This is not an ordinary revenge story you always saw in T.V series/Movies/Books or EBooks. Everything's twisted, everything's a mind blown. Why not see our main protagonist? The killer, and the justice they deserve, or they're seeking at the wrong p...
Pag nakikita niyo ito, ibig sabihin naka-follow kayo sa akin. ;) Naka-private na toh. Good Luck!
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
12:02 p.m Thursday
Chris's PoV
Pinagtitinginan kami lahat ng estudyanteng dinadaanan namin. Lahat ba naman kami parang inoperahan sa kamay na wala man lang takip. Tulo ng tulo ang dugo namin at sobrang hapdi.
"Ano na namang nangyari sa kanila?" bulong ng babae.
"Baka may namatay na naman sa kanila." sagot ng kausap niyang babae.
"Lagi namang may namamatay sa kanila. Wala ng bago. Mayayabang kasi yang mga yan." Gusto ko ng suntukin ang lalaking yun sa sinabi niya.
"Hindi naman nila gusto yung nangyayari sa kanila. Wag kang ganyan mag-isip." sabi ng babae. Buti pa ito hindi BOBO. Matuwid pa ang pag-iisip.
"Totoo naman eh. Namatay sila dahil sa kapayabaan nila at kayabangan. Namatay ang mga kaklase nila sa mismong mga kamay nil--" hindi na pinagpatuloy ang sinasabi niya ng suntukin siya ni Jericho.
"Gago ka ba?! Tangina mo. Ikaw kaya sa kalagayan namin! Sige nga. Tignan natin kung tumagal kang hayup ka. Akala mo kung sinong matapang!" galit na galit na sabi ni Jericho. Tumba siya at sinusubukang tumayo. Nung mapatanto ko si Lance pala yun! Naging kaklase namin noong simulang taon palang namin dito.
Akmang susuntukin na ni Jericho uli pero hinarangan siya ni Sarah. "Tumigil ka na." nakayukong sabi ni Sarah.
"Sarah umalis ka diyan." matigas na sabi ni Jericho. Pero hindi pa rin siya umaalis, pinagtitinginan na kami dito.
"Alis." mahinang sabi nito. Pupunta sana si Luke para pigilan ang tensyon sa tatlo.
"UMALIS KA SABI!" sigaw ni Jericho.
"IKAW ANG UMALIS! Hindi kita boyfriend kaya wag kang mag-asta bilang isa!" pabalik na sigaw ni Sarah.
"Matapos kitang iligtas sa mga nangyayari sayo?! Lagi kitang binabantayan tas ito lang isusukli mo?!" sumbat ni Jericho.
"Guys! Tama na please!" awat ni Michelle sa dalawa.
"Bakit?! Gusto ko bang iligtas mo ko?! Gusto ko pa bang mabuhay? Ayoko na talaga! Dahil totoo naman ang sinabi ni Lance diba?! Tayo ang may kasalanan! Masyado kayong nagpapaka inosente! At ikaw Jericho?! Kailan ba kita ginusto dito sa buhay ko? Dapat nga hindi mo nalang ako niligtas para hindi na ako nakakaranas ng pagdurusa! Masyado kang nagpapabulag sa akin! Wala naman akong pake sayo!" galit na galit na sabi ni Sarah.
Lahat kami nagkatinginan lang. Napayuko naman kami ng napatingin sa amin si Sarah. At tila sinisisi sa amin ang lahat. Wag siyang ganyan. Damay rin siya dito.