"Di ko alam kung masuwerte ba ako at sa mura kong edad ay naranasan ko nang umibig. Dati pag-aaral lang at paglalaro ang pinagtutuunan ko ng pansin pero nagbago ang lahat nang makilala ko si Andrew." ~ Ellie
Magkababata, magkalaro, at mag best frien...
I love it when I catch you looking at me then you smile and look away.
Ellie's POV
Nakaupo kami sa terrace ng bakanteng bahay na madalas naming tinatambayan tuwing linggo. Biglang dumating si Mike galing sa bahay nila.
"Gusto nyo bang mag meryenda?" tanong niya sa amin.
"Oo syempre naman. Bakit manlilibre ka ba?" sagot ni Rea.
"O bili kayo doon ng softdrinks tsaka chichiria" dumukot si Mike ng pera sa bulsa at ibinigay kay Katie.
"Aba! Totoo nga! Ano ito peace offering?" natatawang tanong ni Katie.
"Kayo na ni Rea ang bumili" ang utos ni Mike.
"Uy, sama ko." Nagmamadali akong bumaba sa kinauupuan ko. Pero pinigilan ako ni Mike. Ihinarang niya yung kamay niya sa dadaanan ko.
"Wag na Ellie" ang sabi ni Mike.
"Wala akong kasama dito" dagdag pa niya.
"Sige na Ellie dito ka na lang kami na lang bibili. Baka magbago pa isip ni Mike bawiin niya pa yung pang meryenda, hehehe" pag sang-ayon naman ni Katie kay Mike.
Wala na akong nagawa kung hindi mag paiwan kasama si Mike.
"Sorry nga pala Ellie. Hindi ko alam na nakulong ka sa CR nung nakaraang linggo na naglalaro tayo." Habang nakatanaw siya sa malayo.
Nakatayo siya sa gilid ko at nakapatong ang mga kamay niya sa terrace. Ako naman ay nakasandal sa terrace at nakaharap sa pintuan ng bahay.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Okay lang yon. Di mo naman kasalanan" ang sagot ko sa kanya.
"Bakit ang bait mo yata sa akin ngayon? Hindi ka nang-aasar?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Grabe ka naman sa akin. Bakit mabait naman ako ah" natatawang sabi ni Mike.
"Oo mabait ka...pag tulog." At bigla kaming nagtawanan dalawa.
Namumula ang mukha nya kapag tumatawa siya. Lumalabas talaga ang pagiging mestizo niya at lalo siyang pumopogi kapag tumatawa siya.
Hinawi niya ang buhok ko. Nagulat ako pero bigla siyang nagbading-badingan.
"Ano ka ba naman day? Hindi ka marunong magsuklay ng buhok. Mukha kang bruha. Wala bang suklay sa inyo?" pabading na salita ni Mike sa akin.
Siya naman pagdating ni Katie at Rea. Kaya naman nagtawanan kaming tatlo habang nagbabading-badingan si Mike.
Kinuha niya ang maliit na suklay na nasa likod ng bulsa ng pantalon niya at sinuklay niya ang buhok ko.
Medyo na conscious ako. Bigla ko tuloy naisip kung mukha na ba talaga akong bruha. Hindi kasi ako masyadong nag-aayos. Tama na sa akin ang masuklay ang buhok ko tutal wala naman magbabago pangit pa rin ako.