Diary ng Bekies.

54 0 0
                                    

Naenganyo ako gumawa ng kwento dahil sa diary ng pogi ni Bryan Olano.. Kaya nainspired ako gawin ang diary ng mga bakla. haha

Ang kwento ko ay magsisimula sa pagkabata ni Daniel.

Sina daniel ay 8 magkakapatid. Limang babae at tatlo silang lalaki. Lumaki siyang wala sa tabi nya ang  kanyang ina dahil nasa nag ibang bansa para matugunan ang pangangailan ng pamilya nila. Samantala ang ama ni Daniel ay busy sa pagtatrabaho sa pabrika ng mga tela sa bayan.

Tumatanda siyang kasama sa bahay ang 5  kapatid nyang babae, samantala ang 2 nyang kapatid na lalaki, ang isa ay nasa ibang bansa, ang isa naman ay nasa tiyahin nya. Kaya nagkaisip siya sa piling ng  lima nyang kapatid na babae. Iyan ang isa sa naging positivity nya ng pagiging kakaiba na akala nya noon ay lalaki pa siya kasi itinatanggi nya pa. Tska ngkacrush pa siya noong grade school sa classmate nyang babae na ang names ay Jenny at Maggie.

Isa sa mga naging libangan ni Daniel ay mga panglarong babae katulad ng chinese garter, jackstone at mga paper doll.

Hanggang sa noong nagsecond year high school si Daniel. May dumating na bagong transferee galing public school sa school ni Daniel ang Holy Trinity School (private school sa batangas.) na ang pangalan ay Jayson tubong Muntilupa na lumipat ng tirahan sa probinsya ng batangas.  Nasa A section si Daniel samantalang B naman si Jayson. Si Jayson ay kabarkada ng mga bully na magbabarkada na sina Kevin, RJ at Neil Binubully lagi nila si Daniel na bading ito dahil sa mga kilos at galaw nito. Pero mabait at hindi pala bully si Jayson.

Noong una hindi pinapansin ni Daniel si Jayson kasi hindi naman sila nagkakausap nito. Isang araw, nagpunta si Jayson sa room nina Daniel sa school upang manghiram ng Science Book , kasi nakalimutan nya ang book na yun sa house nila.

"Pahiram nga ng po ng libro sa Science" wika ni Jayson sa section A ng second year.

Eh ang tao lang ng panahon na yun ay si Daniel sa room. Kaya

"Hey, pwedeng manghiram ng book sa Science. Ako nga pala si Jayson." wika ni Jayson kay Daniel.

Pumayag naman si Daniel rito. (Kahit alam nya na kabarkada nya sina Neil at kevin na bully.)

Hanggang sa pag abot ni Daniel ng libro sa Science kay Jayson, sa pinto ng room nila ay andoon ang mga classmates kong bully na sinasabing "Ayiee".. Ayiee" Sa moment na yun, walang epekto kay Daniel kasi nga feeling nya lalaki pa siya ng panahon na yan. 

"Oh ayan ibalik mo mamaya pagkatapos kasi need ko din yan mamayang gabi eh." wika ni Daniel kay Jayson.

At 4pm natapos ang klase nila Daniel at Jayson, ibinalik ni Jayson ang book kay Daniel at nagpasalamat. Hanggang sa napatitig si Daniel sa ngiti ni Jayson sa knya. Akala ni Daniel, simpleng bagay lang yun sa kanya yung ganoong pangyayari.

Pero noong nakauwi na siya ng bahay nila. Nagawa na nya lahat ng gawaing bahay pati ang makipagkulitan sa mga pinsan nya. At noong nakahiga na siya, bigla nyang naisip yun moment nila ni Jayson noong kumukuha hanggang sa naibalik yung libro sa kanya. At pati yung ayiie ng mga bully nyang classmate naalala nya. Pati yung ngiting tagumpay ni Jayson, naalala ni Daniel.

Itutuloy......

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 11, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Diary ng Bekies.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon