First time ko gumawa ng ganito so hope you like it!
Please Vote and Comment narin :*
Kamsahamnida pipol! Hihihi :)----
Naglalakad ako mag-isa at 'di alam kung saan nga ba ako pupunta.
"Siguro nga nagpaniwala kasi ako sa mga kasinungalingan mo."Naglalakad ako mag-isa na tila parang may hinahanap.
"Siguro nga mali lang na ginusto kita."Naglalakad parin ako na parang wala sa sarili.
"Siguro nga masyado lang akong mapag-isip kaya't kung anu-ano na ang iniisip ko."Naglalakad parin ako at naglalakad at lakad at hanggang sa napagod nako...
Oo pagod nako, kaya't umupo muna ako sa tabi at muling nasariwa ang alaala ng kahapon.
Nakaramdam ako ulit ng tila'y kutsilyo na bumabaon sa puso ko..
Lalo na pag naaalala kita, pag naaalala ko yung dating tayo..Oo nga pala, wala nga palang "tayo."
Pinaasa mo nga lang pala ko.
At ako naman tong si tanga, umasa din sayo.Pinahulog mo ako sa matatamis na salita mo. Sa pafall na actions mo. At lalo na nung sinabi mo na gusto mo din ako..
Noong araw na yon, sobrang saya ko.
Walang papantay sa ngiti na iginuhit ng aking mga labi...Ilang araw, linggo at buwan ang lumipas pero wala naman tayong naging problema diba?
Puro saya, kulitan at kilig lang ang tanging naramdaman.Pero sabi nga nila, may mga masasayang bagay talaga na hindi palaging nagtatapos.
Hanggang isang araw nagmessage ka.
Nag sorry ka sa maling ginawa mo
at narealize na kaya mo pala ko gusto 'di dahil bilang kasintahan mo,
kundi dahil gusto mo pala ko bilang kaibigan mo."Hanggang magkaibigan lang pala tayo."
Nadurog ako noong sinabi mo yon, at hanggang ngayon nagdurugo parin ako..
May mga bagay pala na kapag nililinaw, lalong lumalabo no?
Naisip ko, may mga sugat pala na di lang nakikita sa panlabas na katawan.
Na mas malalim, na mas masakit,
kesa sa mga nagdurugong sugat.Ito ang sugat ng puso...
Noong nakilala kita, sa dami ng sakit na dinanas ko ay matagal nakong durog.
Nagtiwala ulit ako at ung durog na maliliit na piraso ng puso ko, pinilit kong binuo para sayo.
Minahal kita sakabila ng 'di ko pagmamahal sa sarili ko..
Pinipilit kong bumangon pero ang lalim pala ng pagkakahulog ko sayo.Pero mahal, este ikaw..
Mahal parin kita pero pagod nako.Kaya't tumayo nako sa kinauupuan ko at naglakad muling mag-isa.
Binulong ko nalang sa sarili ko na balang araw makakalimutan din kita.
Makakatingin at makakangiti din ako sayo ng wala ng nararamdaman pa..Pero sa ngayon, hangga't nakikita kita kahit papaano ay masaya narin ako.
Kasi may mga bagay talaga na kahit hindi mo man makuha, makita mo lang masaya kana...