NDST (Part 3)

300 20 8
                                    

Kinabukasan

"Nandito na po akoooo!" nakauwi na rin ako. Dumiretso ako sa kwarto ko, gustong gusto ko ng magbihis ng damit pambahay. Napagod ako sa klase eh.

Tinignan ko ang phone ko.

50 plus na message ang natanggap ko, pero ni isa wala akong natanggap na text ni Prince :3 Nalungkot ako. Di na niya yata ako naalala. Parang kagabi lang kami magkatext ah.

Briiiiizzzk. Briiiizzk.

Napatalon ako sa kama ko. Kasi naman, nagtext na si Prince ko. Di ako nagdalawang isip na di siya reply-an. Sa araw araw na pagtetext namin, may nararamdaman akong kakaiba sa puso ko. HOY! Hindi sakit ah. Yun bang, dug dug dug dug. Di kaya mahal ko na siya? Sa tuwing katext ko na siya, napapangiti na lang ako bigla ng walang dahilan. O di kaya, nababaliw lang ako :3 Hays.

Binasa ko ang text niya.

" Kamusta Ang School Princess Ko? " ayiieee. Kinikilig ako.

"Ok lang. Napagod ako ng sobra Prince ko :3" reply ko. I need your hug. Lols.

At dun na naman nagsimula ang aming mahabang mahabang usapan.

At dumating sa point na,

" Princess, May Sasabihin Ako Sayo. Sana Di Ka Magagalit Ah? "

"Ano ba yun Prince? Sige sabihin mo lang, di ako magagalit."

5minutes bago siya nagreply, mahaba yata ang sasabihin niya. Nobela ang peg ng sasabihin niya. Hahaha. Good mood ako today.

" Pwede Ba Kitang Ligawan Princess Ko? " WHHAAT? O_o

Paulit-ulit ko yang binasa, ano bang dapat kong sabihin? Sa sobrang saya ko hindi ako makapag-isip ng matino. Ayaw ko naman sabihin na, Oo pwedeng pwede Prince ko ^o^ Gusto mo tayo na agad eh.

Nakakahiya naman yun. Shempre, kailangan magpakipot pa ako.

"Kasi ano eh, umm.. Seryoso ka Prince?" sinend ko na

Nagreply naman agad siya.

" HAHAHHA. Sorry Princess Ah. Pero Joke Lang Yun. Haha. Wag mong Seryosuhin Yun XDD " at BOOOOM! Nagunaw bigla ang mundo ko, ang puso ko at buong pagkatao ko. So it means, joke niya lang yun, biro niya lang lahat ng yun? Sa madaling salita niloko niya lang ako ( -O- ) NILOKO NIYA KOOOO >O<

" Hahahha. NICE JOKE PRINCE AH! APIR TAYO!! " reply ko. Naka CAPSLOCK talaga yung reply ko para malaman niya na galit ako. :3 At iyun na ang huling reply at text ko sa kanya.

Nagreply siya.

" Princess, Alam Mo Bang Kami Nah Uli Nii Coleen? Nakipagbalikan Na Kasi Sia Sakin :> "

Nanghihina ako. Wala akong gana. Di ako makakilos ng maayos. Talagang dinamdam ko ang sinabi ni Prince T^^T Gusto kong sumigaw nang sumigaw. Naiinis ako sa kanya, lalo na sa sarili ko . Urgh!

Simula nun, di na ako nagtetext sakanya maski GM hindi ko na siya pinapadaanan.

Masakit. Masakit na masakit. Kahit sa text ko lang siya nakilala minahal ko naman siya. Sabagay, anong silbi ng pagmamahal ko kung sa text lang nakaugnay ang lahat.

Pinapadaanan niya pa rin ako ng GM at tinetext niya pa rin ako, kinakamusta. Pero binabalewala ko na lahat ng yun. Alam kong mababaw lang ang dahilan ko, pero masakit kasi eh. Nasaktan ako ng sobra.

                                               

Nang Dahil Sa TextTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon