Kitang kita ko, malinaw pa sa sikat ng araw na nag-uusap lang yung dalawa.
Kaya agad agad akong bumalik sa loob ng bahay nila Caleb.
"Mika alam mo naman yatang hindi magandang biro yung sinabi mo sa akin diba?" Sabi ko kay Mika habang nasa loob siya ng c.r.
"Wait lang Alex, hintayin mo kong matapos dito." Sabi sa akin ni Mika.
After 20 mins, tinignan ko sa mata si Mika. Na para bang hinihintay yung explanation niya.
"Alex hindi ako nagbibiro, promise. Alam na alam ko kung anong nakita ko kanina." Seryoso niyang sabi.
"Sure ka ba talaga sa nakita mo, malay mo akala mo lang na nagkikiss yung dalawa dahil nasa maling angle ka tapos.."hindi ko natuloy pa yung sasabihin ko dahil pinigilan ako ni Mika.
"Alex, hindi ko intensyon na mag-umpisa ng away sa pagitan ninyong dalawa. Sinabi ko lang kung ano yung nakita ko kanina dahil concern ako sayo. Naging mabait ka kasi sa akin, tinulungan mo kong makahanap ng friends, naboost mo rin yung confidence ko kahit papaano. Kaya hindi ko matiis na ilihim yun sayo dahil ayokong ginagawa ka nilang tanga, ok?" Pahabang pahayag ni Mika.
"Sige siguro mamaya kakausapin ko si Caleb tungkol doon sa nakita mo. And don't worry hindi kita ilalaglag."
"Walang kaso sa akin yon Alex, basta nandito lang ako sa tabi. No matter what happens eh nandito lang ako para sayo." Sincere niyang sabi sa akin.
"Thanks at naging tunay kang kaibigan sa akin Mika."
Umakyat si Mika sa room ni Caleb dahil daw magbibihis siya.
Nagbanlaw muna ako at nagbihis din. After kong makapagbihis ay pupunta sana akong pool para tawagin na yung dalawa.
Bigla akong binalot ng takot at lungkot ng makita ko silang masayang nag-uusap habang nakaupo sa gilid ng pool.
Hindi ko na tinuloy dahil natatakot ako. Natatakot akong hindi ko mapigilan ang sarili ko na ipamukha sa kanyang nagseselos ako.
Si Mika na lang yung pinatawag ko sa dalawa habang ako ay nagpeprepare ng dinner namin.
"Alex bakit hindi na kayo bumalik ni Mika?" Tanong sa akin ni Jake.
Wow! At talagang may gana pa siyang magtanong sa akin.
"Ah ehh nilamig na kasi ako guys, tapos nagpasama na ko kay Alex dahil natatakot akong mag-isa dito sa bahay." biglang singit ni Mika.
Muntik ko ng masapak yung mukha ng gagong Jake na yan. Bait baitan lang pala.
Buti na lang at naunahan akong magsalita ni Mika.
Nakita kong sinenyasan ako ni Mika na kumalma muna.
"Magbanlaw na kayo para after niyo eh kakain na tayo."
"Pre doon na ko sa taas maliligo, nandoon kasi yung gamit ko." Paalam ni Jake kay Caleb.
"Sige pababa na lang din ng damit, shorts at underwear ko pagkatapos mo." Sabi naman ni Caleb.
Naligo na silang parehas, habang kami naman ni Mika ay hinihintay na maluto yung kanin.
"Alex, please bago ka sana gumawa ng action eh pag isipan mo muna. What if kinompronta mo sila kanina, sa tingin mo hindi matutuwa yung Jake na yon dahil nag-aaway kayo ni Caleb?" Pagbibigay payo ni Mika.
"Oo nga, hindi ko rin naisip na baka plano nga ni Jake na magbreak kami ni Caleb. Tama ka, dapat sa aming dalawa na lang muna yung issue." Pagsang ayon ko kay Mika.
Saktong tapos maluto yung kanin at natapos din yung dalawang maligo.
"Guys kain na tayo." Alok ko sa kanila.

BINABASA MO ANG
The Hopeless Romantic Idiot
General FictionLove, Drama, Bully, Secrets, Sex..... I'm Alex Monterozo, your typical guy, ahmm to be more specific, gay guy. Naghahanap ng love sa mundong punong puno ng kasinungalingan at pagpapanggap. Dapat ko bang hanapin ang love or hintayin na lang? Wha...