KATH
"The public may dance." Sabi naman nung host. At halos lahat ng mga students sumayaw na.
Kaming dalawa nalang ni daniel yung andito sa table. Ayun, yung lovers nagsayaw na.
"Mahal na reyna, pwede ba kitang maisayaw?" Pagtatanong ni daniel saakin atsaka iniabot nya yung kamay nya saakin.
"Oo naman, mahal na Hari." At iniabot ko yung kamay ko sakanya at pumunta na kami sa dance floor.
"Kath, you look so perfect tonight." Okay, flattered na flattered na ako kanina pa.
"Thankyou dj." Sabi ko nalang tapos yumuko. Ewan ko kung bakit. Basta nahihiya ako.
"Oh bakit ka yumuyuko?" At hinawakan nya yung chin ko at tinaas para makita nya yung mukha ko.
"Diba sabi ko maganda ka. Bakit ka mahihiya? Kahit wala kang make up kath. Kahit makalbo ka. Kahi--" pinigilan ko sya gamit yung daliri ko. Baka hindi ko kayanin mahimatay ako sa kilig. Hindi ko pamandin mailabas yung kilig ko.
"Kath alam kong marami akong nagawang mali na ikinasakit ng damdamin mo ng sobra pero pinagsisihan ko na yun. Alam kong yung gagong katulad ko hindi na dapat binibigyan ng chance pero kath, I promise hindi ko na ulit gagawin yung bagay na ikinasakit mo noon. Mahal na mahal kita kath. Words can't express how much I love you. Ikaw yung babaeng nakapag pabago saakin ng sobra. Sana bigyan mo pa ako ng chance para itama lahat ng mga pagkakamali ko noon." Should I give him a chance? Mahal na mahal ko sya. Alam ko at nararamdaman kong mahal nya ako.
"Dj, I trust you. Kahit nasira yung tiwala ko sayo noon mahal na mahal parin kita. Sana wag mo ng uulitin yun kasi sobrang sakit. Wag na magdrama okay? Ayokong umiyak. Sayang make up." Sabi ko sakanya. Hinaluan ko ng biro para naman hindi kami mag iyakan ngayon.
"Thankyou kath! Thankyou. Iloveyousomuch." At niyakap nya ako ng sobrang higpit.
"Hoy hindi na ako makahinga." Sabi ko sakanya. Hahaha. Ang cute cute nya. Kita ko sa mga mata nya yung saya.
"So tayo na ulit???" Haynako. Nagmamadali?!?!?
"Hindi muna no. Nasa ligawan stage ulit tayo! Ble! Kailangan mo muna akong ipagsibak ng kahoy at ipag igib ng tubig mahal na hari." Sabi ko sakanya na parang hinahamon.
"Sure aking mahal na reyna." Sabi nya. What? Akala ko pamandin mag iinarte.
Nakailang kanta pa kami ni dj at bumalik na kami sa table. Sakit sa paa grabe.
"Kath pwede ba kitang isayaw?" Sabi nung lalaking hindi ko alam pangalan pero familiar. Agad akong tumingin kay dj.
"Masakit na kasi paa nya eh. Yung ibang girls nalang." Sabi nya sa lalaki kaya umalis na.
"Huy. Kawawa naman yun." Sabi ko kay daniel.
"Anong sabi ko sayo? Diba ako lang pwedeng humawak jan sa kamay mo? Akin lang yan." Sabi nya na parang sakanya na yung kamay ko talaga.
"Oh sayo na kaya 'tong kamay ko?" At inilapit ko sakanya yung kamay ko na kunwari binibigay ko na sakanya. Pero nagulat ako nung hinalikan nya yun. Yie! kinilig nanaman an lola nyo. Lakas talaga magpakilig nito. Kainis.
ZHARM
Ugh! Sira nanaman gabi ko. Pati family ni daniel pinainom nya ng kung ano mang gamot na yan para umamo sakanya. Let's see kung sino ngayon mananalo.
Andito ako malapit sakanila. Hinihintay kong umalis si kath para maging successful yung plano ko.
Ang landi talagang babae. Nilalapit lapit pa kamay nya para halikan ni dj. Alam ko namang napipilitan lang si dj kasi never pang ginawa yan ni dj saakin. Alam kong mapapasaakin din si daniel balang araw.
BINABASA MO ANG
Right Person at the Wrong Time.
FanficThey say, if you are ready to love you should be ready to get hurt. What if, one day everything has changed? Kakayanin kaya nina Kathryn at Daniel ang malaking pagsubok na dadating sa buhay nila? Kakayanin kaya ni Kathryn makita ang pinakamamaha...