"Hello Elaine, si Anna 'to." Ani Anna sa kaibigan sa telepono.
"Anna, naku, ang tagal kong naghintay ng tawag mo, sabi mo basta marating mo na ang lugar, tatawagan mo ako." Nag-aalalang sabi ng kaibigan.
"Pasiyensiya na, marami kasing nangyaring hindi ko inaasahan. Hindi ka maniwala, akalain mo bang mahold-up yung bus na sinasakyan ko, tangay lahat ng pera ko't damit."
"Ano?!" gulat na tanong ni Elaine. "Kamusta ka na ngayon, saan ka nakatira, maayos ka ba?" nag-aalalang tanong ni Elaine.
"Huwag kang mag-alala, nasa mabuti akong kalagayan, buweno, ano na? Kamusta na ang papa?"
"Ay naku, iyang papa mo binibigyan ako ng problema, talagang hindi ako tinatantanan, gusto talaga akong paaminin," pagtatapat ni Elaine.
"Ano? Bumigay ka naman?"
"Gaga kung bumigay ako, baka narito ka na katabi ko dahil siguradong hihilahin ka ng papa mo pabalik rito sa Maynila."
"Mabuti naman, basta lagi mong tatandaan, huwag na huwag mo akong ituturo."
"Ano pa nga ba. Buweno, ano bang address mo diyan ng mapuntahan naman kita in case na kailanaganin?"
"Alam mo ang totoo, hindi ko alam ang address ng tinitirhan ko, hayaan mo, sa susunod na tawag ko, sasabihin ko sa'yo."
"Sige asahan ko 'yan."
"Kamusta na sina Roger, at Ruff." Tanong ni Anna tungkol sa kanyang mga kapatid."
"Naku, iyon, nag-iiyak. Lalo na si Roger, alam mo naman ang bata. Madaya ka raw, hindi mo raw siya isinama." Pagsususmbong ni Elaine.
"Kawawa naman. Basta, ikaw na ang bahala sa mga kapatid ko. Dalaw-dalawin mo kung may time ka. Kailangan mong bumisita sa amin ng madalas para hindi ka mapaghalata okay."
"Okay, pero Anna, alam mo ba na itong si Mark, desido talagang hanapin ka, akalain mo bang magpasama sa akin sa lahat ng mga kaibigan mo na kilala ko para itanong kung saan ka naroroon, wala naman akong magawa kung hindi samahan dahil kung hindi ko samahan baka pagdudahan ako."
"Salamat Elaine, you are truly the best friend I ever had."
"Pero naaawa talaga ako kay Mark. Depress na depress ang loko. Kuwento nga sa akin ng bestfriend niyang si Earl, wala na raw ganang kumain. Parati raw gustong mapag-isa sa kuwarto niya. Hindi ka ba naaawa sa kanya."
"Maiintindihan niya rin ako balang araw, Elaine. Matalino iyon, konting panahon lang makakapag-move-on na 'yon."
"I hope so. Ikaw kasi hindi mo na lang sana tinanggap iyong engagement ring. Pinaasa mo pa kasi siya."
"Elaine, magsisimula na naman ba tayo?" may pagka banas na tanong ni Anna sa kaibigan.
"Well, basta ingat ka na lang diyan. Sabihin mo lang sa akin kung may kailangan ka, kahit pera habang may ipon ako, sabihin mo na sa akin."
"Salamat pero hindi ko pa kailangan ngayon, pero kakailanganin ko rin iyang tulong mo balang araw."
"Basta ingat ka, sige pwede mo nang ibaba ang telepono baka malaki ang bayaran mo, ikaw rin, lalo na ngayong walang-wala ka." Ani Elaine kay Anna.
"Sige, paalam na sa'yo, basta remember, our secret is our secret." Muling paalala ni Anna sa kaibigan, at ibinaba na ni Anna ang telepono.
Naglalakad papauwi si Anna ng madaanan niya ang isang bahay na may karatulang paupahan. Kinatok niya ang pinto ng gate at lumabas ang isang may katandaan ng babae.
"Ano 'yon?" tanong nito ng makita si Anna.
"Itatanong ko lang po kung dito po iyong may paupahan." Ani Anna.
Nang marinig ng babae ang sinabing iyon ni Anna ay agad nagbago ang hitsura nito mula sa pasimangot ay ngumiti na ito.
"Pasok ka iha, may balak ka bang umupa." Tanong nito sa kanya.
"Opo sana."
"Mabuti, bali ang totoo ay may nakatira pa sa lugar na pauupahan ko, pero hanggang isang linggo na lang ang mga iyon, pinaalis ko na, akalain mo ba namang dala-dalawa silang umuupa ng kuwarto, aba'y delayed pa rin magbayad." Kuwento nito sa kanya.
"Ganoon po ba, ang ibig po ninyong sabihin na kung kukunin ko iyong kuwarto, sa isang linggo pa ako makakalipat?"
"Mismo, pero sigurado naman iyon, ano gusto mong makita ang kuwarto." Tanong ng babae sa kanya.
Napatango na lang si Anna. Pinasunod siya ng matandang babae sa lugar ng paupahan, sa isang palapag ngunit mahabang hitsura ng bahay na puro dibisyon. Kinatok ng matandang babae ang ikalawang pinto.
"Buksan nga ninyo ang pinto," utos ng matandang babae sa mga tao sa loob ng silid na iyon.
"Sandali lang," sigaw ng babe sa loob. "Aba, Aling Josefa, nabisita yata kayo." Ani ng isang babaeng matangkad at maganda, ngunit halata sa hitsura nito na kagigising pa lamang.
"Hoy, hindi ko kayo binisita, narito ako dahil gustong tingnan ng babaeng ito ang apartment paupahan ko."
"Bakit? Pinapaalis niyo na ho ba kami, aba'y ang alam ko, hanggang sa susunod na linggo pa kami rito." Angal ng isang babaeng hindi yata giniginaw sa ikli ng suot na short at sleeveless na damit.
"Alam ko iyon, hindi mo ba ako narinig, gusto niyang tingnan ang apartment." Masungit na sabi nito.
"Tingnan nga naman ninyo ang gurang na ito, aba'y may nakatira pa sa pinauupahan niya, hinanda na ito sa susunod na uupa, talagang nagpapayaman kayo ano?" pang aasar ng babae sa matanda.
"Hoy, sinong gurang, darating ang panahon magiging gurang ka rin."
"Pero hindi tulad ninyo, I will age gracefully, hindi tulad ninyo na kulubot na nagmumukang pera pa." Anas na sabi ng babae.
Talagang tawang-tawa na si Anna pero pilit niyang pinipigilan ang sarili dahil ayaw niyang masangkot sa gulo ng mga luka-lukang iyon.
Para maalis sang konsentrasyon sa nakkatawang senaryong iyon, giniling-giling niya ang kanyang paningin upang tingnan ang paligid ng apartment. Nakita naman niyang maayos ang paupahan. May maliit itong sala kung saan nandoon na rin ang kusina, at maliit na kuwarto, bukod pa sa natatanaw ang tanawin kapag sumilip ka sa may bintana.
"Hindi ba ang sabi ko, maayos ang paupahan ko, maganda pa." Ani Aling Josefa.
"Opo," iyon na lang ang nasabi niya.
Pagkaraan tingnan ni Anna ang paupahan ay lumabas na sila.
"Okay na ba sa'yo ang apartment."
"Opo, pero, hindi ko pa po alam kung magkano ang paupa ninyo sa silid na iyon?" Tanong ni Anna.
"Two thousand, one month advance and one month deposit."
Mababa lang ang upang iyon para sa kanya kumpara sa mga paupahan sa Maynila, pero sa hitsura n Aling Josefa ay parang naniningil siya ng isang first class hotel. "Aling Josefa, hindi ho ako magtatagal dito sa Baguio, isa o dalawang buwan lang po ako maglalagi dito, bakasyonista lang po kasi ako rito."
"Ganoon ba? nabiglang tanong ni Aling Josefa. "Kung sa bagay, kaysa naman umupa ka ng kuwarto sa hotel, mamamahalan ka pa, eh di dito ka na nga lang sa paupahan ko, mas mura pa pero masisiyahan ka naman sa apartment na ito. So kukunin mo na?"
"Kukunin ko na po." Ani Anna na hindi na nagdalawang isip.
"Good! Bata kung aalis ka na, ipaalala mo lang sa akin ng mas maaga ha, ng makakuha ako ng kapalit mo" ani Aling Josefa na napangiti.
Pagkaraan ng kanilang usapan ay nagpaalam na si Anna kay Aling Josefa.
Dali-dali siyang pumunta ng simbahan sapagkat pinagbilinan siya ni Padre Gabriel na umuwi bago mag-alas siyete dahil darating ang mag-asawang magpapakasal ngayong linggo upang ibigay sa kanya ang kopya ng mga kantang kakantahin niya sa kasal.
BINABASA MO ANG
A Summer To Remember
Teen FictionMay isang tag-araw na hindi makakalimutan si Anna..