Restless.
Yan yung nararamdaman ko ngayon. For two months, naka confine lang ako sa bahay. Walang nakakausap na taga labas. Bantay ng tindahan. At walang hanggang wattpad apang nag sisilbing aliw sa inaraw araw kong buhay.
Tamad ako. Actually majority ng araw ko is nakaupo lang at nagbabasa. Kung hindi nag babasa nag gagames.
Ayoko kasi nung may gagawin ako tas mabibitin dahil may bibili. Kaya ang nangyayari eh mag hapon akong nakaupo.
Hindi ako nag huhugas ng pinggan. Hindi ako nag luluto. Paminsan minsan nag aayos ako ng bahay. Pero hindi ako nag wawalis.
Ang lagi kong kaharap eh tablet kung hindi tablet, yung dalawang cellphone. Blackberry and Samsung. Samsung din yung tab.
Nanggaling lahat yan kay ate. Hehe ate kong mahal. Sabi ko nga sa kanya, bakit ganun puro second hand napupunta sakin? Tinawanan lang ako xD tas sabi nya ganun talaga.
Sarap sakalin eh. Syempre joke lang 😊
Wow, humupa sakit ng ulo ko matapos ko tong maitype. Hehe naks, kung pwede ko lang to gawin palagi. Wala kasi talaga akong nakakausap. LITERAL. So lahat ng gusto kong ilabas nasa isip ko lang lahat.
YOU ARE READING
Nonsense thoughts.
Non-FictionDont read this. Just like what the title says "nonsense". Just a string of thoughts I need to wrote down.