Chapter Five

468 20 1
                                    

Nathan at the top guyseu. 

Nathan's POV

"Anak, mag-ingat ka." Papa habang nakahawak sa dalawang balikat ko.

Nasa bus station kami ngayon, dala-dala ang mga gamit ko papunta sa syudad.

"Opo." Sabi ko habang nakangiti.

"Huwag mong sayangin ang mga perang ipapadala ko. Magpakabait ka at hindi ka dapat mag bi-bisyo doon. Kai---" 

"Pa, alam mo naman na hindi ako interesado sa mga ganyang bagay. Trust me, magpapakabait ako. Hindi mo ako pinalaking masama." Natatawa kong sabi sa kanya.

Binitawan naman ako ni Papa at bumuntong hinga siya.

"Sige na nga, umalis ka na." 

Tumawa muli ako at pumunta na sa bus. Nasa window side ako umupo at binigyan nang last wave of goodbye si Papa.

Pagdating ko sa syudad ay agad kong pinuntahan ang address ng boarding house na tutuluyan ko. Nang mahanap ko ito, agad kong pinindot ang doorbell. 

Napahikab ako saktong bumukas na ang gate at lumabas ang isang babae na sa tingin ko ay ka-edad ko lang.

"Hi?" Tanong niya.

Umayos naman ako nang tayo at kinuha ang contract para sa stay ko.

"Tama ba 'tong lugar na to?" Tanong ko sa kanya.

Ngumiti naman siya at mas nilakihan ang pagkabukas sa gate.

"Yep, pasok ka na. Sasamahan kita paakyat sa kwarto mo." Nakangiti niya pa ring sabi.

Sinundan ko naman siya at pumunta kami sa ikalawang palapag nang bahay. Malaki yung bahay at medyo magara nga itong tignan. Hindi mo mahahalatang isang boarding house na pala ito. Modern yung vibe nang bahay at halatang mga lalake ang tinatanggap lang dito dahil sa amoy. Pero kahit na may amoy ito, malinis ito.

"Uh, sorry nga pala sa amoy." Bigla niyang sabi.

Napatawa naman ako at umiling.

"Hindi, ok lang. Sanay na ako." 

Tumango naman siya at huminto sa isang kwarto.

"Dito nga pala kwarto mo." Sabi niya at binuksan ito. Tumambad sa harapan ko ang nagpu-push up na lalake. 

"Jake!" Inis na sigaw nang babae.

Tumingin naman ang magiging room mate ko samin at tumayo.

"Nag e exercise lang yung tao, galit agad?!" Sabi nung Jake sa babae. Tumingin naman siya sakin at napa-kunot noo.

Problema nito?!

"Teka, nagkita na ba tayo?" Tanong niya sakin.

Umiling naman ako, "Di ko alam, but a bit impossible naman yun. Sa probinsya ako galing." 

Napa-tsk nalang siya at inilahad ang kamay niya.

"Jake nga pala."

Tinanggap ko naman ito at ngumiti.

"Nathan." Sabi ko naman.

"N-Nathan?!" Nagtataka niyang sabi tapos binitawan ang kamay ko at pumunta sa isang sulok at may kinuhang lumang notebook.

"Oo, bakit?" Nagtataka ko ring tanong at pumasok na sa kwarto.

Kailangan ko kasing iayos na ang mga gamit ko. Ang babae naman naming kasama ay pumasok din at umupo sa kama ni Jake.

"Ano na naman yang hinahanap mo?" Tanong nito.

"Wala ka na dun! Alis ka na!" Jake at tinulak paalis yung babae.

"Heto na nga! Aalis na!" Inis namang saad nang babae at lumabas na sa kwarto.

Napaflip naman si Jake sa lumang notebook hanggang sa may nabasa siya at napa-'Aha!'

"Sabi ko nga ba e! Nagkita na nga tayo!" Sabi niya at ibinigay ang notebook niya sakin.

Nagtaka naman akong tanggapin iyon at binasa ang diary entry.

"Eh? Diary mo to?" Tanong ko sa kanya pero napakamot lang ito sa ulo niya.

"Isa yan sa mga rule nang Mom ko noong bata pa kami." 

Tumango-tango naman ako at binasa ito. Nanlaki ang mga mata ko at tumingin kay Jake matapos mabasa ang entry niya. May picture din sa ibaba nang entry niya na mukhang stolen. Isa itong dalawang bata sa isang toy store na masayang nag-uusap.

"Grabe, akalain mo. Magkikita pa pala tayo? Room mates pa!" Natatawang sabi ni Jake.

Napatawa naman ako at tumayo sabay lahad pabalik nang diary niya.

"Wow, 10 years old pa tayo nun." Mangha kong sabi sa kanya. "Muntik ko nang makalimutan, ikaw nga pala yung naging unang kaibigan ko pagbalik sa syudad." 

"Ako nga rin e, kakalipat lang kasi namin nun." Sabi niya naman, "Minsan nga namamangha rin ako sa mga diary ko. Pasalamat ako kay Mom dahil napaparemind ito sakin nang mga konting bagay pero masaya naman." 

"E try ko kaya yan." Sabi ko na agad nasundan nang tawanan naming dalawa.

Fake Relationship With My Kambal Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon