Dear AkoSiIbarra
Hi author! I just want you to know that I idolize you so much. You're such an amazing and talented writer. Wala po akong interes sa mga mystery at thriller na storya nor movies. I'm more fond of romance and fantasies. Kase natatakot talaga ako. Kapag nakabasa at nakapanuod kasi ako ng mga ganyang categories hindi mawala wala sa isip ko at dala dala ko hanggang sa pagtulog. Not until I read one of your stories. Bored na bored ako at naghahanap ng story na makakapukaw ng interes ko. Yung hindi cliche. That's the time I found Project Loki. Unang chapter palang hindi ko na matigilan. Yung tipong kina aadikan. Yung kahit takot takot ako kung ako lang mag isa. Yung tinitiis ang tawag ng kalikasan dahil takot pumunta ng cr. Dahil baka may biglang sumulpot at kakatayin ako. Nako nako. Pero wag naman sana. Hahahaha. But then hindi yung naging hadlang. Mas napamahal ako sa story mo. Dahil nandiyan yung thrill, suspense, at excitement. Ito ang pinaka unique sa lahat ng nabasa ko. Hindi mo matigilan dahil baka may ma miss ka. Yung kahit na patindi na patindi na ang mga scenario go lang ng go dahil gusto mong tapusin talaga ang istorya dahil curious na curious ka sa susunod na mga kaganapan. Tapos nandito pa yung pinaka paborito kong series which is yung HARRY POTTER. Yeheeeeey. Masasabi kong I really learned a lot from this story and gathered knowledge through this book. Now I'm really looking forward na basahin yung iba mo pang stories. I'm really thankful na sinulat mo ang storyang ito dahil it really made an impact sa akin. Na kahit gaano pa kadami ang nabasa ko at babasahin ko palang. Hinding hindi ko ito malilimutan. Because of this hindi na ko matatakot basahin ang Angels and Demons ni Dan Brown. Hahahaha. Yan lang po! God bless author. More stories to come. More powers ❤️
Love,
Jam