Reign POV
"Ma'am may nagdeliver flowers para sa inyo." Sabi ng isa sa staff ko dito sa resto.
"Thank you." Sabi ko dito sabay kuha ng flowers. Napangiti na lang din tuloy ako.
Kasalukuyan akong nasa opisina ngayon. Maaga pa naman kaya alam kong hindi pa pupunta si AJ dito. Oo tama. Si AJ nga. After kasi ng vacation namin sa Palawan lagi na syang nadalaw sa akin dito tuwing hapon. At tong bulalak ay alam kong siya din ang nagpadala nito. Tuwing umaga kasi nagpapadala sya ng bulalak. Hindi naman ako manhid para hindi malaman kung ano ang gusto nyang iparating pero ayoko pa din mag assume.
Kring... kring... kring...
Itinabi ko muna yung hawak kong bulalak saka kinuha yung phone ko. Napangiti na lang ako ng makita kung sino yung natawag.
"Hello." Sabi ko dito.
"Hello miss beautiful." Napangiti ako sa sinabi nya. Ganyan ang laging bungad nya sa akin sa tawag ngayon.
"Bolera ka talaga." Biro ko na lang dito.
"I'm not joking. Ehh."
"Oo na." Sabi ko na lang habang natatawa. Knowing her, hindi yan titigil. Igigiit nyang maganda ako, oh well tama naman sya don. Haha.
"Napilitan. Hehe. Anyway, kumain ka na ba?" Sabi nya.
"Yup. Ikaw?"
"Tapos na din."
"Good." Yan na lang nasabi ko sa kanya, wala kasi akong maisip na ibang sasabihin eh.
"May gagawin ka ba mamaya?"
"Uhmm. Wala naman."
"Good. Dinner tayo mamaya ah? Sunduin kita ulit dyan."
"Sige."
"Ok. I have to go. Later na lang."
"Ok. Ingat ka." Sabi ko saka nya binaba yung tawag.
Napangiti na lang ako pagkababa ko ng phone ko. Every morning kasi nya yan ginagawa.
Pagdating ng hapon nagpunta nga sya dito para sunduin ako. Nagpunta kami sa isang class na resto.
Nagkwentuhan lang kami ng kung ano ano. Makulit talaga siya hindi nakakaboring kasama.
Habang kumakain kami ay may lumapit na isang babae kaya napatingin kami dito. Itsura pa lang nya halata ng may pagkabitch ito.
"Hi babe! How are you? Tagal nating hindi nagkita ah." Sabi nya kay AJ habang hinahawakan pa ito sa balikat at halata mong nang aakit. Napataas tuloy ang kilay ko dito.
Inalis ni AJ ang kamay nito bago nagsalita. "I don't know who you are. So please stop disturbing us!" Sabi nya in a cold voice. Nag iba na yung mood nya ngayon. Halata sa kanya ang inis.
"Nakalimutan na ako agad? Parang kelan lang tayo magkasamang nagpainit ah.?" Sabi nito. Parang may kumirot sa puso ko ng marinig iyon. Maybe isa sya sa mga kafling ni AJ.
"Hindi ko alam yang mga pinagsasabi mo. Please lang umalis ka na bago pa ko makapagsalita ng hindi maganda." Mahina pero maawtoridad na sabi nito.
Mukhang tinablan naman yung babae at walang sabi sabing umalis na ito.
"I'm sorry about that Reign." Sabi ni AJ sa akin.
"It's ok." Sabi ko na lang. Kahit alam kong deep inside hindi.
Hindi na sya kumibo at nagpatuloy na lang sa pagkain.
BINABASA MO ANG
I Will Never Give Up on You (Girl X Girl) - 'Completed'
RomancePaano kung natagpuan mo na ang taong magbibigay muli ng kulay sa buhay mo? Magagawa mo bang sumugal muli sa pag-ibig? Hanggang saan ang kaya mong ibigay para sa taong mahal mo? Paano kung sa isang iglap ay mawala ang taong nagpapasaya sa iyo? Maghih...