I Heart You, Dude.

49 1 1
                                    

Chapter One

"O, pa'no kita-kits na lang mamaya sa dating tambayan, ha? 'Wag na 'wag kayong mawawala lalo ka na Ryonah, masasapak kita!" natawa ang 16-year-old senior high school student na si Ryonah Castandielo sa sinabi ng kabarkada niyang tibo na si Andrea Sandoval o Andy kung tawagin nila ng mga kabarkada niya. Birthday kasi nito kaya nagyayaya. May party mamayang gabi sa mansion ng mga Sandoval.

"Oo naman, hinding-hindi ako mawawala. Ako pa? Count me in." ani Breanna at nagpaalam na. Nag-apir pa sila ng mga kaibigan. Alas-cinco na rin kasi ng hapon kaya nagsisiuwian na ang mga estudyante. Tatalikod na sana siya nang muling magsalita si Andy. "Aba dapat lang Ree," wika ni Andy na tinawag pa siya sa palayaw niya, "kung ayaw mong ma-OP bukas sa magiging usapan ng barkada bukas. Saka isa pa, maraming chicks na pupunta do'n." napangisi na lang ang dalagita sa pahabol nito.

"Ulol!" pagkasabi niya nun ay nagkatawanan pa sila saka gumayak na rin para umuwi. Naglalakad na siya palabas sa campus nila nang may marinig siyang tumawag sa pangalan niya.

"Ryonah!"

Napalingon siya at sumalubong sa kanya ang simpatikong ngiti ni Daniel, bestfriend at kababata niya. Pawis na pawis at hingal na hingal ito.

"O, ba't para kang sumali sa marathon diyan sa itsura mo? Sa'n ka galing?" amused na tanong niya sa kaibigan niya. Sasagot pa lang sana ito sa kanya pero hindi na niya iyon naituloy dahil bigla na lang siya nitong hinila patakbo.

"H-hoy Reyes sa'n tayo pupunta?! Saka bitawan mo nga ako!" halos madapa na si Ryonah dahil sa panghihila sa kanya ni Daniel. Mabuti na lang at naka-rubber shoes siya dahil part iyon ng PE uniform ng Xavier Academy kundi'y siguradong magkakapaltos siya dahil sa katatakbo. Lumingon siya sa likod upang tingnan kung ano ba ang tinatakbuhan ng damuho niyang kaibigan at napamulagat na lang siya dahil hindi ano, kundi sinu-sinong mga babae ang mga humahabol sa kanila. 'Ay mali, 'tong gagong 'to lang pala ang hinahabol nila dahil nadamay lang ako!' naisip ni Ryonah. Playboy numero uno kasi ng Xavier Academy si Daniel. 'Di na mabilang ang mga babaeng nakarelasyon nito. Maraming babae, pati mga bakla ang naghahabol sa kaibigan niya pero 'di niya inaasahang ganito sila karami! Ang tantiya niya'y nasa 20 yatang mga babae ang humahabol sa kanila.

"Don't tell me, girlfriend mo lahat 'yong mga 'yon?!" gulat na gulat na tanong ni Ryonah kay Daniel habang patuloy pa rin sila sa pagtakbo.

"Wala nang maraming tanong Ree, for God's sake! Basta tumakbo na lang tayo!" asar na singhal nito sa kanya. 'Aba ikaw pa ngayon ang may ganang magalit eh ikaw nga 'tong humila sa 'kin! Sapakin kaya kita?!' she wanted to say those words pero sinarili niya na lang iyon. Tumakbo lang sila nang tumakbo, kung saan na sila nagpasikut-sikot. Marami na rin silang nakabangga pero di sila tumigil. Malapit na sila sa parking lot ng academy ng huminto na sa panghahabol 'yong mga babae. They headed to the place where Daniel's car was parked.

"G-grabe," hinihingal pa rin si Ryonah. Kulang na lang ay ilabas niya ang dila niya na parang aso dahil sa sobrang kapaguran, "sino ba 'yong mga 'yon?! Tsaka ikaw, may balak ka bang patayin ako ha, Daniel?!"

"Ex ko 'yong mga 'yon," Daniel said,"tsaka 'wag ka ngang OA, isipin mo na lang na sumali tayo sa 'The Amazing Race'." pangisi-ngisi pa ang binatilyo habang hinihingal pa rin dala ng pagtakbo nila ni Ryonah.

'Blah blah blah!' Ryonah thought, secretly making faces.

"Tara na nga, ihahatid na kita sa inyo." anyaya ni Daniel kay Ree.

"Dapat lang 'no! Pinagod mo kaya ako!" Ree said at nauna nang sumakay sa loob ng kotse. Napangiti't napailing na lang si Daniel at sumakay na rin.

***

"O, ba't ganyan ang mga itsura ninyo? Mukha kayong sumali sa karera!" magkahalong shock at amusement ang nasa expression ng mukha ni Mrs. Castandielo nang makita nito sila Daniel at ang anak niyang si Ryonah. Gulung-gulo kasi ang buhok nilang dalawa na animo'y parang dinaanan ng bagyo. Kapwa rin sila mukhang pagod na pagod.

"Hay naku, mahabang kwento ma." Nayayamot na wika ni Ree sabay punta sa kwarto nito sa taas para magpalit ng damit. Pagkababa niya'y agad siyang tinukso ni Daniel.

"Ano ba 'yang suot mo, Ree? Mukha kang ewan. Ang haba ng jersey mo, hanggang tuhod. Wala kang K magpaka-tomboy! Hahaha!" tawa ito nang tawa, pati mama niya natawa rin.

"Ah, ganun pala! Hetong sa'yo!" naaasar na sabi ni Ryonah at isinubsob ang mukha ng bestfriend sa spaghetti na nilalantakan nito. "Ano ka ngayon? Hahaha!"

"Ree! Humanda ka sa 'kin!" At bago pa maisipang tumayo ni Daniel at bumawi ay tumakbo na agad sa taas si Ryonah habang wala pa rin itong tigil sa paghagalpak ng tawa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 24, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Heart You, Dude.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon