Sungjae 27

147 5 0
                                    

~27~

Maknae's Pov "That Nerd Girl"

Nakakainis.

Nababadtrip na naman ako.

Nung una hindi ko maimagine yung kilig ko nung narinig ko yung boses niya na ginigising ako.

Hindi ko naman sinadya na masubsob siya sa dibdib ko.Mag mumulat na rin naman kasi talaga dapat ako ninamnam ko lang sandali yung boses niya.Ang sarap lang sa pakiramdam na inamoy niya yung leeg ko kanina.Ramdam na ramdam ko na sininghot niya talaga eh,kaya naman nung tatayo na dapat ito ay niyakap ko na lang din bigla.

Ayoko ng magmulat,gusto kong tawagin si Do Min Joon at ipahinto ang oras sa moment na yun.Kung pwede lang na yakapin ko siya ng matagal.Hindi ko pa nga mapinpoint yung tawag sa nararamdaman ko ng bigla niyang kagatin yung tenga ko.Actually masakit talaga siya kaya napasigaw ako pero nung pagkalabas niya ng kwarto tawa ako ng tawa habang pinapadyak yung paa ko.Natatawa ako kasi kinilig ako sa ginawa niyang pagkagat sa tenga ko.

Brrr! 

Excited ako kasi ang ganda ng nangyayari sa araw ko lately kaya ganado akong lumabas ng room para lang maabutan ang eksena nila ni Ilhoon hyung na pinupunasan niya ang mukha nito kasabay ang mga malalambing na salita at papuri.

Bigla na lang kumulo ang dugo ko kung gaano ako kinilig ganon din kadami ang inis ko.Nainis.

Nawala na tuloy ako sa mood hanggang sa magpractice kami at magrequest si hyung Changsub na kumanta siya.

Hindi ko naman naiimagine na kakanta nga siya at mas hindi ko kianya nung narinig ko yung boses niya..

Long Flashback

"Akala ko ba dito tayo sa Cebu mag i-stay dad?"tanong ko kay daddy.Lumuwas kami dito sa Philippines para sa pag-aaral ko mas maganda daw ang turo ng english dito at mapapabilis ang pagkatuto ko.Kailangang-kailangan ko mag excel sa english kasi ako ang mag mamanage ng company namin sa Seoul.

Bitubi, Sa Puso ni Sungjae (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon