse saka muling naupo ng maayos habang nakatingin ng diretso sa unahang bintana.
Oo Riley. Mag kakilala tayo at ako ang tangi mong naging pamilya sa ampunan.
Hanggang ngayon pinag sisisihan ko parin na ako ang pinili ng mag asawang Ryder para ampunin.
Wala akong nagawa kundi iwan ka mag isa at naiwan ko sa'yo ang pangako kong hindi kita pababayaan.Lalo akong naguluhan sa sinabi nya.
Paanong hindi ko sya matandaan?
Kaano ano ko sya para alagaan ako ng mga panahon na iyon?Hindi kita maintindihan.
Paanong ikaw ang nag alaga sa akin? Kapatid ba kita?Tanong ko sa kanya.
Tumingin sya sakin ng diretso at seryoso ang mukha.Oo. Hindi man kita kadugo ay kapatid parin kita. At para sakin kapatid parin kita hanggang ngayon.
Biglang pumasok sa isip ko ang dating sinabi ni Jaythan at Galen tungkol sa sisterzoned kay Vicku.
Hindi kaya, alam nila ang tungkol dito?Pero bakit hindi kita kilala?
Napabuntong hininga sya sa tanong ko.
Alam kong mahirap itong sagutin para sa kanya pero mas mahirap sa akin na wala halos matandaan tungkol sa kanya at bigla nalang malalaman na may connection pala kami sa isa't isa.Masyado ka pang bata ng umalis ako Riley kaya siguro wala kang matandaan tungkol sakin. Pero ako Riley, natatandaan ko lahat at ngayong nakita na kita ulit, nag karoon ako ng pag asang matupad ang pangako ko sayo.
Malungkot na sabi nya sakin.
Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ng mga panahon na iyon pero tingin ko ay masyado akong naging despirada dahil sa narardaman ko sa kanya.
Hinawakan ko ang kamay nya saka ako tumingin sa kanyang mga mata.B-baka naman pwedeng mas malalim pa dun ang maramdaman mo Vicku. Baka pwedeng hindi lang bilang kapatid hindi ba?
Umaasa akong tanong sa kanya.
Tumingin sya sakin at nakikita ko sa mga mata nya na hindi pwede.
Na imposible yun mangyari.
Hinawakan nya ang kamay kong nakahawak sa kanyang kanang kamay at pinisil ito.Sorry Riley. Pero kapatid lang talaga kita.
Alam kong matagal mong tinago ito sa akin pero tingin ko ay nag kagusto ka sa taong hindi talaga nakalaan para sa'yo.
Nag kagusto ka sakin at hindi ako nakalaan para sa'yo kundi sa iba.Wala akong nagawa kundi mapaluha at mapayuko sa mga narinig ko.
Naramdaman ko ang pagyakap nya sa akin.Bilang kapatid mo, gusto ko makapili ka ng taong para sa'yo at protektahan ka.
Ngayon ko mapag-tanto ang lahat.
Na kaya pala iba ang kilos nya sa akin kumpara da mga kapatid nya.
Pinag tatanggol nya ako.
Sinusuportahan sa maraming bagay.
At kahit kaylan hindi nya ako hinahadlangan sa mga desisyon ko.
Lahat ng iyon, pinauubaya nya sakin at sa mga kapatid nya.
BINABASA MO ANG
Beauty and The seven Beast || Complete ✓
Romans#B7B Mag alaga ng pitong anak ng mag asawang mayaman. Yan ang magiging trabaho ni Riley sa pag pasok nya sa buhay ng pamilyang Ryder. Pero ang akala nyang normal na pag aalaga ay hindi pala gaya ng pag aalaga ng mga batang sampung taon ang gulang, k...