Les Miserables

17 1 0
                                    

                
                      JACKSON

Tamad na tamad akong tumayo mula sa kinauupuan ko. Sinarado ko na ang laptop ko dahil kinatamaran ko na rin ang pagsusulat. My readers are waiting for my update but here I am...walang kagana-gana sa buhay. How do I write if my reason for writing isn't alive anymore?

Can I just breath normally even she's not beside me?

Can I just...forget her easily?

How I wish it's just a nightmare. Isang bangungot na pilit di ako magising pero kahit anong gawin ko, nasa reality ako. She's dead...and now gone in my life. Damn it. I really miss you my girl...please come back...please tell me this is all just a fucking nightmare.

"Hey, Jackson. Nakabukas 'yong gate nyo kaya dumiretso na ko dito." Bumungad sa'kin ang kaibigan kong si Rikki. Buti pa ang isang 'to, walang pinoproblema.

"Bakit ka nagpunta dito?" Tanong ko. Kinuha niya ang remote ng tv at dali-dali itong binuksan. Hinagis niya ang isang supot sa akin at buti naman nasalo ko kaagad.

"Alam kong hindi ka na naman kakain buong araw. Binilhan kita ng lugaw at itlog. Favorite mo yan diba? Kumain ka na dyan kumag. Manonood muna ako dito."

Naiwang tulala ako sa sala, ano ba ang nakain ng isang 'to at pinagdalhan pa talaga ako ng almusal ko? Is this because he knows that I'm problematic of what happened to Sakira?

"Oh bakit ka ganyan makatingin sa akin? Naaawa lang ako sa kundisyon mo kaya pumunta ako dito. Baka isipin mong nababakla na ako sayo, e. Kainin mo na 'yan, wala kang mapapala kung magmumukmok ka lang sa pagkamatay ni Sakira." Sabi nito at nagdekwatro pa. Napangisi na lang ako.

Isang linggo na ang nakalilipas mula ng mawala ang girlfriend kong si Sakira. Oo nawawala siya pero malakas ang possibility na...na pumanaw na siya. Isang gabi 'yon na maiwang mag isa si Sakira sa bahay nila dahil may importante lakad sila Tita at Tito non, (her parents). Tapos pagkauwi nalang daw nila kinabukasan, bukas ang gate nila at pinto. Wala na rin si Sakira doon.

Nung una, hindi ako naniniwala. Dahil wala naman kaming ebidensya, e. Paano na lang kung naglayas lang pala si Sakira sa bahay nila? Tinabunan ko ng ibang dahilan ang utak ko para hindi mag alala kay Sakira. Pero...wala pa rin pala. Dahil lalabas at lalabas din ang totoo.

Nagsalaysay si Aleng Miriam noon, kapitbahay nila. Habang naglalakad daw si Aleng Miriam, nakita niya daw ang bangkay ni Sakira sa may damuhan. Duguan daw ito at parang sinaksak ng maraming beses. Sumigaw daw siya ng sumigaw ng tulong non pero since damuhan 'yon at walang masyadong mga nakatayong bahay doon, wala nakarinig sa kanya. Kinunan niya ng litrato si Sakira saka umalis para humingi ng tulong.

Pero pagbalik nila, wala na ang bangkay ni Sakira.

When I saw the picture of her with a full of blood on her dress...It's like I've been stabbed a million times. Ang sakit sakit. Ilang araw akong walang tulog, at hindi maayos ang kain. Pakiramdam ko tinakasan na ako ng katinuan at hanggang ngayon hindi pa rin ako nababalik sa sarili. Sino ba namang tao ang matutuwa sa ganitong sitwasyon diba?

God damn it.

May lumagaslas na luha sa mata ko at agad na pinahid iyon. Sana ako na lang ang nawala...She's too innocent and kind. She have a good heart that will make sure all boys get fall in love with her. At isa na ako doon.

Ilang beses kong sinisi ang Panginoon sa mga nangyari. Bakit kailangang si Sakira pa? Yes it happened for a reason, a fucking reason! Naiinis na ako sa buhay ko, sa mga paligid ko. Pakiramdam ko mag-isa na lang ako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 21, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Les MiserablesWhere stories live. Discover now