CHAPTER 6 - SECRETLY IN LOVE ADMIRER

158 114 48
                                    

(E.R: Sana may magbasa ulit ^^ Pero kahit wala, itutuloy ko pa rin kasi gusto ko talaga magsulat hehe... Drama ko raw. Anyway, hope you'll enjoy this chapter as much as I enjoy writing this ^_~)


PINAGMASDAN ni Caren ang kanyang repleksyon sa salamin, katatapos lang n'yang maligo at ngayo'y nagsusuklay s'ya. Napadako ang tingin n'ya sa kanyang labi at wala sa loob na naidampi ang daliri doon. Kasabay din no'n ay bumalik na naman sa kanyang ala-ala ang ginawang paghalik sa kanya ni Alexus. Ilang sandali s'yang nakatanga.

Namalayan na lang n'yang nasa likuran n'ya na pala si Eireen at nakahalukipkip, nakasimangot ito.

"Kanina pa kaya kita tinatawag. Ba't ganyan 'yang mukha mo? Naka-drugs ka ba?" Natawa na lang s'ya. Alam n'yang nagbibiro lang ang kaibigan para ngumiti s'ya.

"Pasensya ka na, Ei. May naalala lang kasi ako. May kailangan ka ba?" sagot n'ya.

Imbes na sumagot ang kaibigan ay nakakunot noong nakatingin ito sa kanya. Wari'y inaarok ang laman ng kanyang isip. Alam n'yang nahahalata nitong parang wala s'ya sa sarili nitong mga nakaraang araw at 'yon ay kagagawan ng halik na iyon.

Nagpasya s'yang ilahad na kay Eireen ang nangyari sa pagitan nila ng guwapong lalaki.

Nanlaki ang mga mata ni Eireen matapos n'yang ilahad rito ang buong pangyayari mula nang makilala n'ya ang guwapong lalaki hanggang sa huli nilang tagpo.

"Ikaw, Ren, ha? May kinakatagpo ka palang lalaki, ni hindi mo man lang agad sinabi sa akin," nagtatampu-tampuhang saad ni Eireen.

"Eh, hindi ko naman alam na magkikita pa ulit kami at saka, hindi ko rin expected na magiging crush ko s'ya and to my surprise, na hahalikan n'ya ako."

"O, eh ano'ng ginawa mo?" titig na titig na tanong nito sa kanya.

Napahugot muna s'ya ng buntong-hininga bago sumagot. "Nasampal ko s'ya. Hindi ko naman kasi inaasahang gagawin n'ya 'yon at saka, bakit n'ya kailangang gawin 'yon? Hindi ko lang talaga lubusang maintindihan." Hindi lang para kay Eireen ang tanong n'yang iyon kundi pati sa sarili n'ya. Tinitigan muna s'ya nito bago ito sumagot.

"Alam mo, Ren, gusto ka n'ya." Huminto ito saglit bago nagpatuloy. "No, I think it's more than that. He's in love with you. Hindi 'yon mangangahas na halikan ka kung wala s'yang gusto sa'yo, unless he's just playing around." Iyon ang nabuong konklusyon ni Eireen. Hindi naman talaga nakakapagtakang may mai-in love kay Caren dahil sa magagandang katangiang taglay nito.

Nanatili lang nakatahimik si Caren sa mga sinabi ni Eireen at paulit-ulit na nag-eecho ang mga iyon sa kanyang isipan. 

Sa kanya? Mai-in love ang guwapong lalaking 'yon? Para kasing imposible dahil napakabilis naman, kailan lang sila nagkakilala.
"Heto ang tanong ko sa'yo, bes, ano naman ang feelings mo para sa lalaking 'yon? Positive ba, or negative?"

Ano nga ba? Kung negative ay dapat agad na s'yang humindi, pero bakit natameme s'ya? Am I also...? Ipinilig n'ya ang ulo sa kaisipang iyon.

"I take it as positive, Ren," nakangising sagot ni Eireen nang hindi  sumagot si Caren. Ngayon lang n'ya nakitang nagkakaganito si Caren. Karaniwan kasi 'pag may nagtatangkang lumapit dito ay agad na nitong dini-dismiss dahil wala raw itong panahon sa mga lalaki. Pero ngayon ay mukhang may nakatibag na sa depensa nito. Ikaw nga naman ang bigla-biglang halikan, ewan na lang kung maging no response ka pa rin. Idagdag nang guwapo raw ang lalaki at crush pa iyon ni Caren.

"I'm happy for you, bes! Sa wakas, magkaka-love life ka na. Ipakilala mo naman sa'kin nang makaliskisan," nakangiting wika ni Eireen sa nakatulala pa ring si Caren.

"I think hanggang doon na lang 'yon, Eireen. Wala na akong balak na magpakita ulit sa kanya. Above all, there's no reason to."

"Is that your final answer?" tanong ni Eireen na para bang nasa isang game show sila.

I'm a Lover and a Fighter Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon