UNREQUITED LOVE

57 2 0
                                    

Nakangiting pinanonood ko ang paglalaro ni Clyde ng basketball. Namumuo ang butil ng pawis sa kanyang noo, pero mas nakadagdag pa 'yon ng appeal nya para sa akin. I will never get tired watching him. If I could only watch him sleep in my lap forever, I would. Pero ni-isang tingin nga sa akin ay hindi nya magawa. Minsan na nga akong naglagay ng letter sa locker nya pero natabunan lang 'yon ng napakarami pang leters. Nagulat na nga lang ako nang makita kong nasa basurahan yung pinaghirapan kong letter. Hindi ko alam kung may galit sya sa akin o ano, pero gustong-gusto ko pa rin sya. Malakas kasi ang dating sa akin ng mga lalaking mysterious, masungit, at tahimik.

"Go, Clyde! Go, Clyde! Waaaa!" Sigaw ko. Napatingin sya sa akin ng saglit, pero agad din nya iyong inalis. As usual, snob sya. I don't think na binigyan nya ako ng pansin kahit isang beses. Pero masaya na akong nakikita sya.

Masaya na akong kahit sa malayo, nasusulyapan ko sya.

"Oy, Charity! Kanina pa kita kinakausap? Ano na naman bang iniisip mo?" Asik ng bestfriend ko slash cousin ko. Si Keil.
"W-wala lang. Halika na nga." Aya ko nang makitang wala na palang mga tao sa gym. Sa sobrang kaiisip ko sa kanya, I forgot na matatapos na nga pala ang laro. "Sus! Kilala na kita! Si Clyde na naman 'yan no?"

Inirapan ko lang s'ya at nag-diretso ng lumakad papuntang locker room. Alam nya kasi ang sobrang paghanga ko kay Clyde. At sya lang ang napagsabihan ko no'n pero parang may balak pa s'yang ipaalam sa buong mundo dahil sa lakas ng boses n'ya. Narinig ko pa syang bumubulong-bulong pero di ko na lang pinansin 'yon. Kinuha ko na lang ang dapat kong kunin sa aking locker at lumabas na.

"Charity, kain muna tayo?" Sabi ni Keil. Umiling na lang ako at naglakad papuntang classroom. Hindi naman sya nagalit dahil nakita nya si Jan na dumaan. Siguro'y sasabay na lang 'yon.

Pagdating ko ng room, nagsisi ako na hindi pa ako sumama kay Keil. Nadatnan ko lang naman si Clyde sa classroom na nag-iisa at nakatulala. Parang may hinihintay.

"H-hi, Clyde!" Sinikap kong pasiglahin ang tono ng boses ko. Lagi talaga akong nauutal kapag nandyan na sya. Matapos ko syang batiin ay umupo na ako. As usual, hindi nya na naman ako pinansin. Kaya naisipan ko na lang na kuhanin yung libro ko sa Science at mag-advance reading.

Makalipas ang kulang limang minuto ay narinig ko syang tumikhim bago nagsalita.

"You know me? Well, I don't know you." Para naman akong nabuhusan ng malamig na tubig nang marinig ko syang nagsalita. He's so cold. "Y-yeah, I know you since first year high school."

Fourth year na kami ngayon at malapit nang mag-hiwa-hiwalay. And yes, kulang four years ko na rin syang hinahangaan.

"I know you like me." Pabara-barang sabi nya. Nanlalaki naman ang mga mata kong nakatingin sa kanya. Pero sya, mataman lamang na nakatingin sa blackboard. Parang wala lang sa kanya yung sinabi nya pero ako halos mahimatay na.

Susubukan ko pa lang sana na magsalita pero naunahan na nya ako.

"I want you to stop that feeling of yours, because you will just get hurt in the end." Para naman akong sinaksak sa narinig ko.  Hindi ko inaasahan na ang unang beses naming pag-uusap ay masasaktan pa ako. Pinigilan ko ang aking luha na nagbabadyang lumandas sa aking mga pisngi. Laking pasalamat ko na wala pa ang mga kaklase namin. "Pero C-clyde---" Hindi pa ako natatapos nang putulin na naman niya ang sasabihin ko.

"Don't call me by my second  name. We're not even close." Mayabang na sabi nya. Naalala kong second name nya nga pala ang tawag ko sa kanya. His real name is James Clyde Vargas. And some of our classmates call him James. He's right, we're not even close. I'm just a total stranger to him.

"I want to tell you that I have a girlfriend. So please, stop yourself from falling for me. You know very well, na hindi ko masusuklian 'yon." And with that, he left me. He left me with an aching heart. Hindi ko na hinayaan na bumuhos pa ang mga luha ko. Lumabas ako ng classroom at dumiretso sa comfort room. How can he break a woman's heart just like that?

Unrequited Love [One-Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon