Continuation.....
An evil smirk form in my lips. I open the drawer of my desk and get the dagger.
Napatingin ako sa pintuan ng dahan-dahan itong bumukas. I smirk again bago binato sa direksyon ng pintuan ang aking dagger.
"Aaah!!" Napaluhod siya at namutla. Dahan-dahan siyang napatingin sa direksyon ko pati na rin sa dagger na nakadikit sa pintuan.
Di pa ako nakuntento dahil binato ko sa direksyon niya ang hawak kong case ng salamin. Di na ako nagulat ng masalo niya iyon. I know this nerd has a special talent..... Interesting isn't it?
"M-m-miss McGreen a-ano p-pong k-kailingan n-niyo?" Kinakabahang sabi niya.
"Hahahahaha!!!"
Nagulat siya sa biglaan kong pagtawa. This is more interesting than what I expected! Ah.... masakyan nga.
"Hiding in a mask eh? " makahulugan kong sabi sa kanya. Ang pamumutla niya ay mas lalong nadagdagan. Kaya mas lalo akong natawa. Siguro nga tama ako, I know this nerd. Nakita ko na siya noon but I don't know where.
"W-what are y-you talking about?" Mahina niyang sabi pero dinig ko pa rin iyon. Nanghalumbaba ako pagkatapos ay pinag siklop ko ang aking dalawang kamay bago siya tiningnan.
"Hmmm....nothing, mali lang siguro ako. And besides your too far away compare to her. Open that case." Utos ko sa kanya.
Mukhang nasaktan siya sa sinabi ko dahil napayuko siya bago binuksan ang case. Kumunot ang kaniyang noo bago inilabas ang kulay asul na salamin para sa mata.
"P-para saan p-po to?"
Napa role eyes ako dahil sa tanong niya. Pati ba naman utak niya ay naapektuhan na ng pagdisguise niya? Tsk!
"Saan ba yan ginagamit? Sa pwet? At kung itatanong mo kung bakit kita binigyan niyan ay wag mo ng subukan at baka masaktan ka lang." Pagtataray ko sa kanya. Yumuko siya
pero di nakatakas sa akin ang lihim niyang pag ngiti kaya napataas ang isang kilay ko.Tumayo siya at lumapit sa gilid ko kung saan na roon ang salamin. Tumingin muna siya sa akin na para bang nang hihingi ng permission sa akin kung pwede ba niyang gamitin. Isang tamad na tango ang ibinigay ko sa kanya bago siya pinag masdan.
Tinanggal niya ang luma niyang salamin na may crack na, bago isinuot ang bago. Bagay naman pala sa kanya. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa.
Pamilyar talaga ang tindig niya. Pati na ang kulay tsokolate niyang buhok at mata, di ko lang talaga matandaan.
Humarap na siya sa direksyon ko at nag bow."Maraming salamat po Miss. McGreen. Hayaan niyo po, babayaran ko nalang po kayo kapag naka luwag na po ako."
Argh! Nakakasilaw ang ngiti niya! Masyadong inosente and I don't like it.Tinaasan ko siya ng kilay.
"Don't pay it. Di kawalan sa akin ang maliit na barya, di ko yan ikakamatay. So don't you worry."
Ewan ko ba at ang bait ko sa kanya. She must be thankful kasi once in a blue moon lang akong maging ganito.
"Pero kahit na po. Gusto ko pong bayaran kayo. Kahit ano po gagawin ko." Sabay nahihiyang kinamot ang ulo niya. May kuto ba siya?
"Ah ganon ba? Sana pala di nalang kita binigyan ng salamin. Bibilhin mo rin naman pala, ginawa mo pa akong tindera." Masungit na sabi ko.
Di ko inaasahan ang paghampas niya sa balikat ko kaya napilipit ko ang braso niya.
Ano kami close?
Binitawan ko na siya ng maramdaman kong nasasaktan na siya. Hinimas himas niya ang braso niya at yumuko.
Umayos ako ng upo and make a fake cough."Total you insist, gagawin nalang kitang PA ko for this whole year." Napa angat siya ng tingin sa akin ng namimilog ang mga mata.
Pfffft! She looks like a tarsier.
"Po? PA? As in Personal Assistant?" Di maka paniwalang sabi niya.
"Ano ayaw mo?" Cold kong sabi. This conversation is too long.
"N-nako hindi po! Payag po ako." Iling-iling niyang sabi. Tumayo nako and take my bag.
"Lock the door before you live." Walang lingon ko siyang iniwan sa office ko.
******~~~******
Kinabukasan........
Maaga akong nakapunta ng school. As always. Tsk! Di na rin ako nag breakfast dahil hindi pa naman ako gutom.
Pero pinagsisihan ko dahil bigla nalang akong nagutom sa di malamang dahilan.
Nag umpisa na rin akong maglakad tungong cafeteria kaso napahinto ako dahil.....
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Tinamad ako. =_=Ang layo-layo ng cafeteria dito sa kinalalagyan ko. Tsssss! Kailangan ko yatang ipa giba yang cafeteria at doon nalang malapit sa room ko banda ilagay. Para naman hindi na ako mahirapan. Saka wala naman na silang magawa because this school is MY school. Right?
"Miss McGreen!" Napakunot ang aking noo dahil sa pamilyar na boses na tumawag sa akin.
I look to where that voice came from. And it's nerd. Oh? Bat ko ba nakalimutan na may PA na ako starting this day.
Hingal na hingal siyang napahinto sa harapan ko at nangangapa ng hangin. Sino ba naman kasi ang nag sabi na tumakbo siya? Ang bobo niya talaga.
"What?" Walang gana kong sabi sa kanya.
Sh*t! I'm hungry!!!
"Good morning po! Gusto ko lang sana pong tanungin kayo kung ngayon na po ba ako magsisimula?" Sabay ngiti. Argh! I really hate her smiles.
"Hindi. Bukas pa, gusto mo?" Pamimilosopo ko sa kanya.
"Talaga po?" Napa simangot ako dahil sa sinabi niya.
Saan ba to pinaglihi ? Ang slow.
-_____-
" Ewan ko sayo. Ang mabuti pa ay bilhan mo ko ng pagkain. Yung blue berry cheese cake at frozen pizza. Paki bilisan lang....?"
"Fiona Matrix Stanford po Miss McGreen." Magalang na sabi niya.
Stanford? Her last name is familiar to me. But I can't remember even just a single piece.
"Pakibilisan nalang Fiona." Ewan ko ba at parang sanay na ang dila ko na sabihin ang pangalan. At ewan ko rin kung bakit biglang sumigla ang aura niya or it's just me.
"Aye! Aye! Boss!" Masiglang sabi niya bago kumaripas ng takbo. Napailing nalang ako dahil may naalala akong isang matalik na kaibigan ng dahil sa mga galaw niya. But it's impossible dahil patay na siya.
YOU ARE READING
BRIDE FOR HIRE
ActionIsang babae na gustong patayin ang lahat ng tao na sumira sa kanyang pamilya---- Ang Royal Empire. At sa Pag daan ng apat na taon ay nagbago siya. She's not the good girl anymore..... She's a devil....... A mysterious woman....... Merciless..... ...