Spoken Word Poetry #5

532 4 0
                                    

Itong (Spoken Word) Poetry na ito ay inaalalay ko para sa lalaking gusto ko ngunit hindi ako napapansin. Nawa'y mabasa mo ito.

Sana mapansin mo ang kagaya ko
Hindi kasi ako peymus na katulad mo.
Hindi kasi ako...
Katulad ng ibang babaeng kilala mo
Hindi rin ako talentado na kagaya mo.

Ang hiling ko lang...
Sana ay mapansin mo ako.
Ako na nandito pa rin.
Nagpapapansin.

Pero sabi nila...
Kailangan ko nang gumising
Gumising sa katotohanang
Hindi ka magiging akin.

Pero masama bang umasa?
Na sana'y mapansin mo itong tula?
Itong tula na alay ko sa'yo...
Itong tula na iniiyakan ko.

Itong tula na kailanman
Ay wala lang sa'yo?

Oo na...
Tama na...
Ititigil ko na.

---------

Mga Panitikang PilipinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon