Sa tatlong taon ng buhay ko, wala akong ibang ginawa kundi i-stalk ang crush ko na si Mike. Crush lang talaga 'to. Grade 8 na ako ngayon at kahit isang beses hindi ko pa nagiging kaklase si Mike. I'm always in a section next to his. Magkapitbahay din kami pero kahit isang beses, never ko pa syang nakausap.
Christmas party ngayon at PE Uniform ang required na isuot ng lahat. Abala ang lahat sa pagpunta sa iba't-ibang classrooms para batiin ang mga kaibigan at bigyan ang mga ito ng regalo.
Tiningnan ko ang mga regalo na nasa hawak kong paper bag. Isa nalang ang natitira. Para kay Margs. Kaklase nya si Mike kaya talagang huli sya sa listahan ng bibigyan ko. Libre silip na din sa classroom nila.
Nag thank you sakin si Margs at sinabi nya sakin na maghintay daw muna ako sa labas ng classroom kasi kukuhanin daw muna nya ang regalo nya para sakin.
Habang naghihintay, hinanap agad ng mata ko si Mike. Akala ko matutuwa ako pero hindi pala, pwe. Isang nakakadiring scene lang ang naabutan ko. Binigyan ni Mike yung kaklase nyang si Jillian ng boquet at ngayon ay nakangiti na silang dalawa sa harap ng camera.
Dumating si Margs dala ang regalo niya kaya agad na rin akong umalis sa room nila para magpunta sa CR. Ang sakit pala. Akala ko crush lang, bakit ganito kasakit? Ramdam na ramdam ko ang pagsikip ng dibdib ko. Alam naman nya na crush ko sya, bakit hindi nalang ako ang pinili nya?
Ang selfish nya masyado. Hindi ba niya alam na may nasasaktan dahil sa mga kalandian nya? Minsan ipinapahiwatig nya lagi sakin na ako ang gusto nya tapos ngayon, biglang may iba na pala? O baka naman kapag naaabutan ko siyang nakatingin sakin, baka naman nagfi-feeling lang ako masyado at hindi ko alam na baka iniisip na nya na "Kelan ba ako titigilan ng babae na 'to?"
Dahil sa pangyayari na yun, hindi ko man lang na-enjoy ang last day bago mag Christmas vacation.
Pagkagising ko, abala na ang mga tao sa paglilinis ng mga bahay, sa pagluluto ng mga ihahanda, at sa pagbibihis para sa misa na gaganapin sa alas otso ng umaga.
"Good morning, anak. Merry Christmas!" hinalikan ako ni mommy sa pisngi at ini-abot sakin ang regalo nya.
"Thanks, Merry Christmas din." I smiled.
"Sige na, sige na. Maligo ka na at baka malate tayo sa misa." sabi ni Mommy habang itinutulak ako papunta sa banyo.
Pagkatapos mag-ayos, sumakay na kami sa kotse para makarating na sa chapel na gaganapan ng misa. Dumeretso ako sa unahan habang sina mommy ay humanap na ng uupuan nila sa likod. Isinuot ko ang gown na para sa mga reader at ni-review ang babasahin ko pagdating ng pari.
Nagsimula ang misa at turn ko na para magbasa ng Unang Pagbasa. Tiningnan ko muna ang mga tao bago magsimula. habang binabasa ko ang salita ng Diyos ay minsan din akong sumusulyap kay Mike na nakatayo sa likod at tahimik na nakatingin sakin. Kitang-kita ang kagwapuhan nya sa suot niyang checkered na polo.
Madaming bisita ang dumating pagka-uwi namin sa bahay. Inimbita ng mommy ko lahat ng mga kaibigan niya noong college at mga katrabaho nila ni daddy kaya naman halos mapunit na ang labi ko sa kakangiti at pakikipagplastikan sa kanila.
"Uy mare, eto na nga pala yung anak ko na si Reine. Magmano ka," pagpapakilala sakin ni Mommy.
"Hi po, tita." Ngumiti ako sakanya at kinuha ang kamay nya upang magmano.
"Dalagang dalaga ka na ah. Tanda ko pa dati noong maliit ka palang takbo ka pa ng takbo sa bakuran namin." nagtawanan sila ni mommy at nagpatuloy sa pagkkwentuhan kaya naman nagpaalam na ako para makapagpahinga.
Hapon na nang magkaroon ako ng time para sa sarili ko kaya naman agad akong lumabas ng bahay para maki-party sa mga pinsan ko. Nagbukas sila ng isang bote ng red horse at binigyan kami ng tigiisang baso. It was a wonderful night.
Dumating sina Mike kasi tinawag sila ng mga pinsan ko. Lasing na ang iba pero nagpatuloy pa rin sila sa pag-iinom. Nagkabit pa sila ng disco lights at nagpplay ng mga kanta kaya naman sobrang saya ng party namin.
Masaya talaga ang party, pero nalulungkot ako pag nakikita ko si Mike, it reminds me of his flower scene with Jillian. My first heartbreak.
After the party, I checked my phone. May isang message na hindi ko pa nabubuksan.
Kevin Arellano: Hi.
Maybe it was him, maybe he was the solution to stop this heartbreak.