Chapter Eight

2K 380 0
                                    

Naroon na ang ikakasal ng dumating siya ng simbahan. Humingi siya ng paumanhin dito dahil sa pinaghintay niya ang dalawa.

"Ito na po ba ang kakanta?" tanong ng matabang babae na sa tingin ni Anna ay siyang ikakasal.

"Siya na nga," ani padre Gabriel.

"Aba'y kagandang bata, ilang taon ka na iha?" tanong ng babae sa kanya."

"Twenty po." Ani Anna.

"Sige nga, bigyan mo nga ng sample ang dalawa." Hiling ni Padre Gabriel kay Anna.

"Sige nga iha, kumanta ka, ano bang kanta," tanong ng babae sa sarili. "Ano ba iyong themesong natin sweetheart," tanong nito sa katabing lalaking walang imik.

"Hindi ko alam, ikaw, bahala ka kung anong gusto mo." Sabi ng lalaki.

"Gusto ko iyong, All of My Life, paano ba iyong lyrics noon sweetheart, ....Time, I been passing time look at trains go by all of my life," awit ng babae na mali-mali pa ang lyrics.

"It Might Be You po iyon, hindi po All Of My Life," pagtatama ni Anna.

"Aba'y iyon nga," sabi ng matabang babae sabay hagikgik. "Iyon ang gusto kong kantahin mo."

Hindi na rin nakatanggi si Anna,kinanta niya ang kantang iyon bagama't ayaw na ayaw niya ang kantang iyon dahil naaalala niya si Mark na sinasabing iyon daw ang themesong nilang dalawa.

"Bravo," sabi ng matabang babae. "Gusto ko siya father, gusto kita iha." Dugtong ng babae at sabay hagikhik.

"Hindi ba sabi ko sa'yo magaling ang batang iyan." Pagmamalaki ni Padre Gabriel.

"Totoo nga kayo father, mahusay nga ang batang iyan."

"Basta ako ang nagrekomenda ay talagang hindi ka mapapahiya.

"Paano father, aalis na kami, oh iha, ang galing mo, gusto ko sa kasal ko ganyan ka rin kagaling o kaya ay mas magaling pa, at tsaka heto pala ang listahan ng mga kantang gusto kong kantahin mo sa kasal, pag-aralamn mo itong mabuti," sabi ng babae at iniabot nito sa kanya ang isang pirasong papel na may listahan ng mga kantang gusto nitong kantahin niya sa kasal.

Nang iniabot sa kanya ang listahan at tiningnan niya, hindi siya makapaniwala sa mga kantang napili nito. Mga kantang hindi niya tipong kantahin, tulad na lang ng kantang Kapantay Ay Langit, o kaya naman ay, Ikaw Lamang.

"Ano ba naman ang mga kantang ito, ang totoo ay sukang-suka na ako sa pagka-senti ng mga kantang ito." Ani Anna sa sarili matapos basahin ang listahan ng mga kanta.

"Ganoon lang talaga ang babaeng iyon," ani Padre Gabriel, "Bungisngis pero mabait, kaya nga siya natipuhan ng mapapangasawa niya. Masipag din ang babaeng iyon, aba'y may naipatayo na iyang restaurant sa lugar na ito dahil sa pagkamasinop niyan."

Tumango lamang si Anna. "Si Adrian nga po pala?" tanong niya sa pari.

"Naroon sa taas, naglilinis yata ng kuwarto niya, masyado raw kasing maalikabok, kung gusto mo puntahan mo sa itaas."

"Opo," ani Anna at umakyat na ito at pumunta sa silid ni Adrian. Nadatnan niya itong nagbabasa ng Bibliya.

"Kapatid, okay ang trip natin. Hindi kaya lumampas ka na sa langit niyan." Pagbibiro ni Anna.

"Ikaw talaga oh, inaasar mo naman ako." Nakangiting sabi ni Adrian. "Ano, nakausap mo na ba si Miss Carina, hindi ba hinahanap ka noon." Tanong ni Adrian na iniba na ang usapan para hindi tuluyang asarin ni Anna.

"Ang sinasabi mo ba ay iyong matabang babaeng ikakasal?" tanong niya.

"Iyon na nga. Nakausap mo ba?" muli nitong tanong.

"Nakausap ko, binigyan pa nga ako ng listahan ng mga kantang gusto niyang kantahain ko."

"Ganoon ba, okay naman."

"Okay naman, kaso nga lang hindi ko gusto iyong mga klase ng kantang gusto niyang kantahin ko."

"Bakit ano bang mga kanta iyon?" tanong nito sa kanya.

"Gusto niyang kantahin ko eh iyong "Kapantay ay Langit" o kaya naman eh "Ikaw Lamang" o kaya naman eh "I'll Always Love You", ano bang mga kanta ito?

"Bakit okay naman iyong mga song," pagtatanggol niya. "Ano bang songs ang mga gusto mong kantahin?"

"Well, kung ikakasal ako, ang type kong song eh iyong, medyo modern, "From This Moment On" o kaya naman "I Do (Cherish You) at kung magsesenti ako eh iyong "The Way You Look Tonight," ani Anna.

"Hello, "The Way You Look Tonight" eh hindi naman pang kasal iyon ah." Natatawang sabi ni Adrian.

"Eh sa iyon ang gusto ko, and besides that is my wedding day. At siyempre pa ang gusto kong kumanta ng mga song na iyon si Patty Delin."

"Si Patty Delin, celebrity pa talaga ang gusto mong kumanta sa wedding day mo ha? Mukhang malabong mangyari iyon, balita ko mag ma-migrate na silang mag-asawa sa America. Pero hayaan mo, pag-nakausap ko siya sasabihin ko iyang request mo." Ani Adrian.

"As if close kayo." ani Anna.

Ngumiti lang si Adrian.

Ah, basta, pag wedding day ko, mga favorite songs ko ang gusto kong marinig, tapos." Ani Anna.

"Ganoon ba? Di kantahin mo na lang din ang pinakakanta sa'yo because that's what they love to hear and that's their wedding day. Araw nila iyon."

"May choice pa ba ako? Maiba nga pala ako, nakahanap na ako ng matutuluyan ko," ani Anna kay Adrian.

"Bakit naman?" gulat na tanong ni Adrian. Hindi ka naman namin pinapaalis." Dugtong pa nito.

"Alam ko, pero simbahan ito, at isa pa babae ako, alam mo naman ang mga tao, ayaw ko na akong pagsimulan ng usap-usapan sa lugar na ito. Sana naman maintindihan mo, and besides malapit lang naman ako dito."

"Bakit babae rin naman si Aling Bining ah?"

"Iba si Aling Bining, matanda na siya, at tsaka katiwala niyo siya, ako hindi, at isa pa, hindi nga ako kilala ng mga tao rito.

"Saan ba?"

"Ilang bloke lang ang layo, diyan lang sa may paupahan ni Aling Josefa."

"Kay Aling Josefa ka uupa, malapit nga lang iyon, pero binabalaan na kita, maraming hindi nakakatagal diyan kay Aling Josefa."

"Alam ko, akalain mo bang iyong pauupahan niya, sa isang linggo pa lang mababakante, at tiyaka, hindi naman ako magtatagal dito, hindi ba nagpunta lang ako rito para magbakasyon."

"Alam mo iyon ang gumugulo sa akin, hindi ko alam kung hanggang kailan ka rito, huwag ka sanang magagalit pero sa tingin ko sa'yo mukhang hindi mo alam ang ginagawa mo. Parang may tinatakbuhan ka," nagtatakang sabi ni Adrian.

Nabigla si Anna sa sinabing iyon ni Adrian. "Sino naman ang tatakbuhan ko?" Hindi ako kriminal o magnanakaw o ano." Ani Anna na sa sobrang inis sa sinabing iyon ni Adrian ay nakuhang ibalibag ang pinto at iwanan ito.

Hinabol ni Adrian si Anna pero hindi niya ito nahabol dahil pinagsaraduhan siya nito ng pinto. Hindi alam ni Adrian kung ano ang kanyang sinabi upang magbigay ng ganoong reaksiyon si Anna. "Anna! Buksan mo ito." Pakiusap niya.

Kahit anong pakiusap ni Adrian na buksan nito ang pinto ay hindi siya napagbigyan.

"Iwanan mo muna ako, kailangan kong mapag-isa." Sigaw ni Anna.

Walang nagawa si Adrian kung hindi ang iwanan si Anna.

A Summer To RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon