"I made a letter for you, kasi alam kong dito to matatapos"-sabi ni Jelyn saka tumakbo palayo, alam nya na dito to matatapos? Nararamdaman nya ang unti-unti kong pag layo? Gusto ko syang habulin, gusto kong bawiin ang mga salitang binitawan ko, mga salitang hindi ko akalain na lalabas mula sa bibig ko. Pero hindi ito ang tamang panahon.
Umuwi agad ako sa condo, tumungo sa aking silid binuksan ang ilaw umupo sa kama, kinuha sa bulsa ang sulat mula kay Jelyn at binasa nag uumpisa pa lamang akong mag basa ramdam ko na ang sakit, gustong gusto kong puntahan si Jelyn gusto ko syang yakapin ng sobrang higpit.
Babe,
Ilang weeks na din simula ng maramdaman ko ang mga pag babago mo ang pagiging cold mo sa akin, Ang hirap babe ang sakit pero kailangan kong tanggapin, Gusto kong sumuko pero ayoko, ayokong ako ang unang bumitaw sa relasyong binuo nating dalawa. Babe mahal na mahal kita higit pa sa sarili ko, ikamamatay ko na ata yung sakit na nararamdaman ko, hindi ka na ba talaga masaya sa akin? Ang hirap mag panggap at ang hirap umasa na baka sakaling maayos pa pero habang lumilipas ang mga araw nakikita at nararamdaman kong hindi ka na talaga masaya dumating sa puntong kinacancel mo na ang lahat ng mga dates natin,
"Bakit ganun bigla kang lumayo na hindi ko alam ang dahilan? Babe? May kulang ba sa akin? Nakahanap ka na ba ng much better?
Ang sakit babe ginawa ko na kasi ang lahat para maayos tayo pero wala talaga. Anu ba yung ginawa ko para lumayo yung loob mo? Lahat naman inintindi ko yung pag babago ng ugali mo nag adjust ako para walang conflict. Siniset aside ko na lahat babe yung mga pag sisinungaling mo sa akin kasi ayoko ng lumala. Puro ang pinaka masakit yun, yung mahigpit kong hawak sa mga kamay mong unti-unti na mong binibitawan.
Kaya mas pinili kong itago lahat ng sakit na nararamdaman ko mas pinili kong mag bingi-bingihan at bulag-bulagan wag ka lang mawala sa akin. Kahit level 99999999 na yung sakit babe lumalaban ako pero ang hirap pala talagang lumaban mag isa sa relasyong pilit kong binubuo ang hirap lumaban pag mag isa ka lang, pero gusto kong malaman mo na mag hihintay ako kahit gaano katagal mahal na mahal kasi kita babe lagi mong tandaan palagi lang akong andito nag hihintay sayo.-Jelyn
Tiniis ko ang lahat, ang sakit ng pag hihiwalay naming dalawa, ang sakit ng bawat operasyong ginagawa sa akin para lamang ako'y gumaling, akala ko ganun lang kadali ang lumaban sa sakit ang hirap sobrang hirap hinang hina na aking katawan, pero dahil kay Jelyn lalaban ako.
Akala ko happy ending na kame tipong mag kakaanak, mag kaka-apo, sabay tatanda mahal na mahal ko si Jelyn pero bakit ang sakit na to ang sumira ng lahat ng mga pangarap namin.
"Papakasalanan kita Jelyn, tapos mag kaka-anak tayo mga five? Or six? Or seven?"
"What? Sobrang dami naman nun Babe, two is enough!"
Naaalala ko pa ang bawat biruan namin ni Jelyn,
Jelyn babe pangako ko sayo papakasalan kita, pinapangako ko din sayo hindi dito matatapos ang pag mamahalan nating dalawa. Si Papa God ang bahala sating dalawa.
YOU ARE READING
Happy Ending
Short StoryHappy Ending Sa mga love story meron ba talagang happy Ending ? O para lang talaga sa mga fairy tales ang salitang "they live happily ever after" Happy Ending? Ending an END or FINAL, Paano magiging happy kung End na?