mad monday

3 0 0
                                    

Kung sa iba. Monday is a great day, well hindi sakin. Dahil ang monday ay pesteng araw ah!! Wait , everyday is a pest day pala. Hindi nako magtataka kung isang araw makita nalang ng mga tao ang pangalan ko sa dyaryo. " Isang babae tumalon sa building dahil hindi na kinaya ang kaboringan sa buhay " nakupo! Wag naman sana.

Sa umaga pumapasok ako sa school. Ang oras na makikita ko nanaman ang mga pabebe, mga bully, mga famous na hindi ko alam kung bakit, mga active na parang laging mga sabog at kung anu anu pang uri ng mga istudyante. Kung tatanungin ako kung sino ako sa mga yon. Well, ako yung tuldok. Istudyanteng walang pake at hindi napapansin. Ayoko kasing masangkot sa mundo ng kasinungalingan.

Kain, tulog, at pasok ng school ang araw araw na buhay ko. Kapag weekend naman sasama lang ako kung saan ako dalhin ng parents ko.btw, nag iisang anak lang ako. Kung sasabihin mo namang hindi mo tinatanung, edi wag kana magbasa. Char,, pero sana dimotalaga yun naisip. Anyway, isa akong straight to the point na babae. Hindi dahil gusto kong maging ganun, kundi ganun talaga ako. Mahilig ako magsulat ng journal dahil minsan makakalimutin ako. Kapag gusto kong kausapin ang isang tao lagi kong tinatanong kung kumpleto pa ang pyesa nila sa utak dahil kung hindi na, tiyak na magkakasundo kami.

Gusto ko yung mga topic na out of this world. Universe, angels, astral projection, lucid dreaming, common psychiatric disease at kung anu anu pang nakakamanghang topic.

Simple lang akong tao. Minsan baliw, minsan normal. Tao na buhay at someday mamamatay rin. Kung hindi man ngayon, balang araw.

Iba iba ang magiging way ni kamatayan para kunin tayo. Pero ang katotohanan na tayo ay mortal ay mananatili.

Rix JonasWhere stories live. Discover now