CHAPTER 41

1.2K 91 162
                                    

CHAPTER 41

4 months.

Apat na buwan nang buntis si Seulgi. Apat na buwan na rin akong walang communication sa mga kaibigan ko pati na rin kay Suga.

Kinuha ni Seulgi yung phone, wallet at iba pang gamit ko para hindi ko macontact si Suga o kahit na sino sa mga kaibigan ko. Nagalit ako sa kanya nung ginawa nya yon pero pinabayaan ko na lang syang gawin yung gusto nya dahil mapapahamak yung anak ko.

Nagtutupi lang ako ng damit ko nung biglang may tumama sa ulo ko. Napatingin ako sa pintuan at nakita ko si Seulgi na galit na galit sakin habang hawak yung phone ko, "Ano to?" Sigaw nya.

Huminga ako ng malalim para pakalmahin yung sarili ko. Buntis sya Jimin... buntis. Kailangan mahaba yung pasensya mo.

"What happened again?" Paulit-ulit na lang yung scenario na to kaya sanay na ako. Walang araw na hindi sya magagalit sakin dahil sa mababasa o makikita nya sa phone ko.

Hinagis sakin ni Seulgi yung phone ko at nasalo ko naman. Tinignan ko kung ano yung nakita nya at nakita ko yung message sakin ni Suga.

From: Love

I still love you... even though you're not talking to me anymore.

Gusto kong kiligin sa text ni Suga sakin pero hindi... nasasaktan ako.

Nasasaktan ako kasi akala ni Suga hindi ko na sya gustong kausapin.

But God knows how much I want to talk to him again...

"Sinabi na ni Suga... hindi ko sya kinakausap. Bakit ka nagagalit?" Mahinahon kong tanong. Hindi ko pwedeng sabayan yung init ng ulo nya dahil alam kong marami syang pwedeng gawin.

"Love? Yun pa din yung nakalagay sa kanya! Endearment natin yon, Jimin. Atin yung endearment na yon!" Sigaw ni Seulgi.

Gusto ko syang prangkahin na kahit kailan, hindi magiging endearment naming dalawa yung love dahil si Suga lang yung tatawagin ko non.

Kinuha ni Seulgi yung phone ko at dinelete nya yung number ni Suga, "You'll change your phone number. Dapat ako lang yung laman ng contacts non." Sabi ni Seulgi bago sya umalis ng kwarto ko.

Humiga ako sa kama ko saka pinikit yung mga mata ko. Pakiramdam ko nakakulong ako at lahat ng kilos ko, dapat gusto ni Seulgi. Lahat ng sasabihin ko, dapat gusto ni Seulgi. Lahat na lang dapat gusto ni Seulgi dahil kung hindi, sasaktan nya yung anak ko.

Nakita ko sya noon na nilalaslas yung sinapupunan nya. Ginawa nya yon dahil nakita nya yung picture namin ni Suga sa phone ko. Sobrang nagalit ako sa kanya nung araw na yon dahil baka mapahamak yung anak ko sa ginawa nya. Dinala ko sya sa ospital at sabi naman nung doctor na ayos lang yung anak ko dahil hindi malalim yung pagkakalaslas.

Simula nung araw na yon, hanggat maaari, hindi ko pwedeng hayaan na masaktan si Seulgi.

Kinabukasan, nakaupo lang ako sa sofa habang pinapakinggan yung mga sinasabi ni Seulgi. Masaya si Seulgi dahil ngayon yung araw ng ultrasound nya. Malalaman na namin kung lalaki ba o babae yung anak ko.

"Sa Seoul pala ako magpapa-ultrasound. Friend ng tita ko yung doctor kaya nirecommend nya sakin yon." Sabi ni Seulgi saka tumayo, "Mag-ayos ka na."

Ngayon na lang ako ulit makakabalik sa Seoul. Nag-ayos na ako pero hindi ako excited na bumalik sa Seoul dahil alam kong hindi ko makikita si Suga lalo na at kasama ko si Seulgi.

The Book of Lies | yoonminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon