EXTRA CHAPTER

152 8 3
                                    

A/N: Pwede niyo namang hindi basahin 'to. About lang 'to sa paguusap ni Kelsie sa family niya at yung scene bago sila pumunta sa mall.

After ng class namin, dumaan muna ako sa coffee shop. Nakaramdam kasi ako bigla ng gutom at pag-crave sa cheesecake.

"One oreo cheesecake and one oreo frappe. Take out." I really love oreos <3

Inulit nung barista yung order ko at hinanda niya na. Nung makuha ko na yung order ko ay umuwi na ako.

Pagkauwi ko sinalubong ako ni Yaya Sylvia, mayordoma ng bahay. Nakasanayan ko lang talagang tawagin siyang yaya.

"Bakit po yaya?"

"Tumawag kanina ang mommy at daddy mo, tumawag ka raw sa kanila sa Skype pagkauwi mo."

"Sige po salamat!" Nginitian ko siya.

Pumunta akong kusina at kumuha ng tinidor para sa kakainin ko. Gutom na talaga ako kaya kakain na ko habang kausap sina mommy.

Umakyat na ako sa kwarto ko at nagopen ng Skype. Nakita ko namang online si mommy kaya tinawagan ko.

"Hi sweetheart! How are you?" bati sakin nina mommy at daddy habang kinakain ko yung cake. Sarap talaga!

"I'm fine mom, dad. Kayo po?"

Habang kausap ko sina mommy kumain lang ang nang kumain.

"We're fine. Mukhang gutom ka a." Natawa sila sakin.

"Opo e. Hehe."

Nakita kong napadaan sa likod nina mommy si ate, mukhang may kausap siya sa phone. Napatingin naman siya kay na mommy at nakita ako.

"Is that Kelsie?"

Lumapit siya para ma-confirm kung ako nga.

"Slateeer! Come here." -ate

"Alice, I'll call you later. Bye." Narinig kong sabi ni ate sa kausap niya sa phone.

Hinintay naming dumating si kuya.

"Tsk. What? Nakain ako e!" Halata nga kasi nanguya pa si kuya haha.

Binatukan naman siya ni ate at tinuro ako sa screen.

"Kelsieee, how are you?"

"I'm fine, kuya."

"Liar!" Nagulat naman ako sa sinabi ni ate.

"Kevin told us you're being bullied at school."

Tsk si Kuya Kevin talaga.

"Okay lang naman po ako!" Depensa ko.

"Baby, sabi ni Kevin hindi ka raw nalaban, hinahayaan mo lang. Panong magiging okay?" Alalang tanong sakin ni ate.

"Padadalhan ka namin ng bodyguards, if you want." Sabi ni dad.

Ugh. Hindi na ko bata, baka mas lalo lang akong sabihang weak kapag nakita nilang may nagbabantay sakin. Baka lalo lang nila akong asaran na hindi ko kaya ang sarili ko. Pasalamat sila nagpipigil ako.

"No, dad. I can handle myself. Kaya ko lang naman sila hindi pinapatulan dahil ayoko rin ng gulo, like what I promised you."

"Sometimes, you need to defend yourself. You need to fight back. Turuan pa kita ng technique ko!" Kumindat si kuya pero binatukan siya ni ate. Okay na sana sinabi niya e, nagbiro pa sa dulo haha.

"Aray. Kanina ka pa a." Wala naman siyang palag kay ate kasi si ate ang panganay samin.

"Wag mo ngang turuan ng kabalastugan mo si Kelsie." Inirapan lang siya ni ate.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 27, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Friendly DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon