Lian P.O.V
Ang bilis ng mga pangyayari nung nakaraang araw, di ko na nga malaman ang gagawin ko nun kaya siguro na pa oo na lang ako sa alok ni Ciel. Nakakainis talaga yung lalaki na yun kahit kailan, sukat akalain ba naman na pati yung mga kaklase namin at si Ji my loves ay gawing ka kuntyaba nya sa plano nyang yun. Hindi ko na tuloy alam ang gagawin ko, gusto ko kasi talaga na si Ji ang maging ka date ko at hindi si Ciel kaso nga lang, as I was saying napilitan akong pumayag sa alok nya na maging ka date ko sya sa prom.
"Ano ba kasing problema mo Lian, pumunta ka lng ba dito para matulala," sabi ni Vivian.
"Eh kasi naman Vivian, hindi ko alam ang gagawin ko sa prom tyaka naiilang ako kay Ciel," sabi ko na nagmamaktol sa kanya. Nakita ko namang nag roll eyes sya.
"Alam mo Lian, para kang tanga dyan. Kung naiilang ka pala kay Ciel, bakit pumayag ka pa na maging date nya sa prom," sabi nya.
"Hindi ko rin naman talaga ginustong pumayag eh, na shock lang ako kaya napapayag nya ako tyaka isa pa ayoko din na mapahiya sya ng dahil sa akin, ang dami kayang tao doon at puro school mates pa natin," sabi ko.
"Hay naku, ang sabihin mo ay gusto mo rin syang makadate kaya ka pumayag tyaka isa pa ang swerte mo nga at nag effort si C.c sa ganung bagay para lang sayo, oh diba ang bongga lang. Ang haba kasi ng hair mo na sa sobrang haba ay naaapakan ko na," sabi nya.
"Che! Hindi ko kaya gustong ka date si Cial kasi si Ji talaga ang gusto kong makadate ko sa prom," sabi ko. Nag cross arm sya at magkasalubong ang dalawang kilay.
"Ang choosy mo masyado. Kung ayaw mo talaga na C.c ang makadate mo, edi sabihin mo na lang sa kanya para tapos na kasi alam mo sa totoo lang nakakapikon ka na," sabi nya at mahahalata mong naiinis na nga sya.
"Sorry na, hay sige na hindi na po ako magdadrama," sabi ko. Ayoko din naman kasing mag away pa kami ni Vivian ng dahil lang sa bagay na yun.
"Accepted! Wag ka na kasing magreklamo dahil atlis ikaw may ka date samantalang ako wala," sabi nya.
"Oo na po, hindi na po ako magcocomplain," sabi ko. Ah nga pala nandito kami ngayon ni Vivian sa bahay nila kasi nga pinuntahan ko pa sya para sabihin ang mga hinanakit ko sa buhay tungkol sa prom.
"By the way, may susootin ka na ba sa prom?" tanong nya.
"Yun nga ang isa pa sa problema ko, wala pa akong naiisip kung anong susootin sa prom. Mag aarkela na lang siguro ako kesa bumili," sabi ko. Hinampas nya ako sa braso.
"Aray ko naman, ang sakit ng hampas mo ah," sabi ko.
"Bumili ka na lang kesa mag arkela, isa pa minsan lang ang prom sa buhay ng isang tao nho," sabi nya.
"Kaya nga, minsan lang so sayang naman kung bibili pa ako eh duon ko lang naman gagamitin yun," sabi ko.
"Ang ewan mo, basta ako na lang ang bahala sa damit mo para hindi ka na mamrublema at wag na wag kang tatangi," sabi nya.
"Sige na nga, mm! Nga pala Vivian, bakit C.c ang tawag mo kay Ciel at paano mo sya nakilala?" sabi ko.
"Mm, si C.c? Well mag bestfriend kasi kami simula elementary, kababata ko sya at sya ang lagi kong kasama noon," sabi nya. Kung ganoon matagal na pala silang magkakilala.
"Kung mag bestfriend kayo, bakit hindi ka sa kanya sumasama?" sabi ko.
"Kasi ayoko ng chismis, baka kasi pag lagi kong kasama si C.c ay pag usapan lang kami at isa pa baka wala ding lumapit na boylet sa akin kasi aakalain nilang kami ni C.c pagnagkataon, edi sayang ang beauty ko nyan," sabi nya.
BINABASA MO ANG
the more you hate, the more you love
Teen FictionRejection ang pinaka masakit na pwede mong matanggap sa taong gustong gusto mo at yan ang naramdaman ni Lian nung panahong mahal na nya si Ciel pero kahit anong pilit nyang pag layo dito ay lagi pa rin nya itong nakikita at nakikita pa nyang isa ito...