1st

4 0 0
                                    

It was my 2nd year in junior high school. Friends, social media, road trips, overnights and parties. I am a common student in our school. Not easily noticed.


It all started when I met this guy from the other school. Kilala ko sya by his name pero ako siguro hindi nya kilala. Ipinakita sya sakin ng kaibigan ko noon tatlong taon na ang nakalipas.


"Kilala mo 'yon?" tanong sakin ni Leslie habang nakasakay kami ng jeep. Sinundan ko ang turo nya. Hindi ko naman kilala. Lalaki nanaman pala.


"Puro ka lalaki. Tumigil ka nga! Pano ko naman makikilala yun e hindi naman ako masyadong lumalabas ng bahay?" muli kong sinulyapan yung lalaki na kasandal sa isang motor. Sa tingin ko, mas matanda siguro sya ng isang taon samin.


"Ano sa tingin mo, may itsura ba?"


"Hmm.. Pwede na?" napatawa kaming dalawa dahil sa isinagot ko. Ano nga namang kalaseng sagot yung 'pwede na'.


Dumating ang summer at nagsimula na ding magkaroon ng liga ng basketball sa lugar namin. Sumasama ako sa mga pinsan ko para manood minsan. Medyo malayo din ang covered court mula sa bahay namin at kelangan pa ng sasakyan bago ka makarating doon.


Nagsisimula na ang first game nang dumating kami. Dahil hindi naman ako interesado sa basketball, sinuri ko na lamang ang mga tao na nanonood sa paligid.


Napatigil ang mata ko sa isang grupo ng mga lalaki na pinagtatawanan ang pagkakadapa ng isang player. Ang yayabang. Normal lang naman na may maaksidente lalo na sa pagbabasketball. Akala ba nila perpekto sila para pagtawanan ang isang nagkamali?


Itinaas ko ang kilay ko dun sa isang lalaki na napatingin sakin. Napansin ata niya ang masamang tingin na ibinigay ko sa grupo nila nung nagtatawanan sila.


Limang minuto na ang nakalipas ngunit ramdam na ramdam ko pa din ang pagkakatitig niya. Ano bang problema nito? Hindi ba niya alam na nakaka-ilang ang pagtitig, ha?


Muli kong ibinalik ang tingin ko sakanya. Doon ko lamang naalala na ito din pala yung lalaki na itinuro sakin ni Leslie dalawang buwan na ang nakakalipas. Sigurado naman akong hindi niya kami nakita na pinag-uusapan siya, kaya lubos ang pagtataka ko kung bakit ganito siya makatingin ngayon.


Pag-uwi sa bahay, agad kong binuksan ang facebook account ko para lang magtingin ng mga updates. Sa kalagitnaan ng pagsscroll ko, may biglang nag-pop out na notif sa itaas.


Kevin Arellano sent you a friend request.


Hindi ko nalang sana papansinin pero nakita ko ang picture nya. Nakngtokwa. Si kuya na nasa court. Kevin, huh? Agad kong binuksan ang profile nya. 283 ang mutual friends namin. Ang profile picture nya ay naka-red sya na half body lang ang pagkakakuha. I immediately clicked accept. 

StillWhere stories live. Discover now