Isang KIS Lang Yan

974 28 1
                                    

Sino ang matanda na nasa larawan? Oops, hindi siya ang yumao kong lola. Siya si Anna Mary Robertson, mas kilala bilang si Grandma Moses. 

May kinalaman siya sa iyong talento na hindi mo pa nadidiskubre. O, huwag mong sabihing wala ka kahit isang talento? O kaya, matanda ka na para magkaroon ka ng talent. Lahat tayo ay biniyayaan ng Diyos ng iba't ibang kakayanan. Kung hindi natin ito gagamitin ay babawiin Niya ito sa atin.

Noong kabataan ni Grandma Moses, namuhay siya bilang isang simpleng maybahay, ngunit mahilig siyang magsulsi o ng mag- embroider ng iba't ibang larawan. Sa kasamaang palad, nang tumanda siya ay nagkaroon siya ng sakit na Arthritis, kung saan hindi na siya nakakahawak ng karayom. Ang ginawa ng kapatid niya ay sinabihan siya na magpinta na lamang. Sa edad na sitenta y otso (78), nagsimula siyang magpinta at naging matagumpay siya hanggang sa siya ay sumikat. Marami siyang naipinta at ang iba sa mga ito ay ginawang stamps at  cards.

 Marami siyang naipinta at ang iba sa mga ito ay ginawang stamps at  cards

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Paano ba i-develop ang talento? Una, huwag kang tamarin. Pangalawa, huwag mong isiping mahirap. Pangatlo, dapat willing ka.

I will give you a hack for developing your hidden talent. Just remember the acronym KIS, short for, Keep It Simple.

Noong bata ako, gusto kong matutong mag-juggle. Yong simple pagja-juggle. Ang ginawa ko, gumawa ako ng tatlong maliliit na bola out of papers. Siyempre magaang iyon at madaling saluhin. I tried two balls, and then three. Effective! But I stop right there. Hindi naman kasi ako papasok sa circus. Tama na yon!

Na-imagine mo rin ba ang mga bar tender, nakita mo ba kung paano sila mag-exhibition? Nagsimula kaya ang mga iyan sa mga plastic bottles, bago yong mga babasaging bote. Sa kaka-praktis nila, hayun, maraming ang namamangha sa kanila.

Say for example, gusto niyong matutong mag-gitara o kaya mag-piyano. Learn to play by chords. Tatlong chords lang makakatugtog na kayo ng maraming kanta. Basta, simplehan mo lang at makakayanan mo rin kung ano man ang gusto mong matutunan. Mas simple, mas madali.

Tandan - Kung gusto may paraan, kung ayaw may dahilan!



Psychological and Life HacksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon