ANG BOYFRIEND KONG ARTISTA.
[C] Ellaine Larena aka Ella/ella.ella.ella/modernongmariaclara
All Rights Reserved. 2010-2011. None of this should be redistributed without my consent. Plagiarism is for losers.
----------------------------------------
Tanga daw ako. Nagpaloko daw kasi ako sa !@#$ kong EX. Tapos trinaydor pa ako ng isa sa bestfriend ko. Hindi ko man lang daw nahalata.
Tanga daw ako. Kinamuhian ko ang isang lalaking, hindi ko naman kilala. Nagpahalik pa ako sa kanya.
Okay. Anong point ko? Tanga na nga ako. Uto-uto pa.
TAPOS, MALAMAN-LAMAN KO. Magkakaroon ako ng Boyfriend na isang Artista?
Naguguluhan ka na ba? EDI BASAHIN MO.
PS: Sana lang hindi mabasa ni Bryan Lim 'to. Baka mamaya, pahirapan niya ako. Lagot na.
1.
Eya's POV
Alam niyo ba yung salitang, "Tadhana?" Natural alam niyo yun e halos lahat ng love stories nagaganap dahil sa Tadhana. Kumbaga, talagang si Kupido na ang gumawa ng paraan para magtagpo ang landas niyo. Pero, hindi naman lahat ng tinadhana e magkakatuluyan. Tignan mo ako. Sabi nila, tinadhana daw kami.
Pero bakit ganun, Iniwan niya pa rin ako? Iniwan pa rin ako ng gag*ng Roderick na yun. Pinagpalit ako sa kaaway ko. Saklap noh? Naalala ko tuloy nung nakaraang linggo, Tinext ako ni Roderick na magkita daw kami sa Starbucks malapit samin. Alam niyo bang 6 months na kami nung araw na yun? So yun, nag-ayos pa talaga ako nun. Dala ko pa yung regalo ko sa kanya which is yung gusto niyang cap. Nung papunta na ko dun, alam niyo kung anong nadatnan ko? Si Erick at si Allison. Magkaholding-hands. Hindi ko kaya alam yung gagawin ko nung time na yun. Nabitawan ko yung regalo ko sa kanya pati rin yung cellphone ko. Syempre na-shock ako e. Sino bang hindi? Nakita nila ako at binitawan nila yung kamay nila. Ano kayang feeling kung, Malaman mong mas malandi pa sayo yung boyfriend mo? Ayokong umiyak. Ayokong ipakita sa kanyang naapektuhan ako. Gusto ko siyang sigawan, awayin, paluin. Pero mapride akong tao e. Kaya nilakasan ko ang loob ko at sinabi sa kanya, "Uy, Ano 'to? HAHA. Joke ba 'to? Tatawa na ba ako?" Medyo mang-iyak-iyak nako nun, pero alam niyo ba nakatungo lang siya. Hindi ako pinapansin. Sakit sa ego. Sakit sa puso. Para matapos na 'to, Sinabi ko,"Anong palabas 'to? Kayo na ba? Kung kayo na, Congrats. Naghanap ka na ng pamalit ko. Mas maganda at sexy. Enjoy mo yan. Ay, Oo nga pala. BREAK NA TAYO. Sige, aalis nako. May gagawin pa ako e. Bye." Tumakbo ako nun papalabas ng Starbucks. Narinig ko ngang sinisigaw ni Erick yung pangalan ko e. Pero hindi ako lumingon. Kasi, pag lumingon ako. Talo ako. Alam niyo, hindi naman kasi ako maganda. Simple lang, may itsura. Si Erick. Gwapo, Sobrang sikat sa Campus. Varsity pa. Kaya nga nagulat ako nang niligawan niya ko e. Akala ko, bet lang. Pero sabi niya sineryoso niya daw ako. Siya kaya yung unang minahal ko. Actually, Siya first/s ko. First boyfriend, first kiss, first love. Pero ano yung kanina? Hindi man lang siya nag-explain? Hindi ko alam kung saan ako napadpad. Nalaman kong pabalik na ako sa may street namin nung nakita ko yung abandoned house malapit samin. Pero nagulat ako nang may narinig akong tumutugtog sa may house na yun. OH MY GOD. Kinilabutan akooooooo. O.O Pero, ang nakapagtataka, nakakatama sa puso yung tugtog. Alam niyo yun, kahit melody lang. Nakakawarm ng puso. Hindi ko napigilan, pumasok ako ng bahay (bukas yung gate) at sinundan kung saan man nanggaling yung tunog na yun. Andito na ko sa labas ng bahay, Palapit na palapit na ko ng biglang tumigil yung tugtog. Okay, That's weird. BAKA NGA MULTO! Mommy! Dahan-dahan na kong bumaba ng stairs ng bahay ng biglang may humila sakin. "AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA! WAG NIYO PO AKONG PATAYIN! HUHUHU!" Sigaw na ko ng sigaw, di ko makita yung mukha nung tao kasi hawak bibig ko e. Ouch.