By: Arey Serrano
Malungkot ka nnmn, alam mo ba na kapag nalulungkot ka
Mas nanlulungkot ako, kapag nakikita kong nawawalan ka
Na naman ng pag asa dahil sa pagkabigo
Mas nalulungkot ako.
Madalas tinatanong mo ako
Kung bakit nangyayari sa iyo to
Kung bakit pakiramdam mo hindi ako nakikinig sayo
Madalas nagagalit ka at nagtatampo
Dahil pkiramdam mo hindi ako totoo
Pero ang hindi mo alam
Palagi kitang pinagmamasdan
Sa katunayan nga palagi mo akong kasama
Sinasabayan ang bawat hakbang ng mga paa mo
Minsan nakita kitang naglalakad
Pagod na pagod halos hindi na
Makahakbang ang iyong mga paang sugatan
Halos sumuko ka na sa kawalan
Pero hindi ako nawalan, ng pag asa
Sa kadahilanang alam kong kasama mo ako
At dahil dun, mas lalo kang lumalakas
At alam ko na mas magiging malakas ka pa
Kahit ilang beses pang madapa
Dahil kilala kita
Alam ko kung ano ang kahinaan at lakas mo
Ngunit gusto kitang maging matibay, at matatag
Matutong tumayo muli, at ipagpatuloy ang paglalakbay
Sapagkat kapag nakarating ka na sa dulo ng tagumpay
Mas lalo kitang yayakapin ng mahigpit
At kahit kailan man yang lungkot, sakit, at pighati
Ay tatawanan mo nalang dahil yan ang mga naging hagdan mo.
Dahil ako ang dakilang tagapagligtas mo
At kahit kailan hindi ka tatalikuran bagkus tutuldukan
Tutuldukan ang lahat ng yong kalungkutan.
Palagi mong tatandaan, mahal kita
At ako ang tunay mong pag - ibig.
-Jesus-
BINABASA MO ANG
Ang mala Rollercoaster Ride na Tula
PoesiaSInulat ko ang mga tula na to base sa totoong nararanasan ng mga tao. Ang mga simpleng hugot sa buhay. Nagmahal, nasaktan, umasa, at bumangon. Kagaya ng isang rollercoaster ang buhay natin ay paikot-ikot lang ngunit may iba't ibang level ng heights...