Chapter 2 - Give up?

46 0 0
                                    

Hayyyy ... sermon nanaman. Nagbubunganga nanaman si mama while we're eating our breakfast.

Tinapos ko na agad yung breakfast ko para makatakas na sa maingay na bibig ni mama, don't get me wrong, Im a goody good girl but her mouth never stop.

"Osige na po ma, aalis na po kami at malalate nanaman kami." madali kong sinabi

"So ako pa may kasalanan?" taas kilay na tanong ni mama.

I kiss her cheeks "Wala po kong sinabi."

"Oh ingatan mo kapatid mo. Pag tumawid kayo wag masyadong nagmamadali." paalala ni mama.

"Ok po ma. Bye" paalam ko

"Bye ma." paalam ni Carlo.

Mahaba haba ang pila pasakay ng jeep, we only have 20 minutes left, traffic pa naman din lagi dito sa Gen. T de Leon. Sa Sta. Cecilia College kami nagaaral and then next school year our parents are planning na ilipat na kami ng school malapit lang sa bahay para hindi laging rush.

"Ate dalawang studyante po." sabi ko sabay bigay ko ng bayad.

"Oh maluwag pa dito sa kanan! Tatlo pa oh! Paalis na!!" sigaw ni kuya tabangers.

Nakasakay na kami ng jeep at thank God umandar din agad.

"Ate nakita mo yung budega sa harap ng bahay nila Joy?" tanong ni Carlo

"Bakit? anong meron dun ?" tanong ko habang nakatingin sa labas ng bintana ng jeep.

"Ginagawang basketball court." pagmamalaking sagot ni Carlo

"So? pakialam ko dun ? hindi naman ako marunong magbasketball." mataray na sagot ko

"Yup. Pero si Ram marunong." nakangiting sabi ni Carlo

Bigla akong nabuhayan sa sinabi niya pero ayokong ipahalata na I still have feelings for him. Baka asarin pa niya ko e. "Oh ? pagkalat mo."

"Uy kunyare pa siya."

"Eeww may bago na kaya akong crush." hindi pwedeng malaman niya baka pag nagbasketball si Ram at sumaktong andun ako, patay na.

"Sino??" he challenge me.

"What made you think na sasabihin ko sayo??" taas kilay kong tinanong. Pero sa loob loob ko, siya! Siya padin. And always ko na siyang makikita kaya I know na mas lalalim pa itong nararamdaman ko.

"Hmp."

Nakarating na kami ng school. OMG, 2 minutes na lang papuntang room. Crap! nagmadali akong naglakad ng nakayuko papuntang room. Sakto ang bell sa pagdating ko. Success!!

"LATE ka nanaman, last day na nga e" bulong ng bestfriend kong si Cloie.

"Hindi kaya. Sakto lang." pagmamalaki kong sagot.

"Late kaya. Lagi nalang ganyan, 'di na tuloy tayo nagkaka time magkwentuhan before class." tampo ni Cloie

"Dude, we still have recess time and lunch time" punto ko.

"You know me naman e." boses bata nyang sinabi.

Yes, that is Cloie Lumbang, my bestfriend since  4th grade, I met her nung new student pa lang ako here. Kulang ang isang araw para maikwento niya lahat ng gusto niyang ikwento about who knows what. Kung hindi manliligaw, about her crush naman or about her gorgeous walk in closet na punong puno na nang damit pero kulang padin... DAW! Don't ask me how because hindi ko din alam kung paano siya hindi nauubusan ng ikwekwento. Her life is full of story. Sa text ? hindi na uso sakin yun kasi nauubos lang pera ko sa load.Chat ? Nakakatamad mag type. So anong pinagkakaabalahan ko? Movies .. I love watching love story movies, kasi hanggang dito lang ang love story ko. So pag nasa school lang talaga kami nakakapagusap.

After ng 1st subject namin, na puro clearance lang naman ginawa at pagdradrama ni ma'am Josie, nag ingayan na agad. Sigawan dito, kwentuhan dyan, mga nagyayayaan sa CR and canteen, yayaan sa galaan since bakasyon na, etc.

"So! Nakita mo ba si Ram this morning?" excited na tanong niya.

"Nope!" pouting my lips

"Awww. Maybe you should give up?"

"What do you mean?"

"E kasi di ka naman niya napapansin, ni hindi ka nga niya kilala eh"

"Kilala ako nun"

"Sure ka?"

"Well.. kilala ko ng kuya niya."

Natawa na lang siya sa sagot ko. "Bakasyon na! Saya!" sigaw niya.

"Andyan na si ma'am." sigaw nang isa kong kaklase na nagbabantay palagi sa pintuan. Nagsi upuan na lahat at pumasok na din si ma'am.

"GoodMorning class, tapos nyo na ba clearance nyo?" tanong ni ma'am Alice.

Hayyy... Clearance, buti nalang natapos na kita agad.

First Love Never DiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon