Five

71 2 0
                                    

Double Kill.

Nabalewala lang ang pagmamagic ko ng oras. Nabalewala na ang pagiging early bird ko sa school. Nabalewala ang effortless kong pagtuntong sa aking teritoryo at ang haggardless na pagswipe ng ID ko sa gate ng university. At higit sa lahat, nawalan ng saysay ang paglapat ng aking buong katawan sa ground floor ng Arts Building.

Nawawala ang plate ko. Ang plate na pinagpuyatan kong gawin. Ang plate na babaligtad sana ng mundo ko. Ang plate na hahatak sa lahat ng mababang grado ko sa Visual Arts. Ang plate na ginanahan ulit akong pintahan mula nang maghiwalay kami ni Em. Wala na akong mukhang ihaharap sa prof ko, kung hindi basta basta ang gawa ko, eh wala talaga ako maipasang kahit na ano. At ngayon wala na naman akong maipapasa. Gusto kong lumubog sa lupa ngayon rin, o kaya nama'y mag-absent na lang. Malas.

May oras pa ako mamaya. Ang sabi sa amin ng prof namin, ipapasa ang plate bago matapos ang klase. Ginawa ko na 'yun sa apartment para nga rin hindi na sana ako gagawa sa classroom. Ngayon kailangan ko na naman magcram para sa isang buong klase kung saan ayokong nangangarag ako dahil paniguradong panis ang magiging output ko. Matabang, walang lasa kumbaga. Kulang sa kulay at buhay. Ginawa nang walang gana, ipinagpatinuloy nang walang inspirasyon, at tinapos nang may maliit na pag-asa. Masabi lang may maipasa sa oras at hindi zero ang marka.

Naupo akong nanlulumo at nawawalan na ng ningning ang mga mata gawa ng panahong nasayang. Panahong ipinuyat ko upang matapos ang itinuturing 'kong obra. Pagod sa pakikipaglaban sa antok. At higit sa lahat, ang inspirasyong pinagkuhanan ko nang ideya ko sa nasabing guhitin.

Nabalabag ang pintuan ng bigla itong bumukas sabay pasok ni Ma'am Perfecta, ang Visual Arts professor ko. Bagay na bagay talaga sa kanya ang last name niya. No wonder kaya takot lahat kaming estudyante sa kanya. Gusto kong magteleport para mawala sa class room na iyon. O kaya nama'y maging bula na puputukin ng mga nanggigigil na bata para tuluyan ng maglaho sa kawalan. Gusto kong ilaglag ang sarili ko sa bintana makatakas lang sa prof na hindi maintindihan. Tulad ng pagbagsak na nangyari sandamukal na plates na hawak ni Ma'am. Tulad ng papalapit na pagbagsak ko sa subject na ito kapag hindi ko pa umpisahang bumawi ngayon. Kung hindi lang sana nawala ang plate ko, hindi sana ako naparanoid ng ganito. Kung hindi sana ako nanaginip ng gising, hindi sana ako nadapa. Hindi sana nagsambulat ang mga gamit ko kanina at sana nasa akin pa rin ang susi sa pagpasa ko. Nakaipit lang naman yun sa sketch pad ko, eh. Hindi ko na al...

Hernan! Napaigtad ako sa excitement at medyo nabuhayan ng pag-asa. Isip, Nics. Isipin mong mabuti. Naglalakad ka kanina at nadapa sa hallway ng Arts Building. Sinagip at tinawanan ka ni Hernan, so possible na nahulog 'yun habang tinutulungan ka niyang pulutin ang mga gamit mo. Posible ring nasa kanya ang plate na hinahanap mo. Posibleng sa kanya mo masisilip ang natitirang sinag ng pag-asang kinakaabangan mo.

Madali 'kong inilabas ang aking telepono at agad na tinext ang bestfriend 'kong kanina lang ay tinatawanan ang pagbulagta ko sa daan.

Sent: 7:47 AM.  Hey Chum, nakita mo ba 'yung plate 'ko na may drawing ng lalaki? Nakaipit lang 'yun sa sketch pad 'ko bago ako pumasok kaya lang ngayon wala na siya dito ngayon :( Baka lang nahulog siya at some point nung nadulas ako kanina sa hallway? Txtbk asap. Tnx.

Two minutes. Wala pa ring reply si Herns. Three minutes. Ano ba naman 'yan Herns. Kung kailan ko kailangan ang immediate response mo wala naman ata ang atensyon mo sa phone mo. Four minutes. Wala pa rin. Please, herns. Literal na pinagpilipit 'ko ang mga daliri ko. Fingers crossed na talaga ako at bahala  na si batman. Sana nasa kanya. Five minutes. Hinigpitan ko pa ang pagkakapilipit ng aking mga daliri baka sakaling may improvement na mangyari. Parang mamamaga na ang mga daliri ko sa kamay pero wala pa rin akong natatanggap na text message mula sa bestfriend ko.

HoroscopeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon