We we're just too young to know
We fell in love and let it go
So easy to say the words goodbye
So hard to let the feelings dieAng sakit naman nitong pinatutugtog na kanta ni Cathy!
"Friend, baka gusto mo ilipat yung song?" sabi ko sa kanya na parang feel na feel pa talaga yung kanta.
"Bakit friend? Ganda ganda nga nung song eh!" na may pakanta kanta pa. Hindi man lang inisip ang dadamin ng iba diba? Makabalik na nga lang sa kwarto.
Oo nga pala, hindi pa ko nag papakilala. Hi ako nga pala yung babaeng nagmahal, nasaktan at iniwan. Joke. Haha.
Alexandra Marie Antonino, 4th year college sa isang State University, 20 years old, isang BS Mass Communication Major in Broadcasting student. Yung kausap ko kanina, si Cathy, Catherine Jean Gonzales, bestfriend ko. Kaibigan ko siya since bata pa kami. Magkapitbahay kasi kami noon kaya ayun.
Minsan tawag ko sa kanya CJ or kaya naman ayun, Cathy. May pagka kikay 'yun pero funny talaga at sobrang daldal. Pareho lang kami ng school at course pero hindi kami mag kaklase.
Ngayon, nasa isang apartment kami. Apartment lang na malapit sa school, masyadong malayo ang Bulacan kung mag-uuwian pa kami eh yung school namin nandito sa Manila pero umuuwi naman kami pareho sa Bulacan 'pag weekends or kapag walang masyadong ginagawa.
Oo nga pala! Bukod sa estudyante ako, isa din akong Character Actress, 'yung lumalabas sa mga teleserye or movies pero hindi ako si Sadako ha. Haha. Tumawa kayo nagjoke ako. Anyway, 'yun bang may mga small roles. Bata palang kasi ako gustong-gusto ko na mag-artista. So, ayun kapag wala akong pasok sa school, nagti-taping ako.
Sakto lang akong babae, yung tipong parang hindi ganun kaganda pero may ibubuga kapag nagkalabanan na, 'yung mata ko daw, parang laging nakikipag-usap kahit hindi ako nag sasalita. Expressive eyes, kumbaga. Anyway, ito nanaman ako. Nasa harap ng Laptop ko check-check ng kung anu-ano. Tapos biglang nag chat 'yung nanay-nanayan kong professor sa school,
"Neng! Where are you? Sunduin mo naman ako school. Hehe" Hay nako talaga Mama Cherry! Kung 'di ko lang talaga 'to mahal.
Nagreply ako,"Okay. Wait lang po Ma."
Marami nanaman sigurong bitbit 'to. May kotse naman. Haynako talaga.
Si Mama Cherry pala 'yung tumatayong nanay ko dito sa Manila dahil nga malayo 'yung pamilya ko sakin at dalawa lang kami ni Cathy dito na magkakilala, bukod sa mga kaklase ko at ka-work ko sa taping. Si Mama Cherry ang pinaka nalalapitan ko sa lahat ng bagay. Bata pa 'to, kaya medyo kalog tsaka funny din. Haha! Speech Communication and English 101 'yung tinuturo niya sa college namin, teacher ko siya since 1st and 2nd year kaso ngayong 4th year hindi na eh.
Makapunta na nga dun sa college namin at baka tumawag pa ulit itong si Mama Cherry. Niligpit ko muna mga gamit ko sa kwarto bago lumabas. Ata aba pagkalabas ko nang kwarto, nakita ko si Cathy sa living room.
And you mean to me what I mean to you and together baby,
There is nothing we won't do
'Cause if I got you, I don't need money'Yung kanta na naman. Tadhana talaga.
"Aba girl! Isa sa mga favorites ko yang pinatutugtog mo na 'yan!" sabi ko kay Cathy na parang na-asinang bulate na nagsasayaw sayaw pa sa living room namin.
"Oh! Saan ka pupunta?" biglang natigil at pawis na pawis pa ang bruha.
"Ano ginagawa mo? Ba't pawis na pawis ka." tumawa ako, "Pupuntahan ko muna si Mama Cherry, nagpapatulong sa school eh" Hay! Ito talagang si Cathy parang loka-loka haha!
"Eh nag wo-work out ako no, tignan mo naman yung bilbil ko ang laki-laki na!" Sabay pakita sa bilbil niya. Oo nga naman. "Osige, dito ka ba mag didinner or sabay na kayo ni Ma'am Cherry?"
Palabas na ko sa pinto sabay sigaw ko ng, "Sabay na kami kakain, meron pang ulam sa ref, initin mo na lang. Bye!"
Hay.
BINABASA MO ANG
Wala nang tayo
RandomSi Alex, ang babaeng ginawang mundo ang dapat ay tao lang. Nagmahal lang pero bakit nasaktan. Lahat ng bagay, may kadikit na masasayang alaala sa kanyang dating minahal. Paano makaka-move on kung ang taong lubos-lubusan niyang minahal ang n...