CHAPTER 7

38 5 0
                                        

"Araaaaaaaay!"

Dahil sa lakas ng sipa ko, napatumba na 'lang ito sa sahig habang ninanamnam ang lahat ng sakit!

(-.-)

'Tsss! So ngayon, sinong nawalan ng kinabukasan?'

"Aray! Ano ba! Nababaliw ka na ba!?"

At ginawa pa akong baliw?

"Sinagad mo ako, eh! You deserve that!"

"A-ano!? Alam mo bang masakit!? Shit masakit na masakit!"

"Siyempre naman! Kaya nga kita sinipa 'dyan! Para masaktan ka!"

"Tulungan mo ako dito!"

'Whew! Kanino ba siya humihingi ng tulong? Sa akin ba talaga? Oh baka naman nakikita niya si heart ngayon?'

"Ayoko nga! Nasaktan din naman ako sa pagsipa ko sa'yo tapos tutulungan kita? No way highway! Dyan ka na nga!"

Nagsimula na akong maglakad palabas habang sumisilay ang ngising tagumpay sa mukha ko!

'Nice one, Brienne! Ang galing galing mong bumiyak ng kinabukasan!'

"Hoy! Bumalik ka dito! Tulungan mo ako! A-aray! Hoy sabi ng bumalik ka eh! Wala ka talagang puso!"

Hanggang sa makababa ako ay hindi pa rin mawala ang ngisi sa mukha ko.

Nadatnan ko naman ang lahat na nasa sala pa rin.

"Anong ngisi 'yan!?" Si Josh.

Gusto kong humagalpak sa tawa ngayon! Pero naisip ko na mas mabuting kay Dj manggaling ang lahat ng detalye. Mula sa pagsasasayaw ko na nauwi sa pagbibiyak ng kinabukasan.

Ang sarap ulit-ulitin sa isip. Makita pa lang ang itsura ni Dj na namimilipit sa sakit ay nagbibigay na ng kasiyahan sa akin!

'Heaven..'

"Bawal ngumisi? May bayad ba?"

"Tsss!" Narining kong singhal ni Elisse.

"Ay buhay ka pa pala?" Kunwaring namamanghang tanong ko. "Akala ko nilunod ka na ng luha mo! Ang drama mo."

"Psh! Atleast ako may puso!" Maya-maya pa ay nag-iiyak na naman ito.

Lumapit sakanya si Tob at pinalitan si Joffrey sa pwesto. Wala namang nagawa si Joffrey kaya napatabi na lang kay Josh. Tawang-tawa naman ako ng makita ko kung pa'no napasinghal sa inis si Josh.

'Taray.. may kanya-kanyang labtim!'

Sinasadya ba nila 'to? Psh.

(-.-)

"Grabe! May kanya-kanyang partner.." Napapailing na sabi ni Drake. Tapos bigla itong lumingon sa akin. "Tayo na 'lang ang wala, Brienne." Sumilay ang ngisi sa mukha niya.

'A-anong ibig niyang sabihin?'

"So?"

"So? Hahaha." Ginaya niya ang tono ng pagkakasabi ko. "So ang sinasabi ko ay.." Ngumisi na naman ito. "Tayo ang magkapartner ngayon." Tinuro niya ang sarili niya saka nilipat sa akin.

Maya-maya pa ay..

"AYIEEEEEEEEEEE!"

"Taraaaaaaay!"

"Buti napansin mo, Drake! Bagay pala kayo."

"Ulol! Marunong ka pala sa mga ganyan? Hahahaha."

Kantyawan nila sa amin. Si Elisse naman ay nanatiling tahimik na halatang nasa itaas ang atensyon niya. Halatang hinihintay na bumaba si Dj.

SHE'S A BRATTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon