AYMEE'S POV
Bwisit sya! Ang kapal ng mukha nung baklang yon! Ang lakas nyang papuntahin ako dito sa moa ora-orada, ano kala nya sakin katulong nya?! Ang ganda ko naman katulong kung ganon...
Nang maka-akyat na ako mula sa escalator agad kong pinagmasdan ang bawat taong nandidito sa mga railings. Hindi ko pa nakikita yung Jiro na yon sa personal at kung pwede lang sana hindi na talaga kaso wala, nandito na ako hindi ko ma-figure out kung gaano ba sya katangkad, maputi ba sya sa personal, pangit o gwapo? Ahh ewan bahala na nga!
May nakita akong isang lalaking nakatalikod, hindi mapakali at pa-kamot kamot sa ulo nya, baka sya na yon. Pero parang hindi? Ang maskulado naman nya?! Ahh ma-try na nga lang!
Hinawakan ko sya sa kanyang balikat at tinanong. "Excuse me, ikaw ba si jiro?"
Agad syang humarap na kinagulat ko.
"Bakit ba napaka tagal mo? Aakyat ka lang ng escalator inabot ka pa ng syam-syam?!"
Napatulala ako ng makita sya ng harap-harapan. Gosh, hindi ko in-expect 'to!
"Hindi mo ba alam sumakay ng escalator?! Kanina na pa ako nandoon sa seaside, ganyan ba talaga kayong mga babae ang tatagal nyo maligo?!"
His dark brown hair, parang mas malambot ba ito sa buhok ko ah! Yung kutis nya shet! Porcelain skin! Yung totoo naggu-gluta ba ito? Shocks... Makapag gluta na na rin! Yung mga mata nya ang cute parang pambabae tapos ano yung labi nya ang pula pula! Ano kayang brand ng lip tint or lip gloss nya? Yung totoo bakla ba talaga sya?! Ang wafue nya...
"Hoy chaka! Tinatanong kita, ano na-pipi kana?"
Agad akong natauhan hindi sa tanong nya kundi sa pag pitik nya sa aking noo.
"Ano ba? Kailangan mangpitik?!"
Nag bungangaan pa kami ng halos 1 oras din ang inabot. Paano ba naman kasi hindi nya daw maalala kung bakit nya ako pinapunta dito sa moa. Sayang effort ko mga bes, ano tunganga nalang kami dito?!
Kaya niyaya ko nalang sya na maglibot sa loob ng department store at kung sa ano-anong botique sa loob nito. Balak ko na rin kasing isabay ang pag bili ng ilang damit para naman hindi sayang ang pag punta ko dito kasama sya.
"Iyan nalang kasi ang arte mo! Wala naman pinag bago sa isang damit na isinuot mo kanina!" Daing nya
Agad na kumulo ang dugo ko sa sinabi nya. Ano daw?!
"Hoy, anong sinasabi mo? Mag kaiba kaya ng style nung damit kanina, itong suot ko mini dress tapos yung kanina off shoulder na blouse! Bulag ka ba?"
Ang laki-laki kaya ng pag kakaiba ng dress sa off shoulder! Hays nakaka-stress naman sya!
"Eh bahala ka dyan, kahit ano naman suotin mo chaka ka pa rin naman tignan, hmmp!"
Aba... Bastos nito ah!
"Talaga? Kaya pala namumula ka kanina at hindi ka makatingin sa akin ng diretso? Hmmm chaka pala ah, sige sabi mo eh."
Agad syang napatayo sa kinauupuan nya at lumabas. Ang lakas tuloy ng tawa ko ngayon, nakikitawa na rin sales ladies na nag assist sa amin simula ng pumasok kami dito. Pumunta nalang ako sa cashier at binayaran ang dalawang damit na sinukat ko kanina.
"Boyfriend nyo po yun ma'am?" Tanong nya sa akin ng nakangiti
"Nako, hindi po ate. Lalaki din po ang tipo nun." Sabay tawa ko
Agad naman napatakip silang lahat sa kanilang mga bibig na nag patawa sa akin ng todo. Hanggang pag labas ko sa boutique na iyon tawa ako ng tawa.
"Hala nasaan na si baklita?"
Ahh ayon sa master siomai kumakain HAHAHA ang kyut
Agad ko syang tinabihan at umorder na rin ng isa.
"Ikaw, hindi ka nagyayaya ah?" Sabi ko at ngumiti
"Wala akong pake." Masungit nyang sinabi sa akin habang naka-focus sa kinakain nya. Tinawanan ko lang ulit sya dahil ang bilis nyang kumain kahit na parang puputok na yung mga pisngi nya
"Oh teka hinay hinay lang aba."
Napansin na rin ng ibang tao na bumibili din ng siomai ang pakain ni Jiro ng mabilis. Ano ba to?!
"Oyy ano ba, pinagtitinginan na tayo." Bulong ko sa kanyang tenga
Nako-consious na talaga ako, ano ba kasi nangyayari kay Jiro? Namumula pa yung tenga at pisngi nya, nag lagay ba sya ng chilly sauce? Geez...
Pinigilan ko sya sa pamamagitan ng pag hawak ko sa kamay nya na nakahawak sa nakatusok na siomai pero imbis na tumigil sya sa pagkain agad syang nabilaukan sa ginawa ko.
ㅡ
"Ano ba kasing nangyari sayo kanina ah? Parang baliw 'to. Ngayon ka lang ba nakakain ng siomai sa buong buhay mo?"
Nandito naman kami sa seaside nakaupo. 7pm na din kasi, mahangin na at maganda tumambay dito dahil ang daming tao at napaka ganda ng mga stars sa itaas.
Hindi na naman sya sumagot. Yung totoo kanina pa yan ganyan eh, kapag sumagot naman napaka tipid na hindi katulad ng una naming pagkikita kanina na napaka lakas sumigaw.
Lumingon ako sa kanya at tinanong, "Oyy ano ba kasi yun? Ang weird mo naman kasama, ganito ka ba talaga lagi?"
Umusog ako sa tabi nya na nag padikit ng mga braso namin ng bahagya.
"Eww! Lumayo ka nga! Kinikilabutan ako sayo! Shushu!"
Tumawa lang ako at mas lalong ininis pa ulit sya. Grabe para syang allergic kung maka taboy sya sakin 😂
BINABASA MO ANG
"Aymee" | Sowjin
Historia Corta"Over populated na nga ang populasyon namin mga babae, makikidagdag ka pa!" • Epistalogy [ Ksj x Ksj ]