"Princess Ysabel! Princess Ysabel!"sigaw ng isang kawal sa prinsesang nag lalaro sa labas nang kaharian nila"hinahanap na po kayo ng mahal na hari, may mahalaga daw pong sasabihin sa inyo ang mahal na hari".
"Sige,pakisabi nalang kay ama na papunta na ako"malambing na pagkakasabi ni ysabel sa kawal.
---
Sa kwentong ito hindi pa moderno ang panahon wala pang mga cellphone,tv,mga kotse or kahit anong malalaking makina.Panahon pa ng mga Hari at Reyna,Mga palasyo at kabayo,mga espada at pagkakaibigan.
---
"Ama,ano pong kailangan nyo sabihin sa akin?"tanong ng prinsesa sa ama.Ang prinsesa o si prinsesa ysabel ay isang 17 years old na dalaga na gusto maging simple ayaw niyang tinatawag siyang maharlika,meron siyang dalawang kapatid pang giyna siya saag kakapatid 5 taon na lang ay papalit na sa pwesto ng pagiging reyna ang ate niyang si prinsesa elena,dahil nahanap na niya ang kanyang magiging hari na si prinsepe Niko,si ysabel ay maganda,mabait,masungit,pero malambing siya sa mga taong nakapaligid sa kanya at halos lahat ng kawal na bumabantay sa kanya ay mga babae,dahil nag aalala si Haring Reylo para sa kanyang mga anak.
"Anak,huwag ka na lumabas gusto ko lang naman maging ligtas ka" sabi ng hari kay ysabel.
"Pero reylo mas maganda kung nalabas yang anak natin para naman makilala sya ng mga mamamayan na nasasakupan natin"sabi ni reyna natasha.
Umalis na lamang si ysabel para mag pahinga sa kanyang kwarto.
----
Sa lupain ng mga mas mabababang uri ng tao, nakatira ang isang binata na si zohan, sya ay isang makulit,masama ang ugali,hindi sya kagwapuhan pero hindi rin sya ganon ka panget,simple lang ang buhay nya ,meron silang taniman ng mais at palay,sapat lamang para buhayin silang buong pamilya ,meron siyang kapatid ,at isang mapagbigay na ama,at matapang na ina,pero mahal niya iyon kahit ganoon,kinamumuhian siya ng mga mamamayan ng buong kaharian ng xandaria, nakarating na rin sa mga dugong bughaw ang mga kalokohang pinaggagagawa niya kaya kakaunti lamang ang kaibigan nya, lingid naman sa kaalaman ng lahat na masayahin sya at mabait na tao,hindi nya lang pinapakita sa iba.Tirik na ang araw at uminit na ang panahon ,ngunit wala pa yatang balak na bumangon sa masarap na tulog si zohan.Pano ba naman alas onse na nang gabe nasa may batis pa siya.
"Zohan!Zohan!Ano ba may balak ka pa ba gumising natambakan kana nang trabaho"sigaw ng mama ni zohan na si sarrah."oo ma, gigising na nga ako ,wait lang ansarap sarap pa ng--" hindi na pintapos ni sarrah si zohan sa pagsasalita at sinigawan na uli" ay nako bumangon ka na riyan at diligan mo na ang mga pananim ng ama mo!may pag kain na rin sa hapag kumain ka na,aalis lang na ako at napakaraming trabaho sa eskwela"ang mama ni zohan ay isang guro sa pagtatanim at paghahayupan.
Nang marinig ni zohan ang salitang pagkain ay nabuhay agad ang pinsensya nya at tumayo ,binuksan nya ang ref.... joke lang wala pang ref dati noh!.. kumuha sya ng dahon at saka kumain ng pulang itlog na kinamatisan... pag katapos niya kumain ay dumiretso na siya sa taniman para tumulong , nagtataka naman siya kung nasaan ang kapatid niya? Malamang ay kasama ang mga kaibigan niya at naglalaro.
Ang trabaho ng ama ni zohan na si ,efrel ay mangangalakal ,umaalis para makipag kalakalan sa ibang mga kaharian.
Umalis ang ama niya ngayon kayat siya ang mag aalaga sa napaka kulit at napaka yabang niyan kapatid.Ngunit nasan nga ba si diego?
"Diego!Diego!asan ka ba?anihin mo na nga etong mga palay ng pag uwi ni papa ay may makain sya"sigaw ni zohan sa kapatid.
Pero parang walang narinig ang kapatid kayat si zohan na lang din ang gumawa.
Pagkatapos nyang gawin lahat ng gawain na inatang sa kanya, hindi nya na namalayan ang oras 5:00 pm na pala.Malapit ng umuwi ang mama kaya ,naluto na rin siya bago umalis ,at pag luto ay umalis na agad siya para pumunta sa lugar kung saan sila mag tatagpo ng barkada niya
---sa may tagpuan/batis
Mag aala sais na tatlo pa lang silang magbabarkada doon.Lima pa ang hinihintay nila at nang dumating silang lahat ay naligo sila sa batis at kumain.
---
Kinagabihan may natanggap na sulat si ysabel mula sa kanyang mga kaibigan.
"Ysabel,sasasama ka ba? Mangangabayo tayo bukas sa may parang mga alas tres ng hapon.Alam naming pinghihigpitan ka lumabas ng palasyo kaya naman naisipan namin na,tumakas ka nalang."
Mabilis naman umupo si ysabel at kinuba ang kanyang tinta at agad na nagsulat."Hindi talaga ako pwede baka magalit sa akin si ama, kilala nyo naman yun ,konting bagay,ninenerbyos ka aagad". At ipinadala ito sa mga kaibigan...
Nabasa ng mga kaibian ni ysabel ang sulat kaya dalidali uli silang sumulat,"sige bukas pupuntahan ka nalang namin dyan sa kaharian,pakakainin mo kami ha?" At agad naman nakarating ang sulat kay ysabel kaya natatawa tawa na lang siyang binasa iyon.Mga prinsesa at dugong maharlika ang mga kaibigan ni ysabel hindi katulad ni zohan,sila lamang ang pinakamalapit kay prinsesa ysabel at ang kanyang prince charming na si prinsepe clinton ,magbestfriend sila pero ang tingin ng buong kaharian ay may namamagitan sa dalawa.. at ang isa pa sa bestfriend ni ysabel na si prinsesa venice isang magandang dalaga na may natitipuhang lalake , matalik na kaibigan sya ni ysabel mula nung bata pa,at pinagkakatiwalaan nya ito sa lahat ng problema at sekreto nito.
Matagal na din namang mag kaibigan sina clinton at ysabel,unti unti na rin nilang na gugustuhan ang dalawa, balkta nga sa kaharian na mag nobya na daw silang dalawa pero pilit lang naman nilang itinatanggi yun chismis.
Wala namang pakialam si zohan sa mga nangyayari sa kaharian ,umiikot lang ang mundo nya sa sarili,wala syang pakialam sa ibang tao.Mga pamilya lang at kaibian ang iniintindi nya at napakatakaw nya.Pero matapang sya at ipaglalaban nya ang dapat kanya.
BINABASA MO ANG
She's out of my league
Teen FictionIsang prinsesang gusto maging malaya at ayaw pakasasa sa buhay na tumakas sa kaharian at nakasalubong ang isang badboy na simple,medyo sira ang ulo,cool,malaya at mabait.