~24~
"The feels! Gala mode with Sungjae"
"Ang lamig naman dito eh!"reklamo ko.
Sana naman sinabi ni maknae na mag i-skating pala kami.Akala naman niya marunong ako.
"Hindi naman eh halika na.."aya ni Sungjae.
Buti walang nakakapansin samin kundi lagot na.
Sabagay bago pa lang naman ang BTOB kaya siguro hindi pa sila ganon kaagaw pansin.
"Maknae naman eh,hindi talaga ako marunong gusto mo bang mabangasan lang ako?"pilitin daw ba ako.
"Andito naman ako tuturuan kita halika na nga sabi.."tapos nagulat ako ng hilahin niya ako at isuot sa paa ko yung ice skating shoes.
Palpitation overload.
Bakit ba ang manly nitong si maknae ngayon? Nakakabadtrip sana bumalik na lang siya sa pagiging derp at weird.
Bumabalik na naman tuloy yung kakaibang pakiramdam ko sa kanya.Kagaya nung nangyari dati nung inaayos ko yung long sleeve niya.Jusko!
Yung time na sa kanya lang ako nakatitig habang kinakanta nila yung 'Star'.
Kinikikabutan ako sa nararamdaman ko.
Dyusme! Ganito pala ang gala na sinasabi ni maknae.Malapit na akong mag stage two.
"A-ano ba t-tumayo ka na dyan.Oo na magpapaturo na ako..tumayo ka na."Nainis naman tong feeling na ganito.
"Ayan okay na.."tapos hinila niya ako sa ice skating rink.
Napasigaw ako kasi muntik na nga akong magsungasob sa skating rink buti na lang mabilis na nahawakan ako sa balikat ni maknae.
"Ganito lang .."tapos inalalayan niya ako dahan-dahan kaming naglakad.
Mabuti na lang hindi kami nag vivideo ngayon.Kasi araw-araw nirerecord nila ang mga nangyayari sa buhay nila.Hindi pa rin kasi sila tapos dun sa diary nila.Hindi ko alam kung hanggang kelan yun.
"Ayy ang cool para lang akong nakalutang sa alapaap.."medyo naeenjoy ko na yung ginagawa namin.
Nakakagaan siya sa pakiramdam kahit pa nga nararamdaman ko na nanlalamig na yung kamay ko.Nakagwantes na ko pero nanlalamig pa rin ako.Mahina talaga ako sa lamig.
"Di ba? Sabi ko naman sayo mae-enjoy mo to.Matututo ka rin mag ice skating.."sabi ni maknae habang nakatayo sa likod ko at nakahawak pa rin sa aking balikat.
Sa mga oras na to feeling ko nakalimutan kong namomoroblema ako.Kasi ang smooth lang ng buhay dito sa skating ring. Para akong lumulutang sa alapaap.
Parang lahat chill lang malaya kang gumalaw.Ang gaan lang ng pakiramdam mo pag nag skating ka.Ulitin ko pa ulit para super unli,magaan.Magaan at mas magaan.HAHAHA.
Makikita mo yung mga mukha ng ibang tao na nag i-skating,you can see happiness in their eyes.
"Bakit ice skating ang favorite mong hobby maknae?"
"Kasi nung bata ako lagi akong dinadala dito ni daddy sabi niya kailangan daw matuto rin akong magskating kagaya niya..feeling ko nun wala lang to.Tsaka bata pa lang ako that time,pinilit ko lang matuto kasi gusto kong magmayabang sa mga classmate ko na magaling ako.Gusto kong hangaan nila ako kasi kahit bata pa lang ako marunong na ako agad magskate..pero habang natututo ako nagkaroon na rin ng connection sa puso ko yung mga ginagawa ko."paliwanag ni maknae.
"What do you mean connection?"awtomatikong napaenglish ako.
"Connection to my emotions I guess,whenever I'm here I feel free.Eventhough it's one of the coldest spot in Seoul,it gives me a warmth feeling.My happiness inside is overflowing.All my thoughts fade away whenever I'm here.I guess every person had their own secret comforting place.And for me this is my comforting place that's why I brought you here.I wanna share my secret comforting place and I hope you will be comforted here."